Flappy and Bansy

465 20 2
                                    


Naglalakad si Ara papunta sa Razon dahil may announcement daw si kowts Ramil. Habang naglalakad siya,biglang may tumakip sa mga mata niya. Alam na agad niya kung sino yun. Isang tao lang naman kasi ang mahilig na gumawa ng mga bagay na maaasar siya. Si...

Ara's POV

"Good morning Ms. Flappy!"he greeted me with his infamous mapang-asar smile. Bwiset!

"Pwede ba Torres! Wag mo kong simulan ha!"I shouted at him.

"Woah. Ms. Flappy easy ka lang. I'm just greeting you a 'good morning'. Anong problem mo dun?"he asked still wearing his mapang-asar smile.

"Wala akong problema dun sa pagbati mo pero sayo oo! At wala nang good sa morning ko. Sinira mo na! Bwiset ka!"sabi ko sabay lakad ng mabilis palayo sa kaniya.

Naramdaman ko naman na may taong sumusunod sa likod ko. Paglingon ko....

"Bakit mo ba ko sinusundan?!"I asked him with a hint of annoyance.

"FYI Ms. Flappy,hindi kita sinusundan. Diyan din talaga ang daan ng pupuntahan ko. Wag ka ngang assuming. Di kita type."he defended.

"Wala naman akong sinabing may gusto ka sakin diba?! Bansy!"I shouted at him again at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Sungit talaga."narinig kong sabi niya pero di ko na lang pinansin. Hanggang makasakay ako sa elevator nakasabay ko pa siya. Pero di ko na lang pinansin.

Nung nakarating na kami sa 9th floor nagulat ako dahil nung pagpasok ko,nandon na lahat ng teammates ko. Pero ang mas kinagulat ko talaga eh nandito din ang lahat ng Archers at si coach Aldin maliban kay Torres. And guess what? Nakatingin silang lahat samin. As in lahat sila!

Speaking of Torres,bigla niya na lang akong inakbayan. Arg! Pero ang mas ikinainis ko ay di ko man lang magawang kumontra sa ginagawa niya. Napatingin naman samin ang mga teammates namin pati sina coach.

"Sorry we're late. Nag-date lang po. Hehe."sabi niya sabay hila sakin palapit sa kaniya.

What the???!

"Hoy! Anong date pinagsasasabi mo dyan ha?!" I said then pushed him palayo sakin.

"Yiiiieee kayo ah! Di kayo nagsasabi samin."pang-aasar nila. Mga pa-epal naman tong teammates namin. Nakakahiya tuloy kila coach.

"Hoy! Magsitigil kayo ha!"inis kong sigaw sa kanilang lahat at nagsimula na kong maglakad papunta sa bleachers katabi sina Mika.

"Babe naman. Wag ka na ngang mahiya sa kanila." sinamaan ko naman ng tingin yung midget na yun. Kainis! Pambwisit talaga eh! Umupo na ko sa tabi ni Mika na pinapanuod lang kami kasama ng lahat ng tao dito sa gym.

"Eh kung—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si coach Aldin.

"Ehem! Galang, Torres! Pwede bang mamaya niyo na ituloy yang paglalambingan niyo? We have an announcement pa kasi." Pati ba naman si coach Aldin? Huhu. Pero pasalamat siya gwapo siya wahahaha.

Nanahimik na lang ako. At buti na lang hindi na nangulit si Torres. Pero sa tabi ko siya umupo -_-

Maya-maya pa eh bigla na naman nangulit itong si Torres. Hindi ko tuloy maintindihan yung sinasabi nila coach.

"Babe, sorry na kasi. Di na po mauulit promise."he whispered.

"Tss. Babe your face. Don't talk to me Thomas Christopher." I said then turned my attention to our coaches. Pero dahil makulit si Thomas, hindi siya tumigil.

"I'm sorry na nga. Biglaan lang naman yun eh. Pinilit lang ako ng Archers. Sorry babe. Wag ka na magalit."

"Tapos di mo man lang nagawang sagutin yung mga calls ko? Hindi ka din nag rereply sa mga messages ko. Sinong hindi magagalit dun? Tell me, Thomas Christopher." 'Thomas Christopher' kasi yung tawag ko sa kanya pag naiinis and galit ako.

"Eh ang ingay kasi sa bar babe. Di ko naman nadidinig kung may tumatawag or what."

"And hindi mo man lang naisip na i-check yung phone mo?! Di mo man lang naisip na may nag-aalala sayo? Ang tanga mo Torres! Di ka single uy! May girlfriend ka!"inis na inis na kasi talaga ko kaya di ko napigilan na sumigaw ng pabulong. Yes, possible po yung sumigaw ng pabulong.

"Eh ang dami kasing girls. Nakalimutan ko hehe."may pakamot ka pa sa batok na bansot ka. Tiningnan ko siya ng masama.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Ano? Nag-enjoy ka ba kasama yung mga babae mo? Tapos ako tong alalang-alala sayo eh wala ka naman palang pakialam sakin. Gago ka! Mamatay ka na! Go to hell!"naluluha kong sabi. Napansin ko namang nakatingin ulit silang lahat samin. Umalis na lang ako at hindi sila pinansin.

Pasakay na ko ng elevator ng may naramdaman akong mga brasong yumakap mula sa likuran ko.

"Hey, I'm just joking kanina. Don't cry please."he said in a malambing tone. Humarap na ko sa kanya then sinimulan kong paghahampasin siya sa chest.

"Ang gago mo kasi Torres! Hindi nakakatuwa yung biro mo! Nag-alala ko sayo. Tapos malalaman ko na lang na nasa bar ka pala! Hindi naman ako magagalit kung sinabi mo sakin diba?" I can't stop my tears from falling kasi naiinis talaga ako.

"Ouch! Hey, sto-ouch! Hey stop!"he held my hands para patigilin ako sa paghampas sa chest niya.

" Let me explain first okay?"he said still holding my hands then he kissed me on my cheek. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya pinansin.

Nanahimik na lang ako and hinayaan siyang mag explain.

"I already told you. Biglaan lang talaga yun. And yung sa hindi ko pagsagot sa calls and messages mo, babe ang ingay kasi sa bar. Sorry kung hindi ko na-check yung phone ko. Masyado lang akong na excite. Kasi babe last night na lang ulit ako nakapunta sa bar. I'm sorry babe."after his explanation may nabuo namang tanong sa utak ko.

Tumingin ako sa mga mata niya.

"Thom, nasasakal ka na ba sakin? Masyado na ba kong mahigpit sayo?"teary-eyed kong tanong sa kanya.

"No babe. Hindi ganon yung ibig kong sabihin. It's my choice naman na hindi na mag bar. Siguro na miss ko lang yung feeling kaya ganun. But don't think na nasasakal ako okay? Kasi hindi naman talaga."he said then pulled me for a hug.

"Sorry Thom."I said habang nakasiksik yung mukha ko sa neck niya.

"You don't need to say sorry okay?" I just nodded as a response.

"So...am I forgiven na?" he asked.

Tumingin na ko ng diretso sa mga mata niya bago sumagot.

"Yes. I love you...bansy"I said with a smile. He was smiling too.

"I love you more...flappy." and we ended it with a kiss.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
2 updates for today cause 2k reads na yung work ko guys!🎉Thankyou for supporting my work kahit matagal akong mag ud.

Vote and comment fifols. I love you all!💚


ThomAra ThoughtsWhere stories live. Discover now