Wrong Send!

5.9K 49 13
                                    

10/21/16

-

Xyrille's POV

“Uy ah, kayo na bahala diyan. Basta text niyo na lang ako kapag nagkaproblema.”

Tumango sila at nagpaalam sa akin. “Sige, Xy! Ingat ka!”

“Salamat. Uwi na ko.”

Naglakad na ako palabas ng campus. Hindi na rin naman ako nagpasundo kay papa kasi alam ko namang busy siya. Sayang din sa gas—at dagdag air polution pa. Save the earth!

Tumingin ako sa cellphone ko nang biglang umilaw at nagvibrate.

Uy! 5pm na pala. Hindi ko na namalayan dahil sa sobrang busy sa group project namin.

Sinagot ko ang tawag ni mama. Baka nag-aalala na.

“Hello, ma?”

“Nak, di pa ba kayo tapos diyan? Mag gagabi na.” sabi ni mama sa kabilang linya.

“Pauwi na po ako, ma. Wag na po kayo mag-alala.”

“Dapat nagpasundo ka nalang sa papa mo. Osiya siya. Mag-iingat ka! Wag papaabot ng gabi!”

“Opo ma. Bye po!”

Inend ko na ang tawag at inoff ang phone. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa madaanan ko ang bahay ng crush ko. Magkavillage kasi kami.

Napansin ko namang may tao sa balcony ng kwarto niya. Palihim akong sumilip at nakita ko siya. Si Migz.

Ang lalim naman yata ng iniisip niya? Kaya siguro nalulunod ako—charot! Assumera ng taon.

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay. Minsan talaga naglalakad ako para makadaan sa bahay nila Migz. Simpleng silay lang. Landi eh.

Grade 6 ako nung nakilala ko siya. Crush ko na siya noon paan. Naging magkaklase kami nung Grade 7, kaya lang nalipat siya sa star section nung Grade 8 kami. Hanggang ngayong Grade 10. Ang talino kasi eh.

“Buti naman at nandito ka na. Halika na’t kumain na tayo.” sabi ni mama tapos ngumiti.

“Magbibihis lang po ako, ma. Wait for me!” sagot ko at tumawa.

Pumanik ako sa kwarto at inilapag ang mga gamit ko sa couch.

Tinext ko muna ang bestfriend ko dahil sabi niya, sabihan ko raw siya pag nakauwi na ako.

"Mira! Nakauwi na ako. Kayo? Kamusta project? Sorry kailangan ko umuwi ng maaga. Btw, nakita ko si Migz kanina. So gwapo!"

Message Sent!

Linapag ko muna ang phone ko sa side table. Kumuha lang ako ng simpleng shirt at shorts sa closet ko tapos nagpalit na.

“Xyrille bilisan mo na diyan!” sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

“Susunod na po, ma.”

Pagtapos magbihis ay agad naman akong bumaba para mag hapunan. Masaya kaming nagkuwentuhan habang kumakain. Close kasi ako kila mama at papa dahil nag-iisa lang akong anak. Alam nga rin nila na matagal na kong may gusto kay Migz.

Pagtapos ko kumain, pinahugasan na lang sa kasambahay ang mga pinagkainan namin. Alam ko naman kasing pagod si mama at papa sa trabaho. At syempre, pagod din ako. Maghapon ba namang gumagawa ng project.

One Shot Compilations [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon