Cruxifor ang tawag sa lugar kung saan kami naninirahan.
Nahahati ito sa anim na areas. Ang Area 611, 622, 633, 644, 655, at ang Area 666.
Nasa Area 611 ang mga itinuturing na mga politiko na pinamumunuan ang kabuuan ng Cruxifor.
Walang namumuno o nagbabantay sa bawat area ngunit ang bawat isa ay mayroong pamilya na nagdodominate sa lugar.
Matatagpuan sa Area 622 ang pamilya Cloventrust. Sa kanila ipinagkakatiwala ni Vladimir Preston ang mga taxes na nakokolekta ng gobyerno. Sila ang nagsisilbing bangko ng Cruxifor.
Matatagpuan naman sa Area 633 ang mga Luneers. Walang buwan o araw sa lugar namin kaya madilim. Gumagawa lamang ang mga Luneers ng mga specialized na bombilya na mapapailaw ang buong Cruxifor. Nag-iiba lamang ito ng kulay mula dilaw ay nagiging asul kung kaya't nalalaman namin ang oras.
Sabi sa mga nababasa kong libro, may buwan at araw daw, pero bakit hindi ko sila nakikita? Alam ko rin na si Thomas Edison ang nag-imbento ng bombilya, pero nasan na siya? Sa ibang planeta kaya galing yung mga libro ko dito? Oh sa ibang lugar na hindi pwedeng puntahan ng tao?
Sa Area 644 naman nagdodominate ang mga Skyte. Isa sila sa mga malalakas ang kapit kay Vladimir Preston. Sila yung napag-uutusan niya na magsimulate ng mga bagong imbensyon na bigla na lamang lilitaw sa cage o di kaya'y nabubuo ng mga Scinderain na nagdodominate naman ng Area 655.
Ang cage ay nakalagay lamang sa Area 666 kung saan binabantayan ito ng mga Cold Bloods. Buwan-buwan kasi ay may bigla nalang lilitaw dito na mga kakaibang bagay na itinuturing nilang mga imbensyon mula sa hinaharap o di kaya'y galing sa ibang lugar.
Hindi lang dinodominate ng mga Cold Bloods ang Area 666 kundi ang buong lupain nito ay nasasakop nila sa dahilan na rin na lahat ng tao ay takot sa kanila.
Sila ay kilala bilang 'assassins of the underground' dahil pinapatay nila ang sinumang salungat sa pamahalaan ni Vladimir Preston.
Pinapatay rin nila ang mga rebelde na mas kilala bilang Palprates. Ang mga Palprates ay ang mga taong nakakaramdam.
Hindi ko alam kung paanong ramdam ang sinasabi nila. Kung paano nila nalalaman na sila ay nakakaramdam.
Hindi ko rin alam kung ano ang problema namin sa kanila pero alam kong kalaban sila ng pamahalaan.
Kaya tumutulong ako upang mapuksa ang mga rebelde. Upang sila'y patayin.
Tama, isa nga akong Cold Blood.
_______________________
"New message request", sabi nang computer. Ipinapahiwatig lamang nito na may mensahe galing sa ibang area.
Agad na nagsitakbuhan ang mga kasama ko papunta sa harap ng touchscreen na hologram at ako nama'y naiwang nakaupo sa sofa.
Si Faustus ang nagkontrol sa hologram. Sa tuwing wala ang ama niyang si Ghede, na siyang aking tiyuhin, siya ang pumapalit sa posisyon nito.
"The Palprates are here", dinig kong sabi ng tao sa hologram. Alam kong boses iyon ni Vladimir Preston.
"Swerte nga naman o. Kanina pa ako gutom", ika ni Faustus.
Tinalikuran na niya ang hologram at naglakad papunta sa akin.
"Cold Bloods! Ready.... Front!", agad naman akong napatayo sa aking pagkakaupo sa sofa na biglang dumating si Klover. Mataas ang ranggo ng pamilya nila kaya sinusunod namin ang bawat iutos niya.
May apat na ranggo ang pamilya ng mga Cold Bloods.
Terminal
Sinister
Bale
MenacePinakamataas ang mga Terminal at ang mga mabababang uri naman ay ang mga Menace.
Sa kabuuan, binubuo ng labimpitong pamilya ang mga Cold Bloods kasama na ang mga Branch Families.
Sa sistema sa Cruxifor, may isang isasakripisyo ang Area upang maging kaanib nila ang isa.
Sa kaso namin noon, may isang alay na tao ang bawat pamilya sa Areas. Hindi lang naman ang pamilyang nagdodominate ang mag-aalay kundi pati ang mga maliliit na pamilya ay obligado din.
Swerte ko nalang dahil ako ay kabilang sa Root Family na may purong dugo ng Cold Blood, ngunit isa rin ako sa mga Sinister.
Ngayon, ang mga alay na tao ay pinapayagang magkaanak ng isang pares ng fraternal twin kasama ang isang Cold Blood ngunit hindi nila ito maaaring makasama bagkus ay bibigyan sila ng bahay at iba pang pangangailangan dahil ang Cold Blood na ipinadala upang magparami ay mayroong pamilya na isang Root Family.
Kaya't matapos maipanganak ang kambal na kalahating Cold Blood, hindi na muling babalik ang ama nito bagkus sila ang magtutuloy sa pagpaparami na ginagawa ng ama niyang Cold Blood. Samakatuwid, silang magkapatid ang bubuo ng bagong pamilya.
Iiwan ng ina ang kambal sa Area Code 666 pagkapanganak at babalik na sa pinanggalingan niyang Area.
Nakasisiguro silang ang magiging bunga ay fraternal twins dahil may switch ang bawat genitals ng mga tao kung ano ang gender preference at kung gaano karami ang gusto nilang maging bunga.
Kadalasan sila yung mga nasa Menace pero may isang branch family na narank bilang mga Sinister.
Sila ang pamilya ng kambal na sina Trent at Tridentine. Sila ang anak ni Ghede kay Trinity na galing sa mga Skyte.
Mataas ang ranggo nila dahil kay Ghede. Si Ghede ang itunuturing na panganay sa 4 na magkakapatid.
Nariyan sina Brigid na siyang aking ina, si Cyllan, Klostrum na ama ni Klover at si Helliae na kaaway namin ng ina ko.
Ang pamilya ni Helliae ay kabilang sa kategorya na Terminal. Isa siya sa mga pinakaiinisan kong kamag-anak. Hindi lang dahil sa siya'y mapagmataas kundi pati narin ang matagal ko nang nararamdaman na matinding galit niya sa aking ina.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-ugatan nito ngunit alam kong handa siyang makipagpatayan, para lamang sa kaniyang ikasisiya.
"Tipunin ang lahat ng Menace at Bale. Makikipaglaban nanaman tayo," sabi ni Klover.
Bilang anak ni Klostrum, na pinakamagaling sa larangan ng pakikipagdigma, siya ang naatasang maging in-charge sa mga digmaang idadaos laban sa mga Palprates.
Agad silang nagtipon sa harap ng Transporting Chamber kung saan sila'y lalabas sa ilalim ng lupain ng Area 611 malapit sa municipal proper nito kung saan naroroon sina Vladimir Preston.
Nang matapos na silang magtransport, agad na rin akong pumasok sa chamber at sumunod na rin papunta sa Area 611.
"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" sigaw ni Faustus.
Iwanagayway ko ang kamay ko at sinambit ang mga salitang, "Hindi ako isang duwag na tulad mo."

BINABASA MO ANG
Area Code 666
Ciencia FicciónCruxifor. A forbidden land where humans can not step on to. Perhaps human didn't even know it existed. Just only few of them. There are 6 Area Codes in the helm of Cruxifor, Area 611, Area 622, Area 633, Area 644, Area 655, and lastly, the Area Code...