FINAL CHAPTER
FLASHBACK-
"You have to kill her." He said and hand me a picture. A picture of a girl smiling brightly.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. "Huh? Seryoso ka ba?"
"Mukha ba akong nagloloko? Wala pang salitang lumabas sa bibig ko na biro, Gonzales."
Napalunok ako dahil sa sobrang seryoso ng tono niya. "Okay."
"Yan na ang final initiation mo para makapasok samin. Tandaan mo, kailangang maging lihim itong lahat."
Tango lang ang naisagot ko saka ako umalis sa harapan niya at sinimulang pagplanuhan kung paano ko isasagawa ang plano.
***
"Pare, ngayon mo na daw isagawa yung mission mo. Nasa Racie's daw yung target." Sabi ni Oslo mula sa kabilang linya.
Napatingin ako kay mama na busy pa din sa paghahanda ng hapunan. Darating daw kasi sina lolo ngayon at dito kakain ng dinner kaya busy siya sa pagluluto.
Napatingin siya sakin bigla kaya ngumiti ako. Nag-iwas ako ng tingin at nag-isip ng maaari kong gawin.
"Pwede bang mamaya nalang? May family dinner kami eh." Mahinang sagot ko.
"Eh.. Utos ni supremo yun, Jav." Bulong niya din. Rinig ko mula sa kabilang linya ang ingay na marahil ay mula sa Racie's.
"Sige. Gagawa ako ng paraan." Ani ko saka binaba ang linya.
Tiningnan ko si mama. Kakayanin ko ba?
***
Kahit mabigat saking kalooban ay umalis pa din ako ng bahay kahit na pinipigilan niya ako. Masyado akong naging alipin ng sarili kong kagustuhan na maging sa nanay ko ay nagawa ko nang magsinungaling.
Sa labas palang ng Racie's ay marami nang tao. Nang pumasok ako nagulat ako ng kakaunti lang ang naroon. Nagtataka man ay umakyat pa din ako sa may VIP section. At doon ko nakita si Oslo kasama sila supremo at iba pa.
Nagshake hands lang kaming lahat bago nila itinuro sakin ang isang table kung saan napakaraming babae ang naroon. Anila'y naron daw si Winter at nakikiparty sa mga kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
Fall's Secret #KNLabyrinthWC
Short Story"You can't hide it forever." -Javy Gonzales