CL 1

112 13 5
                                    

"Hits?" Tanong ng kapatid ko, pinagmasdan ko kung paano niya ikutin ang isang foil at sindihan ito, ang marijuana na siyang panandaliang nakakapawi ng pahirap nang mundo sa amin.

"Sabi nila Carding. Bahay nila Minares ang papasukin mamayang gabi." Saad ni Dominic at ngumisi.

"Akala ko ba kila Flores mamaya?" Tanong ko at nangingiti dahil tumatama na yung droga sa sistema ko. Bukod sa marijuana ay may sinubukan din kaming iba.

Ngumisi si Doms at umiling "Alam mo namang magulo ang utak nila, bunso." Nagkatinginan kami at tumawa ng malakas. Lima kaming magkakapatid, siya'y pang-apat at ako ang bunso. Ang tatlo naming kapatid? Kundi nagtutulak ng droga, ay pinilit ng aming magulang na pumasok sa pagpuprustitusyon. 

"Ah tangina para akong lumilipad" Ngisi ko dahil pakiramdam ko, nasa tuktok ako. Lumilipad at nakatakas na sa mga problemang kinakaharap namin ng kapatid ko, sa gulo ng pamilya na meron ako. Sa aming mahihirap droga lang ang nakakapagpasaya dahil nalilimutan namin ang problema.

"Gago. Wag ka maingay. May kumakantang anghel" sabad ni Doms at binato pa ako ng bote na tumama sa ulo ko pero pakiramdam ko ay unan lang ito.

Isang taon lang ang agwat niya sakin at ito na ang kinalakihan namin magnakaw, mangholdap, magdroga. Buhay ng isang mahirap. Patawa ang mundong to. May lugar na para sa mahirap at may lugar na para sa mayaman. At kami? Mas mahirap pa sa daga.

Mamula mula ang aming mga mata nang mapagdedisyunan naming maligo sa ilog. Walang pakialam kung mamatay, dahil sa droga na nasa aming katawan pakiramdam namin amin ang mundo, amin ang kasiyahan.

"Oy nena, gumaganda hubog ng katawan ah" natatawang sambit ni Doms at pinisil ang pwet ni nena. "Fafa doms, mamayang gabi naman. Kayo na lang ni Eros ang di ko pa natitikman oh" nguso sakin ni Nena, matawa tawa naman ako dahil isang suntok lang ay paniguradong bubulagta ito sa kanyang kinatatayuan. Mabait si nena, ang baklang mukhang kabayo. Marami ng lalaking pumayag na magpahawak kay Nena kapalit ng pera. San ka nga ba naman kukuha ng malaking pera na walang kapalit hindi ba? Si nena ang naging takbuhan ng mga kalalakihan bukod sa droga na tinatakas namin at ginagamit.

"Gag* kuys, mukhang kabayo si nena. Salabat salabat ngipin" malakas kong tawa at umiling iling. Kinonyatan lang ako ng kapatid ko at hinila ako papalabas sa eskinita

Lugar ng mahihirap, magnanakaw, takas kulungan, nagtutulak nang droga. Maligayang pagdating sa aming lugar.

Nalimutan na namin ang susunod na daan kaya itinuro ko ang kaliwa. Sa lugar namin di mawawala ang magkakagrupo at sa kasamaang palad grupo namin ang nangunguna sa listahan ng malulupit na mandarambong dahil handa kaming kumitil ng buhay makapagnakaw lamang.

Maraming may galit sa amin, kaya mismong kapwa namin pinagtatangkaan din ang buhay. Kapwa magnanakaw mo, nanakawan ka rin. Tang*na lang di ba?

Sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking sintido at hinilot hilot ito. Naramdaman ko sa aking gilid si Dominic at humihinga ng malalim. Sumandal muna kami sa mga yerong nagsisilbing harang at hinayaan ang kaunting hilo. Nawawala na yung epekto ng droga kaya mas nararamdaman na namin kahit papano yung paligid.

"Aba, naghahanap yata ng gulo ang mga bata ni Carding?" Maligayang sabi ng lalaking nakaupo sa gilid ng basurahan at may hawak hawak na plastic na may rugby sa loob. Napailing ako na maling teritoryo pala ang nadaanan namin. Tumingin ako sa aking kapatid at alam kong nagpapakakuya na naman to dahil iniharang niya ang sarili niya sa harap ko.

"Whoooo ngangina mangangasapak nyin ango" sigaw ni Ambo ang lalaking ngongo.

"HAHAHAHAHAHAHAHA  hayop ka ambo ang hirap magseryoso kapag nakikisali ka" sigaw ni Doms kaya natawa din ako.

Cupid's LipsWhere stories live. Discover now