Chapter 3

5 1 0
                                    

*Beep Beep* Sabay kana ? Ano raw ? At sino naman tong lalaking to ! Ni hindi ko nga sya kilala para sumabay sa kanya . Pero gwapo sya ah hahaha . Hay nako itigil mo muna ang kalandian mo Zy !

Sorry pero di kita kilala at I don't speak in people I don't know . Tae ! Tama ba yung english ko ? Nahawa bako kay Rhien baby !? Shemay .

Hahahahahahaha their right . Your really funny ! Hahaha . Aish ! Anlakas ng loob nyang tawanan ako ! Porket ba nag-english ako . Pero teka ...

Hahahahaha your funny . That makes you so interesting .

Hahahahaha your funny . That makes you so interesting .

Hahahahaha your funny . That makes you so interesting .

Hahahahaha your funny . That makes you so interesting .

Hays naalala ko nanaman si Rhien . Tsk . Kase naman may pagkahawig sila ng lalaking nasa harap ko at halos pareho pa sila ng sinabi sakin .

Hey come on ! Hop in ! Sabi nya sabay senyas na pumasok ako sa loob .

Hindi nga sabi kita kilala at hindi ako sasama sayo ! Tas nagsimula nakong maglakad . Papunta kase ako sa hospital ni mama , dadalaw ako . Parusa raw kase ng amo ko sakin yung hindi nya paghatid sakin sa hospital dba ? kaya eto , kahit mainit , mahirap at nakakapagod ay Go ! Wala akong pamasahe eh , alam mo na , financial problem haha charot !

Tumapat ulit yung kotse sakin ng lalaki tas bumusina nanaman sya

I'm Adler Zackrey . And you ? Tas ngayon nagpapakilala naman sya ? anong palabas to ? Sasabihin ko ba ?

Keziah Zyrine Mecco . Bakit ko sinabi ? Para akong hypnotized ng kulay asul nyang mata . Kakulay ng kay Rhien .

Nice meeting you and since we know each other , lets go ? Sabe nya at ang sususnod na nangyare ay nasa loob nako ng kotse nya katabi nya . Pano nangyare ? Di ko rin alam .

So where are you going ? Naintindihan ko naman pero ewan kinakabahan ako pero di naman ako nakakasense ng kahit anong masamang aura tska kung kikidnapin nya ko wala syang makukuha sakin .

Sa St. Paul Hospital . Tagalog please . Sabe ko dahil baka di ko na kayanin kung mageenglish sya ng mageenglish .

Hahahaha okay . Bakit ka pupunta dun ? Andami naman nyang tanong . Aish !

Bakit mo ba ko pinasakay sa sasakyan mo at tinatanong ng kung ano ano ? Sorry ha . Di naman kase tayo magkakilala pero bakit hahatid mo pako ? Sabe ko ng nakatingin sa daanan . Ayokong tumingin sa kanya dahil baka kung anong hipnotismo nanaman ang gawin nya .

Easy . Gusto lang kitang makilala . I think your a good person kase . Gusto ko lang magkaron ng babaeng kaibigan.

Magsasalita na sana ako ng bigla nyang ihinto ang sasakyan at binaba ako ng kotse sabay nagsalita ulit .

Were here . Be safe Keziah my friend . At hinalikan nya ko sa pisngi sabay alis . Totoo ba yun ? Napahawak nalang ako sa pisnge ko at piling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko . Shemay !

Zy ! Anong ginagawa mo dyan ! Pumasok kana kanina kapa hinahanap ng mama mo . Bumalik nalang ako sa realidad ng marinig ang boses ni Lexi , bestfriend ko .

Ahh sige . Pinilit kong alisin sa isip ko ang nangyare . Si mama , mas kailangan nya ko kase dun sa lalaking si Adler Zackrey daw .

---*---

Lexi . Sino sya ? Pinigilan ko ang pagtulo ng luha sa mata ko . Tumango nalang ako kay lexi para iwan kaming dalawa .

Si Lexi ay childhood besfriend ko hanggang ngayon at nurse dito sa hospital nato . Sya ang nagboluntaryong mag-alaga sa mama ko pag wala ako kaya napapanatag ang loob ko pag nagtratrabaho ako , malaki rin ang utang na loob ko sa kanya . Sayang lang at hindi ako nakapagtapos ng pag aaral dahil sa hirap ng buhay at kalagayan ng mama ko . Di manlang ako nakatungtong ng highschool at nagtrabaho na agad .

Sino kaba ? Di kita kilala . Si Lexi ang kailangan ko . Sabihin mo sa kanya dalawin ako ng prinsesa ko ! Mama andito na yung prinsesa mo . Ako yun! gusto kong sabihin sa kanya kaso may nagpipigil sakin kase natatakot akong umiyak sa harap nya , ayokong makita nyang mahina ang prinsesa nya .

Ma ... nanginginig kong sabi .

O Zyrine anak andyan ka pala , Di mo manlang sinabi sakin . Tara lumapit ka kay mama . Namiss ko ang prinsesa ko . Lumalala na talaga si mama . Ayokong makitang nahihirapan sya .

Mama . Kamusta kayo ? Sorry ngayon lang ulit nakadalaw ang prinsesa nyo ah . sabi ko sabay yakap sa kanya para mapunasan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko .

Maayos naman ako . Inaalagaan akong mabuti ng mga tao dito . Sino ka nga ulit ? Hays ang mama ko .

Zyrine ma . Yung prinsesa mo .

Ay oo nga pala . sige tara kainin na muna natin yang dala mo , ayoko na kase ng mga pagkain dito . Nakakasawa na .

Hahaha Mama naman eh . sge tara kain po tayo .

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni mama pumasok si Lexi .

Ay tita excuse ko lang po si Zy ha . kakausapin lang po sya ng Doctor mo . Ako napo muna bahala sayo . Tumayo ako at lumabas ng kwarto ni mama . Dumiretso ako sa opisina ni Doctor Gem .

Maupo ka muna Zy . Di ako nagsalita at umupo nalang ako . Naghintay sa sasabihin nya .

Didiretsyuhin na kita Zy . Palala na ng palala ang mama mo . At may taning narin ang buhay nya . Napatayo ako sa sinabi ni tita . Oo tama tita ko si Doctor Gem , Mama ng amo ko . Kaya napakalaki ng utang na loob ko sa kanila .

Tita ! Wag naman po kayong magbiro . Pag bubutihin ko po ang pagtratrabaho sa inyo . Lahat po gagawin ko . Wag naman pong ganto tita . Sabi nyo po pagagalingin nyo sya . Tita naman . Di ko na mapigilang hindi umiyak . Ayoko . Ayokong mawala ang mama ko . Sya nalang yung pinagkukunan ko ng lakas para mabuhay sa mundong to .

Zy kumalma ka . Oo sinabi ko sayong pagagalingin ko sya . Nagpapagaling ang mga doctor dahil yun ang trabaho namin pero hindi naman naming kayang pigilan ang pagkuha sa kanila Zy , Hindi kami Diyos . Dahil sa sinabi ni tita . Nagising ako sa katotohanan . Katotohanang hindi na gagaling pa si mama at malapit na syang kunin ng Diyos.

5 buwan Zy . 5 buwan nalang ang itatagal ng mama mo . Pagkatapos nun ay iniwan nya kong umiiyak .

Bakit ang lupit ng tadhana sakin ? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng to ? Hindi bako pwedeng maging masaya ? Masama bakong tao ?

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

A/N: Hi comment gusto magpadedicate 😘

Vote and comment . Ty 😘 . Lovelotsss .

-Ryl 💋

The Universe Of UsWhere stories live. Discover now