Chapter 1

28 1 2
                                    

Tentenenen!! Chapter 1 na rin sa wakas! HAHA charot lang. Wala pa pala sa gitna haha. So let's start

Ay hinde joke lang ayoko pa. Ipinagdadamot ko pa si Chloe and Bryan.

Kemeeeee!!! eto nanga HAHA

Chapter 1

Chloe's POV

Ako nga pala si Chloe Grace Smith. Third year high school student sa SPU ngayong pasukan. Hindi ako ganong matalino. Yung sakto lang. Hindi rin naman ako mayaman. Pero yung may kaya lang. Mahilig akong manlaro ng lalaki. Pwede akong bitch pero hindi naman talaga ako bitch. Gusto ko lang talagang laruin yung lalaki

Hindi ako yung tipo ng taong marunong magseryoso about sa love. Kung meron man akong seseryosohin, siguro yun yung taong sigurado nakong akin na siya hanggang huli.

Isa lang akong ordinary student sa SPU. Marami akong pangarap na mahirap makamit. Gusto kong maging matalino pero tamad naman ako at walang sikap. Gustong kong maging famous at makilala ng buong students sa SPU. Gusto kong sumali sa kung ano anong sport at activities sa school namin para mapansin ako. In short, papansin ako pero hindi lang halata. Gusto kong makamit yung thousand likes sa facebook. Maraming puso sa instagram. In short, gustong gusto ko talagang maging famous. Gusto kong makapagtapos ng pag aaral ko at makapag asawa ng gwapong lalaki. Ang lahat sakin ay laro lang. Walang seryosohan.

Pero sa mga sinabi ko kanina. Ginagawa ko lang yun kapag nasa mood ako. Kapag minsan kasi ay tinatamad akong gawin ang mga yun. Yung feeling na nakakapagod magpapansin. Alam mo yun.

Facebook. Instagram. Twitter. Wattpad. Youtube. Etc. YAN ANG BUHAY KO.

Isa akong tamad at hindi masunuring anak. Haha sorry na. Ang gusto ko lang ay mahiga buong araw. Ayan ang buhay ng mga teenager ngayon. Minsan lang ako gagawa ng mga gawaing bahay, kapag inutusan or sinipag lang.

Ako yung tipo ng babaeng pabebe. Maarte. Mahilig mang away. Baliw. At kung ano ano pa! Pero mas okay na sakin yung ihalimbawa ko yung sarili ko bilang moody person

Oo moody person ako. Depende sa mood ko yung mga pinapakita kong ugali sa mga tao haha.

Tama na yan. Yan ang Chloe Grace Smith. At hindi ako nahihiyang ipakilala ang tunay na ako.

Bakasyon namin ngayon. At nasa bahay lang ako. Ilang araw nalang at malapit ng magpasukan

Wala akong magawa kaya naisipan kong magpunta nalang sa mall at mamili ng mga gamit ko this school year

At syempre. Hindi ako pupunta dun ng mag isa lang noh. Isasama ko ang mga besties ko. Tatawagan ko nga sila

*Calling Sammy...

"Hello"

"Busy kaba ngayon?"

"Hindi naman. Nagcocomputer lang ako. Why?"

"Magpapasama sana ko. Tara bili tayo ng school supplies"

"Osige mag aayos muna ko"

"Sige. I will also call Aelaine para sumama satin"

"Osige sige. Bye bye"

"Bye"

I end the call.

Siya nga pala si Samantha Williams. Pero tinatawag namin siyang Sammy. Siya yung bestfriend ko simula elementary hanggang ngayon. So 9 years na yung friendship namin.

Pagkatapos ko siyang tawagan ay si Aelaine naman ang tinawagan ko

Sa national book store na kami magkikita kita. Parehas pa silang nag aayos kaya mauuna na ako sa kanila

The Unexpected LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang