INTO YOU - You. Me. Alone. -

6 0 0
                                    


Bella's POV

Alas 4 na ng hapon ng tuluyang mamaalam si aling Alicia, tumawag si maam these sa mga gwardya ng subdivision na mag papasok ng taxi na syang sasakyan ni aling Alicia sa pag uwi.

Nag hain ako ng hapunan, niluto ko ang paboritong ulam ni maam these na itinuro sakin ni aling alicia bago umalis.

"Mmmm~ amoy palang mukhang masarap na iha" sabay tikim sa chicken curry, maya pay bumaba na rin si sir at kumain, nanatili lang ako sa kusina.

naalala ko na naman ang bilin sakin ni aling alicia "Mag iingat ka, lumaban ka" hindi ko maintindihan kung anong pinupunto nya.

"Bella!!" Tawag sakin ni maam these "po maam" agad agad naman akong pumunta. "Iligpit mo na ito, ang sarap ng luto mo iha, hindi ako mag dadalawang isip na taasan ang sahod mo" natuwa namab ako sa narinig ko kaya ginanahan akong magtranaho sa kabila ng pagod ko buong araw. "Vincent anak, ihatid mo ko sa kwarto" umakyat na sila sa taas..



Habang nag huhugas ako ng piggan, di ko maiwasang isipin si sir, "gwapo nga suplado naman, hay naku sayang.. JUSKO GINOO!" ng biglang may humawak sa bewang ko, agad kong nabitawan ang plato at napabalikwas paharap, na naging rason para mayakap ako ni "S-SIR" nakatingala siya habang nakapikit ang may dalang wine sa kabilang kamay neto, napasandal ako sa lababo na siya naman pag diin ng katawan ko sa katawan ni sir vincent. 




Nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero hindi ito hadlang para kumawala ako, agad ko siyang naitulak ng mahina " m-may kailangan po ba kayo?" Tanong ko, hindi siya umimik , agad niya akong sinunggaban ng halik. Natulala ako saglit. Sinampal ko siya ng sponge na hawak ko.



"Si-sir wag!" Biglang nag iba ang mukha ni sir na ikinatakot ko lalo, susunggaban niya na sana ako "uhoo uhoo uhoo" malakas na pag ubo ni maam na rinig na rinig mula sa silid neto. Natauhan si sir at agad na umakyat sa kwarto neto.



Agad kung pinunasan ang namuong luha sa mata ko. Nanginginig ako hagang sa naramdaman kong nabasa ang paa ko mula sa sponge na pigang piga sa pag kakawak ko. "Punyeta! Yung plato!" Agad agad akong bumalik sa lababo at tinignan ito " hays salamat at di nabasag, kung nag kataon kaltas agad ito sa sahod ko" tinignan kong maigi ang plato, baka sakaling may crack. Nakita ko sa likuran "MADE IN AUSTRALIA". Napa tango nalang ako, mabuti at di nabasag.



-3 weeks ago-


" bella, diba't 20 anyos ka palang?"



"Opo maam", tugon ko habang nag aayos kami sa garden niya



" bakit hindi ka na nag aaral?"



"Sa sobrang kahirapan maam"



"ano lang ba ang natapos mo?"



"Mag 4th year highschool na po ako maam"



"Gusto kung pumunta ka sa st. Francis high school bukas at mag enroll ka doon, ipapahatid kita kay vincent. At wag kang tumanggi, ayaw ko ng di sumusunod saakin" napatingin ako kay maam these, hindi ko alam ang reaksyon ko. 


Sa tuwa ba dahil mag aaral na ako ulit o sa takot dahil makakasama ko na naman si sir vincent. Naalala ko na naman yung nangyare.


------


INTO YOU .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon