Epilogue

50 0 0
                                    

Aking napag alamanan na noong Oktubre 2013, tuluyan ng napakawalan ni Nenay si Noy. Hindi na minumulto ang bawat sulok ng isip at puso ni Nenay ng mga ala-ala ni Noy. Wala ng mapapait na sandali ang dalaga. Tila ba isang buradong litrato na ang pagsasama nila ng binata. Wala na. Walang wala na sa buong parte ng katawan ni Nenay ang kanilang pinagdaanan. Tuluyan na nga niyang nahanap ang sarili at handa na muling magmahal ng iba. Hindi ko alam kung anong salita ang maaari kong gamitin upang ilarawan si Nenay. Ngunit siguro sakto na ang salitang, malaya.

Oo, tama ka. Masaya na si Nenay. Akala niya ay hindi na siya makakapagmahal pa ng iba bukod kay Noy ngunit mali ang dalaga. Mayroon pa pala siyang mamahalin kaysa sa pagmamahal niya para sa binata. Marunong pa pala siyang magmahal at tumanggap ng kahit na anong klase ng pag-ibig. Kaya pa pala niyang sumugal sa kahit na anong paraan. Masayang masaya si Nenay. Dahil sa wakas, alam na niya kung saan papunta ang buhay niya, kasama ang taong sunod at huli niyang mamahalin pang habang buhay. 

Habang binabasa mo ito, kung ano mang buwan at taon, kasama ni Nenay ang lalaking muling bumuo sa kanyang pagkatao. Makikita mo silang nagkakatinginan at ang bawat titig ay puno ng pagmamahal. Ang kanilang mga kamay ay ayaw bitawan ang isa't-isa. Ang kanilang mga katawan ay para lamang sa kanilang dalawa. Maririnig mo silang nagsasabi ng matatamis na salita at ang bawat letra ay puno ng katotohanan. Mararamdaman mo ang pagtibok ng kanilang mga puso na mas matindi pa sa pagsabog ng anomang bagay. Tila ba, pinagtagpo ang dalawa upang alagaan ang bawat isa. Sa hirap at ginhawa, sa lungkot o saya, gabi man o umaga. Kung tatanungin si Nenay, ang lalaking ito na kanyang nakilala ang nais niyang makita pagkauwi niya galing sa trabaho. Ang gusto niyang marinig sa bawat segundong dadaan. Ang nais niyang maramdaman sa gitna ng kaniyang pag-tulog at ang gusto niyang makasama sa pag-aalaga sa kanilang mga anak at ganoon na rin sa kanilang mga apo. Isa sa mga sinulat ng dalaga para sa binata na walang kamalay malay sa kanyang pinagsusulat: 

"Simula noong nakilala kita, sayo na lang yung atensyon ko. Nakalimutan ko lahat ng lalaking dumaan sa akin. Wala na akong ibang iniisip kundi ikaw. Kung paano kita papatulugin nang masaya at kung paano naman kita mapapasaya pagka gising mo. Iniisip ko kung paano kita lalo pang mapapamahal sa akin. Tipong di ka na talaga maghahanap ng iba. Iniisip ko rin na kapag tayo, aalagaan kita ng sobra sobra. Mamahalin pa ng sobra. Ikaw yung tipo ng taong hindi ko magagawang pagsawaan. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko para sayo kasi sobrang buhol buhol siya. Halo halo na yung saya, kilig, pagmamahal. Lahat lahat na. Ganito kita kamahal. At sa pagmamahal ko sayo, pipilitin kong wag na to matapos. Totoo lahat ng sinusulat ko dito, mahal. Sobrang totoo. Ikaw na yung huling lalaking isusulat ko dito. Ikaw na yung huling lalaking eeffortan ko. Ikaw na yung huling lalaking mamahalin ko. Tandaan mo yan. Pusta mo pa buhay mo."

Ang lalaking muling nagpatibok ng puso ni Nenay, muling bumuhay sa puting dugo ng dalaga at kumumpleto sa kanyang kulang kulang na pagkatao ay itatago ko sa pangalang, Gang. 

Katulad ni Nenay, masaktan ka man ng paulit ulit, mahahanap mo rin ang taong para sa iyo. Kahit ano man ang ibig sabihin nito, alam ko at alam rin ni Nenay na mayroong taong nakalaan para sa iyo. Huwag kang matakot. Huwag kang malungkot. Huwag kang magpadalos dalos. Kung akala mo hindi na siya dadating, sa oras lang na iyon mo malalaman na papunta na pala siya. Aalagaan ka niya nang higit pa sa inaakala mo. Poprotektahan ka niya at ang puso mo. Masasaktan ka niya ngunit mas mamahalin ka niya sa paraang kaya niya. At doon mo malalaman, katulad ng pinagdaanan ni Nenay na, mayroon pa palang taong hihigitan ang nakaraan mo. Kailangan mo lamang mag-hintay sa tamang pagkakataon at tamang tao kahit na minsan, naiinip na ang buong pagkatao mo. 

Huwag kang matakot magmahal. Huwag kang matakot masaktan. Sumugal ka. Kahit pa-piso piso lang. Masarap umibig. Masarap mabuhay. Lagi mo lang tatandaan, hindi ka nag-iisa. Nandyan siya.  :)

Wanted: Tunay Na Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon