Chapter 1

8 0 0
                                    

Edison

You are the writer of your own story. simple lang naman ang meaning niyan eh, Ikaw ang gumagawa ng buhay mo, ikaw ang nagsusulat, nasasayo kung gagawin mo itong miserable o gagawin mo itong matagumpay. Life is a ruleless game. Ang buhay ay parang laro, laro na walang rules dahil ikaw ang gagawa ng mismong rules ng laro na napili mong laruin. Ganon ang buhay

"Ang tagal naman !" a bitchy voice interupt the silence inside the yatch. boses ni Margaux. bakit pa kasi sumama yan eh.

"Malapit na tayo Margaux, 15 minutes more" Masayang sabi ni Lara. Ewan ko ba kung bakit pa pinagtitiisan ni Lara yang si Margaux.

"Sana pala di nalang ako sumama!" Margaux replied. Di ko na talaga matiis yang ugali nyang babaeng yan.

"Ano ba Margaux ? tanga ka ba or something ? May nakikita ka bang isla dyan ?!" isang inis na may halong galit ang nagsalita. Si Reese. ang taong mahal ko. kahit inis siya ang cute parin nyang tignan naalala ko tuloy nung una ko siyang nakita at nakilala. Naka-Upo ako noon sa bleachers sa gilid ng oval at first day ng pasukan sa University nang dumaan siya na naka White tshirt, Chuck taylor at naka skinny jeans. napaka simple ng damit pero sinusundan ko siya ng tingin. Napaka ganda ng kanyang mukha. Mukhang may hinahanap ito nang biglang mag bell at dumami ang tao sa oval at di ko na siya naaninag pa. She's like an angel who dissapeared in the middle of this oval.

Pumasok ako sa prespective classroom at nakita sila Miko, Joshua, Marc, Dravin at Kenji. mga tropa ko. nag start ang klase at nagulat ako nang makira siya ulit, ang babae na nakita ko sa Oval kanina. Classmate ko siya. yun yung unang pagkakataon na nakita ko si Reese.

Papunta kami ngayon sa island nila Lara para magbakasyon bago magpasukan. 10days nalang bago magpasukan at 7 days kami dito. ok narin yon dahil wala naman kaming gagawin sa natitirang araw ng bakasyon. para iwas bored narin sa bahay. malaki daw ang island nila Lara. May malaking bahay at pool at meron ding mini theme park para sa kanilang magkakapatid at iba pa nilang pinsan. How rich right ? kahit ako di makapaniwala ng may mini theme park doon. matagal na daw nang huling magkatao doon. ngayon nalang daw ulit may mag sa-stay don at magbabakasyon.

Nagpatuloy sila sa pagbabangayan at nagsalita na ako. "Di ka kayo titigil ?". bigla silang napatahimik.

"Tama na yan guys." awat ni Dravin. Si Dravin, ang dakilang boyfriend ni Margaux. Ewan ko ba kung mahal niya talaga si Margaux kaya siya nagpapakadakila para sa Gf niya.

"Babes, tigil na yan" napatahimik si Margaux sa sumunod na sinabi ni Dravin.

Yan lang pala ang magpapatahimik sa kaluluwa ng babaeng yan. Bwiset !

Pero ewan ko ba kung bakit ganyan yang ugali nyang Margaux na yan. kulang lang ba yan sa pansin o tala siya katanga ? wala naman siyang nakikitang isla sa malapit tapos tatanungin nya kung malayo pa ? obvious naman diba ?

Obvious na obvious na malayo pa kasi wala pa kaming nakikita na malapit na isla.

"Guys ! malapit na tayo. natatanaw ko na yung pinaka mataas na puno sa isla. 5 minutes ok ?" masayang banggit ni Lara.

Nagkagulo sa loob ng yatch na sinasakyan namin. All of us are very excited for this vacation at mababakas yon sa mukha ng mga kaibigan ko dahil yung iba first time makakapagbakasyon sa ganitong isla dahil di naman kami lahat mayayaman. Some of us are belongs to the middle class like me and some of us are in the higher class of this society which Lara belongs and some of us are in the lower class which Rachelle and Miko belongs. Hindi naman sila ganoon kahirap sa buhay, Tama lang ang kinikita ng mga parents nila at nakapasok sila sa University dahil sa scholarship. di ko na ipagkakaila na matatalino talaga sila pero kahit ganon, naging magkakaibigan kami. di ko na matandaan kung bakit kami naging magkakaibigan basta ang alam ko ay masaya kami. Masaya kami na nagsasama sama at nagbibiruan pwera lang dyan sa Margaux na yan. kumbaga sa Family, siya yung black sheep.

Ilang minuto at malapit na kami.

Huminto ang yate at nagsimula na naming kunin ang mga gamit na dala namin. napagisipan namin na wag magdala ng Gadgets or anything that can communicate to others dahil meron naman daw linya ng telepono doon.

naunang bumaba ang mga babae at nagulat ang lahat nang may marinig na nakakarinding tili ng isang babaeng takot na takot parang papatayin ito ng isang Serial killer.

"Aaaaaaahhhhhhh !!!"

Si Margaux na nakakita ng isang lintik na palaka ?!

Seriously ? kaylangan nyang magtitili ng ganon kalakas para sa isang palaka ?

kinuha niya ng bolo sa yatch at sinaksak ang palaka. kawawang palaka.

Nilabas ni Margaux ang dala niyang Cellphone. teka ? may dala siyang cellphone ? diba napagusapan na yan ?

"Tatawag na ako ng Rescue at sasabihing na trap tayo dito ! I cant stay in this Island with lots of fucking frogs for 7 days !" maarteng sabi nito.

"Teka ! bawal yang cellphone !" kinuha ni Miko ang cp ni Margaux at tinapakan ito hanggang sa madurog.

"Walang hiya ka ! ang mahal nyang Cellphone na yan tapos tatapakan mo lang ?!" sigaw ni Margaux.

"Pero napag usapan na wala dapat cellphone diba ?" banggit ni Reese.

"Oo nga!" pahabol ni Marc.

"AAAAARRGGGG!!!" pagdadabog ni Margaux.

"Teka bago pa mapunta sa away yan. maglakad na tayo papunta sa Mini mansion." Pag-awat ko bago pa sila mag kasakitan at sumang ayon naman ang lahat. 

Pero sana di nalang tintapakan ang Cellphone edi sana nakaligtas kami. sana naisip agad namin ang mangyayari. hindi sana kami naubos. hindi sana kami namatay isa isa.

---

Bloody Horn: UnicornsWhere stories live. Discover now