WHCDFH - 1

17 0 0
                                    



Point of View Ko!

Oo, point of view ko ito! May aangal? Sasapakin ko. Dejk lang. Hindi ko kasi alam kung papaano uumipsahan ang kwento (naiistress lola nyo dito) kaya ayun ang naisulat ko.

Bakit POV ko ang ginagamit ko sa storyang ito? Dahil nahihirapan ako sa ganitong set-up at gusto kong i-challenge ang sarili ko. Tapang ko ano? Isa ring rason ay may kapangyarihan kasi akong taglay na nababasa ko ang utak ng mga tao. Gaya ng mga bida dito sa storya, POV ko ang ginamit dahil nga may kapangyarihan ako at dahil ayaw rin nilang ikwento sainyo ang mga kaganapan sa buhay nila.. kayaaaa ako na lang ang nag volunteer, para masaya :)

OA na ako.

Osya magsisimula na ako.


Mag sisimula tayo sa nakaraan nila..

Highschool, dyan nagsisimula ang mga ligawan. Kung sino dyan ang nakakarelate, swerte nyo. Sa mga hindi nakakarelate, apir mga sisters!

Diba idadaan sa text, harana o kahit sa simpleng paraan lang, mapasagot mo lang ng OO ang nililigawan mo ay gagawin mo ang lahat.

Syempre sa highschool, ika nga ng iba, dyan marami ang tinatawag nilang "experiences" na nadaanan nila. Mapahappy man o hindi or good and bad experiences, sa huli may natutunan kang lesson. Yun yung importante.

Balik sa ligawan, dyan natin uumpisahan ang nakaraan nila.

"Hi Kristine, pwede ba kitang ihatid sa inyo?" tanong ng isang lalaki na ang pangalan ay Ivan Dominic Mendosa.

Bago lang kasi natapos ang klase nila. Hindi sila ganun ka-close, hindi nga sila seatmates e, pero hindi yun naging dahilan upang hindi sila maging magkaibigan. Magkaklase kasi sila kaya naging magkaibigan sila.

Halata namang nagulat si Kristine sa tanong ni Ivan. Kahit magkaibigan sila, hindi naman sila masyadong nagkakausap. Nag-uusap lang sila kapag may kailangan ang isa sa isa o hindi kaya'y kapag magkagroup sila. Ganun lang.

Hindi naman agad nakasagot si Kristine sa tanong ni Ivan kasi hindi pa nagsi-sink in sa utak nya ang tanong ng taong nasa harap nya ngayon.

Kinaway naman ni Ivan ang kamay nya sa harap ni Kristine

"Uhh.. Kristine? yoohoo"

"Y-yeah?"

"So ano? Ok lang ba?" tanong ni Ivan at nagdadasal na sana pumayag si Kristine.

Napaisip naman si Kristine. Wala namang masama kung papayag ako diba?, isip nya

"S-sige"

Nung marinig ni Ivan ang sagot ni Kristine napapatalon sya sa tuwa, syempre sa utak lang nya ginawa yun. Nakakahiya naman kung makita nya yun. Masisira daw ang Coolness nyang image

--

Simula nung hinatid ni Ivan si Kristine sa bahay nila, lalo silang naging mas malapit sa isa't-isa

Hindi naman sila ganun kasikat kaya walang masyadong sagabal sa relasyon nila, ang maging malapit na kaibigan.

"Pare adik ka na ata e" sabi nung isang kaibigan ni Ivan

"Ha? Bakit naman ako naging adik, e hindi naman ako nag da-drugs"

"Oo, hindi nga sa drugs. Pero naadik ka nun" sabi nya at ngumuso sa direksyon ni Kristine. Nasa cafeteria at bumibili ng pagkain

"Siguro nga. Pero, oy, hindi adik tawag nun. In love" sabi nya with dreaming voice. Hay ang cute mo talaga Ivan.

"Baduy mo"

"Hindi ka pa kasi nainlove kaya ganun ang tingin mo"

Nagtawanan silang dalawa at saglit na nagkwentuhan. Nagpaalam din sila sa isa't isa at pinuntahan ang dapat nilang puntahan.

"Girl, alam mo lately ha. Napapansin ko lang naman. Madalas mong kasama pauwi yung Ivan na yun." sabi nya at tinuro ang papalapit na si Ivan na nakayukong naglalakad

"Ssshh. Wag kang maingay. Masarap kasi syang kasama. Ka lalaking tao pero ang daldal. Kaya ayun. Pero wag kang maingay ha? Crush ko na ata sya. Hihi" bulong nya sa kaibigan at sakto naman na umupo sa tabi ni Kristine si Ivan

"Hi. Anong binubulong nyo kanina?" tanong ni Ivan

"A-ah.. ano kasi... eto kasi si Kristine e. Pinakita ko kasi yung mga pictures ng bago kong mga crush na gwapo. Eto o" sabi nya at inabot kay Ivan ang cellphone nya. Mabuti na lang talaga at mabilis mag-isip ng kaibigan ni Kristine kundi nahuli na sila.

"O? Aanhin ko naman to?" Tanong nya habang saglit tiningnan ang litrato at sinauli din ito sa kaibigan ni Kristine "Halata naman na mas gwapo pa ako kesa sa kanya" sabi nya at nakabusangot

"Si Channing Tatum? Mas gwapo ka kesa sa kanya? Sure ka?" tanong ni Kristine at halatang inaasar ang nakabusangot na si Ivan

"Bakit mas gwapo ba sya sa paningin mo? Mas gwapo pa kesa sa akin?" tanong nya at nakabusangot pa rin.

Kunwari nag-iisip si Kristine habang si Ivan naman ay inaantay ang sagot nya

"Aish. Makaalis na nga" padabog na tumayo si Ivan sa lamesa at aalis na sana kaso hindi nya tinuloy ang pag-alis nya kasi naramdaman nyang may nakahawak sa laylayan ng uniform nya.

"Sinabi ko bang aalis ka? At saka may sinabi ba akong gwapo sya?" napalingon naman si Ivan sa likod nya at isang nakangiting Kristine ang bumungad sa kanya

Madali naman syang napaamo ni Kristine.

Lakas talaga tama ko sa kanya, isip ni Ivan. Kung alam mo lang.

Bumalik naman si Ivan sa kinauupuan nya at nakipagkwentuhan sa kaibigan ni Kristine at kay Kristine din.

--

January 1, 20**

"Noong nakaraang taon, may nakilala akong isang babae na aksidenteng dumaan sa puso ko. Binigyan nya ako ng maliliit na atake sa puso. Hindi ko yun pinansin kasi hindi naman kami nag-uusap, hanggang tingin lang ako. Pero nagkalakas loob akong tanungin ka kung pwede ba kitang ihatid sa inyo. At ang sagot mo ang naging kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Naging masaya ako noong nakilala kita. At mas naging masaya ako noong naging kaibigan na kita." Huminto sya sa pag sasalita. Kinuha ang dalawang kamay ng dalaga at pinisil-pisil ito

"Bagong taon, bagong yugto ng buhay ko. Sana ngayong bagong taon, gusto ko sana maging parte ka ng buhay ko" napatigil ulit ito sa pagsasalita at pinunasan ang luhang nakatakas sa mga mata ni Kristine

"Maging parte din ako sa buhay mo. Makasama ka, mahawakan, mayakap. Gusto ko ako lang ang makakalapit saiyo ng ganito, ako lang ang titingin saiyo ng ganito at ako lang ang hahalik saiyo ng ganito" sabi nya at dinampi ang labi nya sa noo ni Kristine

"Mamahalin kita, aalagaan at proprotektahan. Hindi ko man maipapangako na habang buhay kitang mamahalin, hindi natin alam kung ano ang kinabukasan natin. Pero ito ang ipapangako ko saiyo. Mamahalin kita ng buong puso, every day, every hour, and every second of my life. Peksman. Mamatay man ako. Itaga mo iyan sa bato" napatawa naman ng mahina ang dalaga

"Amen!" Sigaw ng mga taong nakapalibot sa kanilang dalawa

"Pakasal na kayo!" Sigaw naman ng kaibigan ni Ivan

Pinandilatan sila ni Ivan upang tumahimik sila.

"So? Pwede ka bang maging girlfriend ko?" Nahihiyang tanong naman nya

Hindi sumagot si Kristine bagkus ay sinuklian nya ang halik ni Ivan. Hinalikan nya ang noo at magkabilang pisngi nito. Naguguluhang kinikilig naman si Ivan

"A-anong ibig sabihin nun?" tanong naman ng binata. Namumula na sya hindi dahil sa hiya kundi dahil sa kilig

Mahina nyang pinisil ang pisngi ng lalaki at nagsalita,

"Ako sana ang mamumula sa kilig at mapapautal. Bakit ikaw ang gumagawa nun? Saka yung speech mo kanina naiyak ako dahil para tayong ikakasal. Kainis ka" at mahinang tinulak si Ivan

"S-sorry. Kinakabahan kasi ako hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin saka hindi ko rin alam-"

"Shh. Gets ko na, ok?"

"So ano na?"

"Anong ano na?"

"Yung sagot mo"

"Tingin mo anong ibig sabihin yung paghalik ko sayo?"

Natahimik naman si Ivan habang nakatingin pa rin sa isang masayang nakangiting si Kristine.

Unti-unting napangiti ng sobrang lapad ang lalaki at dumistansya palayo kay Kristine

"Teka saan ka pupunta? Bakit ka lumalayo sakin? uy Ivan"

Sinenyasan nya si Kristine na wag umalis sa kinatatayuan nya. Hindi naman sya masyado malayo kay Kristine. Konting distansya lang na saktong isasabog nya ang kanyang nararamdaman

Napapakagat labi ito at nung ok na ang distansya at pwede na syang sumabog, ay sumigaw ito.

"YEEEEEEESSS!" nagtatatalon nyang sigaw habang napapasuntok sa hangin naman ito. Na akala mo ay nanalo sa isang kompetisyon.

"GIRLFRIEND KO NA SYAAAAA! GIRLFRIEND KO NA SI KRISTINEEE!"

Natatawa na lang si Kristine sa pinaggagagawa ni Ivan habang yung mga kaibigan nilang dalawa ay inaawat na sya. Mas masahol pa syang mag wild kesa sa taong lasing

Nang huminahon na sya ay binalikan nya ang girlfriend nya at niyakap ito ng pagkahigpit-higpit.

"Mahal na mahal kita" bulong ni Ivan

"Mahal na mahal din kita" sagot naman ni Kristine

**

What He can do for HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon