Hindi ko na sinubukang umalis rito malapit sa ilog matapos ko masaksihan ang pangyayari kanina. Blangko lamang ang laman ng utak ko. Pakiramdam ko nakahinto ang mundo ngunit nang mapansin kong magbubukang liwayway na ay nag-unat unat ako at napangiwi dahil sa sakit ng saksak ko kaya napagpasyahan kong dumaan kila Ate Nancy.
Dating nurse si Ate Nancy, pero sa kasamaang palad ay nauwi siya sa kulungan. Nagkamali ang bagong nurse na kasabayan niyang intern sa pagturok sa bata na siyang muntik ng ikinamatay nito at nabuhos lahat ng sisi kay Ate Nancy. Inilaban ito sa korte kaya nanatili siya ng isang taon sa bilangguan. Nakalaya lamang siya ng mapanalo nila ang kaso by not guilty dahil nagsasabi sila ng totoo.
Sinubukan maghanap ni Ate Nancy ng trabaho pero sa katulad naming mahihirap na meron ng kaso o napasok na sa bilibid pahirapan dahil sa NBI clearance na yan. Walang tumatanggap sa kanyang ospital o kahit maliit na clinic lamang.
Kaya sa lugar namin na lang siya nagtayo ng maliit na kwarto. Tinutulungan namin siya, nila pala. Hindi ako gumagawa ng mabuti dahil hindi ako anghel at mas lalong hindi santo.
Humihikab pa ako ng pumasok sa lugar ni Ate at nakita ko itong nakangiti at nakaharap sa salamin.
"Gumaganda ah." Ngisi ko rito kasabay ng pagkindat.
"Walang pinagbago, bolero ka pa rin" ginulo nito ang buhok ko at kumuha na ng benda at panglinis ng sugat. Alam niya na agad ang kukunin Dahil saksak lang naman lagi ang naaabot ko.
"Paano ako mambobola Ate, kung yun naman talaga ang totoo?" Tudyo ko at pinaggalaw galaw ang kilay. Umiling lang ito sa akin kaya napangiti ako.
Hinubad ko na ang suot kong shirt at inalis na ni Ate ang maduming benda dahil sa dugo na natuyo kanina.
"Dumaan ang kapatid mo rito, nag-aalala na yun sayo panigurado. Wala ka daw kasi sa bahay niyo." Paalala niya sakin at kinuha yung alcohol. "Masakit to" hindi ko na pinakita sa kanya yung hapdi kaya ngumiti lang ako na para bang sanay ako at manhid sa kaisipang masakit nga iyon.
"Yaan mo si Doms, malaki na yun. Kaya niya na sarili niya" ngisi ko ng tuktukan niya ako sa ulo. "Aray ha! May saksak na nga ako tutuktok ka pa" tiningnan ko siya ng masama pero di niya ako tinapunan ng tingin.
"Hindi ka talaga marunong tumawag na kuya sa kapatid mo no? Batang to" napalabi na lang ako at nagpasalamat matapos niyang malinis ang sugat ko. Hindi na ako nag-abalang magbayad dahil kapag pinagpilitan ko ay isasampal niya lang sa mukha ko tulad noong unang bukas ng maliit niyang pagamutan. Pinagpilitan ni Dominic na magbayad dahil may mabuti siyang puso pero ang nangyari? Sinampal ni Ate Nancy sa kanya ang bayad. Naalala ko pang sinabi niya "Hindi ako tumutulong para kumita, tumutulong ako kasi mahal ko ang trabahong ito."
Dahil doon humanga kay Ate, pero dahil wala nga akong kabutihan sa puso ay pinairal ko na naman ang matigas na ulo. Nagmadali ako umuwi sa isang bahay na tinutuluyan naming magkapatid. Bukod sa bahay nila Gina at Gardo ay nagpasya kami ni Dominic na kumuha ng para sa amin para may tatakbuhan kami.
Naabutan ko itong nakatayo sa labas ng pintuan at naninigarilyo. Walang damit sa pantaas kaya pala ang iilang babae na maagang nagtsitsismisan ay nakatunganga sa katawan ng lalaking ito.
"Hoy" tawag ko rito at kinuha ang sigarilyo niya at nakibuga ako.
"Tangina ka Eros, san ka galing?" Gulat na tanong nito at dinagukan ako. Napaabante ako sa lakas ng ginawa niya kaya muntik ako mahulog sa itim na ilog kung di niya lang ako nahila agad.
"Gago ka ba! Muntik ako mahulog. Tangina mo" ganti ko ritong sigaw pero ngumisi lang ito.
"Mas gago ka alam natin yun" tiningnan ko siya ng masama at iniwan sa labas. Pumasok na lang ako sa loob ng maliit na kwarto at nakitang puno ng pagkain yung mesa.
YOU ARE READING
Cupid's Lips
Teen Fiction"Demon to some, Angels to others." Yeah, That's my description. I can be your sweetest dream or your worst nightmare. It's always depends on how you gonna treat me. Life is mad at me, Love is not in my vocabulary and You will be my playm...