four

10 0 0
                                    


DIANNE POV

nandito na ako ngayon sa room namin senermonan ako ng tatlo bakit daw antagal ko. Hehehe  nag mo-moment pa kami ni rence e. Namiss ko kaya yun ng sobra isang buwan dn kami hindi nagkita kaya dun kami matutulog dalawa sa apartment namin :) yehey!  Oo may apartment na kaming dalawa alam na din yun ng pamilya namin. 

"Uy Dianne, next week may program ata ? kumanta ka ha!  Namiss namin yung boses mo e. " request ni Agnes. Ang loka kailangan talaga sa program ako kakanta?  Naku! Nakakahiya kaya yun.

"Oo nga, since 4th yr na tayo panahon na para ma discover Yang boses mo nu! " sambat ni Bea habang nagsusulat . Grabe first day of school may susulatin agad!  Tsssk grabe nman to si ma'am roque, English teacher namin. Second period na ako pumasok kasi sobrang late na ako kanina. 

"Sa ayaw at gusto mo sasali ka! Dahil ti-next ko na yung isang student council na sasali ka sa program. " sabi ni Jane at nag apir silang tatlo.

"Hoyyy!  Grabe ka! Hindi pa nga ako pumapayag inunahan mo na ako.. Huhuhu ayaw ko plssss. "  pagmamaktol ko at nag mamaka awa.  Pero tinawanan lang ako ng mga loka.

"Hahahahahaaa " sila

"Girls at the back! Silence!! " sigaw ni ma'am sa amin .. Nag belat lang ako sa kanila at tumawa ng mahina.

Kringggggggggggg

Tunog ng bell it means recess na!!!!  Kanina pa talaga ako nagugutom kaya hinila ko na sila para lumabas..

"Aray Dianne!!!  Dahan-dahan lang!  Kahit kailan talaga napaka takaw mo hindi ka nman tumataba" reklamo ni Bea at biniro ako. Kaya nahampas ko sya ng mahina lang.

"Aray"  bea
"Hahahaha"  yung dalawa tumawa.

Hali na nga kayo kasi gutom-na gutom na talaga ako. Habang papasok na kami sa canteen nakita ko si rence at mariel na pumipila sa may counter at masayang nagkukulitan. Para bang tinusok ng karayom yung puso ko na makikita mo yung boyfriend mo na kasama yung ex nya at nag tatawanan pa. Gusto ko ng umalis sa canteen pero hinila ako ni Agnes.

"Ano?  Tutunganga ka lang dyan? Hindi mo ba pupuntahan yung boyfriend mo na nilalandi nung bruha na yun! ? "  inis na sabi sa akin ni Agnes. Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. At kitang-kita ko sa mga mukha nila na naiinis sila Kay mariel. 

"Tsaka! Kailan lang sila naging mag kaibigan? " takang tanong ni Jane.

"Oo nga!"  Sabi nman ni bea

"Ewan ko sa inyu. Kayo yung nandito sa pinas wala man lang kayong Alam. Tsskk " at nag poker face ako
.
Hindi na kinaya ng mga mata ko na nakikita silang mag kasama kaya lumapit na ako. 

Laurence POV

nandito kami ni mariel sa canteen nakapila sa may counter para bayaran yung pagkain na napili namin.  May klase pa kasi sila Dianne tapos sakto nman nakita ko si mariel dito sa canteen na namimili kaya nilapitan ko.

"Grabe sobrang takaw mo nman yel. Mauubos mo ba yan? Tabs mo na. Hahaha"  Biro ko sa kanya. Hinampas nya lang ako sa balikat

"Lokoloko ka talaga" sabi nya.

"Hahahahahaha "  tawa naming  dalawa. Pero may biglang nagsalita sa likuran namin kaya napalingon kami

"Saya nyo ata? Anong meron? "  sabi ni Dianne habang nakataas ang isang kilay. Kaya agad ko syang nilapitan at kiniss sya sa noo.

"Ahhh,  wala mhie.. Nagbibiruan lang kami ni yel. " paliwanag ko.

"Ah, oo nga" pag sang-ayon ni mariel. 

Pero nakataas pa din yung kilay ni Dianne na nakatingin sa amin. Alam kong nagseselos na sya kaya hinawakan ko yung kamay nya at pinisil.

"Talaga?  Pansin ko lang ha ..parang pa lagi na kayong magkasama e. Baka nakalimutan mo ex ka nlang.. " mataray na sabi ni Dianne kay mariel.

"Mhie? Ano ba, halika na. Hindi naman kami sabay pumunta dito e nagkita lang kami. " paliwanag ko. Pero blangko lang yung expression nya. " sorry yel ha. Mauna na kami. " paalam ko Kay mariel na mataray din na nakatingin Kay Dianne. Parang ramdam ko na yung tensyon nilang dalawa. Hihilain ko na sana si Dianne pero nagsalita pa si mariel.

"Why don't you ask yourself  Dianne?.. tanungin mo ang sarili mo kong bakit ako ang palaging kasama ni Laurence? Kasi palagi kang WALA! " Sagot ni mariel

Shit! Mag aaway ata tung dalawa kaya lumapit yung mga kaibigan ni Dianne at ganun na din yung mga kaibigan ni mariel. Madami na rin nakatingin sa amin.  Kaya pumagitna na ako.

"Look guys, wag kayong mag away. Mhie Tara na" pero di nag patinag si Dianne. At nag bitaw ng masasakit na salita.

"Oo ,palagi nga akong wala dahil nag bakasyon ako dapat nga kasama si rence but di sya sumunod doon. Pero habang wala ako sinamantala mo yung pagkakataon para mapalapit sa kanya! Mahiya ka nman! Akala mo ba hindi ko alam na hanggang ngayon umaasa ka parin na babalikan ka ni rence? Hahaha. Wake up girl! Itatak mo to sa kukuti mo at sa buong buto mo na HINDI NA SYA BABALIK SAYO!!! Kaya itigil mo Yang kalandian mo!  "  galit na sabi ni Dianne Kay mariel at tinalikuran nya Ito. Tumingin ako Kay mariel at umiiyak na sya.

"Sorry  yel. " at hinawakan ko ang isa nyang balikat. Tumango lang sya. 

Sinundan ko si Dianne..
"Hey! Dianne? " tawag ko sa kanya habang nakasunod ako
Pero hindi sya lumingon. Kaya tumakbo ako para mahawakan yung braso nya na agad nman Yang ikinahinto. Susumbatan ko sana sya pero umurong yung dila ko ng makita kong umiiyak sya.  Kaya niyakap ko nlang sya at nag sorry. 

Sorry mhie.............

Hello :) dalawa yung na upate ko today!  At drained na yung utak ko hahaha.  Enjoy
Konti lang ang chapters into..



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Afraid Of Losing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon