Chapter 3

45 26 0
  • Dedicated kay DaneLyn Fhame
                                    


JERIC POVS

Napamulat ako nang mata, tatayo na sana ako ng biglang sumakit yung ulo ko. Kaya napahiga ulit ako. Mga ilang minuto rin siguro akong nakatitig sa kisame when I remembered last night.

"Shit" Bulong ko at tumayo na talaga ako sa pagkakahiga kahit sobrang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa may desk katabi ng kama, may gamot at tubig. Napataas ako ng kilay at ininom ang gamot. 15 minutes medyo nawala ang sakit ng ulo ko. Tumayo na ako nang may biglang pumasok ng kwarto. Nakatayo lang siya nakatulala.

"S-sorry l-lalabas na ak----"

"Can you explain what happened." I said,  habang nagsusuot ng t-shirt, siya naman umiiwas lang ng tingin.

"Uhm sobrang lasing mo kasi kagabi k-kaya no choice ako, k-kase h-hindi ko naman alam y-yung b-bahay mo" she said, habang nakayuko. Tumango nalang ako.

"Kung nagugutom ka, bumaba ka nalang" Umalis siya agad na namumula, silly girl.

SCARLET POVs

Bumaba ako na tulala, hindi ko alam na sumunod pala siya kaya bigla naman akong napaayos at napatingin sa kanya , ang gwapo niya bumagay sa kanya yung binili ni mommy kaninang umaga. 

"Uh---" Napatigil siya sa pagsasalita nung dumating si mommy. Sabay kaming lumingon.

"Thank you for letting me stay here for a night uh"

"Just call me tita" Tumango nalang si Jeric.

"Iho kumain ka na, dapat hindi nagpapalipas ang tulad mong----" Pinatigil ko na si mommy sa pagsasalita at hinila na agad si Jeric.

"Sorry kay mommy. " I said

"Its okay"

Sabay tingin niya sa kamay niyang hawak hawak ko. Kaya binitawan ko agad siya at patay malisyang umupo at nagsimula nang kumain. Umupo na din siya sa tabi ko. Kumain lang kami ng tahimik hanggang sa dumating na sila Daddy at Drake.  Binati naman nila si Jeric habang ako kumakain lang, nag usap sila nang kung ano ano hanggang sa kinalabit ako ni Drake, tumingin ako pero ngingisi-ngisi lang siya, tinaasan ko naman siya ng  kilay.

"Problema mo ha?" Bulong ko pero hindi naman siya sumagot pero nakakaasar padin yung mga ngiti. Inirapan ko nalang siya.

"Oh scarlet narinig mo ba yung sinabi ni Jeric?" Napatingin naman ako sa kanilang tatlo na nakatingin lang sakin.

"What is it mom?" Medyo naiirita pa ako sa pang aasar ni Drake. Tumawa siya ng malakas ang bumubulong bulong.

"Just shut up Drake." 

"What is it Scarlet?" Inosenteng tanong ni Drake na nag pairita pa sakin lalo kaya naman sinipa ko ang paa niya sa ilalim at pinandilatan siya ng mata.

"You two, stop that childish act." Umubo si mommy.

"Scarlet pwede ka daw bumisita sa kanila mamaya saturday naman kaya pumunta ka na."

Literal na nalaglag ang panga ko, at bakit ako pupunta doon? anong gagawin ko doon?

"Huh? but--"

"No buts, Magbihis ka na at aalis na kayo mamaya."

Sabi ni mommy. Mapatingin ako kay Jeric na kumakain parang walang pakealam sa pinag uusapan namin.

"Scarlet did you hear what I just said?"

Napilitan nalang akong tumayo at pumunta sa kwarto at nagbihis. Nagsuot lang ako ng jeans, white sleeveless na pinatungan ko nang checkerd long sleeves at nag sneakers. Naglugay nalang ako at nag pulbo. Bumaba na ako.

The Monster Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon