One-shot

181 7 1
                                    

Sulat

-

Andito ako ngayon sa classroom, vacant namin. Nakakabored. Nakakatamad naman lumabas. Kaya naman naisipan ko nalang magsulat sa notebook ko.

"Hoy!" Sigaw ni Zac sakin.

"Hmmm?" Sagot ko at patuloy pa rin sa pagsusulat sa notebook ko.

Siya si Zac, boybestfriend ko. Kababata ko. Magkaibigan kasi ang mga magulang namin. Pero hindi eh, para na silang magkakapatid. Magbestfriend kasi yung daddy ko at mommy ni Zac then magbestfriend si mommy at daddy ni zac. Tapos magbebestfriend talaga silang lahat. Uh! Nevermind. Basta close sila, close kami, sarado.

"Ano bang napapala mo kakasulat ng pangalan niya? Nakakamove-on ka ba?" Tanong sakin ni Zac.

Joseph Karl Alcantara Joseph Karl Alcantara Joseph Karl Alcantara Joseph Karl Alcantara Joseph Karl Alcantara ..

Eh pakialam niya ba kung magsulat ako ng magsulat ng pangalan niya dito? Sinimangutan ko lang siya at tinuloy ang sinusulat ko.

Naniniwala kasi ako dun sa 100 ways in 100 days of Moving On. Sabi kasi dun, isulat mo daw for 100 days ang pangalan niya. Every day isang papel, at kailangan mong punuin yun. At ako? Ayun tangang naniwala. Naniwalang makakamove-on ako sa paraang yun. May pahabol na sabi pa nga dun e, sa last day may mangyayari daw. Oh diba? Masyado akong naniniwala.

Teka nga! Sino ba siya? Sino ba si Joseph Karl Alcantara? Siya lang naman sumira sa puso ko. Grabe ba? Eh kasi! Totoo naman. 3 months brokenhearted na ako ng dahil sa kanya. Siya ang bumuo ng buhay ko, siya ang taong mahal na mahal ko. At siya ang taong........nakaraan ko na lamang.

Di ko nga inaakalang hahantong pa kami sa hiwalayan eh, although alam kong bata pa kami at maraming pang mangyayari, di sa nagmamayabang pero kasi parang almost perfect na talaga yung relationship namin. Hindi sa sweetness, yung bang kitang kita mo na mahal talaga namin yung isa't isa?

Kaso talagang nakatadhana sigurong mangyari eh. Wala na siya. Masakit, sobrang sakit. Pero masaya pa rin ako at naging parte siya ng buhay ko. Minsan nga, Hinihiling ko na sana pwedeng balikan yung umpisa kung san kami nagkakilala. kahit yun lang. kahit paulit ulit. wag lang kaming umabot sa ending.

Pero wala! Di ko na talaga mababago na hindi na ako yung mahal niya.

Months ago, naging cold siya, wala ng sweet messages, wala ng hatid-sundo, wala ng holding hands, wala ng buhat ng bag, wala nang masyadong endearments.

Tiniis ko yun, kasi ayokong mawala siya. Ayokong dumating sa time na sabihin niya ng pagod na na siya. Ayoko! O di kaya sabihin niyang may iba siya, ayoko.

Hanggang sa dumating ang araw na ayoko nang maalala pa.

*flashback*

" Nayla." Seryosong sabi nya. Pero walang ekspresyon sa mukha niya. Blangko.

Bakit ang seryoso niya? "Huy! Ang seryoso mo naman." Sabi ko at tumawa.

"Wag mo naman na sana akong pahirapan pang gawin ito Nayla." Sabi niya.

Ano? Ano ba pinagsasabi niya? "Nagaadik ka nanaman Seph. Nakooo! Iwas iwasan mo na pagshashabu mo, nakakahalata na ako."

Bigla siyang napatalikod saglit, pero biglang humarap ulit at tumingin sa akin. "Natatakot kasi akong saktan ka kahit alam kong masasaktan ka. Pinigilan ko Nayla, pinigilan kong mahulog, kaso gago eh, ang tanga ng puso ko. Nahulog."

Parang tumigil ang oras ng mga panahong iyon, halos sumabog na puso ko sa sobrang kaba, ano ba yung sinasabi niya?

Hindi ako nagsalita, hahayaan ko lang muna siya.

SulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon