Sharlene's
Hi, I'm Sharlene San Pedro. 14 years old.
Oo nga pala, meron akong bestfriend, si ate Miles. Since then siya na naging kaibigan ko. Actually apat kaming magkakaibigan non. Ewan ko nalang kung nasan na yung iba. Kami nalang natira ni ate Miles.
"Shar, bilisan mo na nga! Malelate na tayo sa klase natin!" sigaw sakin ni ate Miles. Pano, di pa ko tapos kumain, eh ang aga pa nga e! Di pa tapos recess. Tapos magmamadali siya?
Don't disturb. I'm eating.
Di ko siya pinansin. Kumain lang ako ng kumain.
If I know, gusto lang niyang makita si Kuya Marco kaya nagmamadali. Hay nako.
"Shar wala na bang ibibilis yan?" iritadong tanong ni ate Miles.
Nginitian ko lang siya tapos kumain ulit. Dahil irita na siya, linabas niya ang cellphone niya at naglaro nalang ng candy crush. Bwahaha. I'm the winner.
Nang mapansin 'kong nageenjoy na siya sa paglalaro, kumain nalang ulit ako. Syempre binilisanko na. Baka magalit na e :D
Pagkatapos 'kong kumain, kinalabit 'ko si Ate Miles signaling na pumunta na kaming room.
"Sa wakas! Natapos ka din. Ang takaw mo talaga!" Sabi ni ate Miles.
Ganyan talaga. Diba? Hello sa mga matatakaw diyan!:)) Kaway kaway.
"Ewan ko sayo, tara na nga ate." Hinila 'ko siya. Bagal niya e.
Naghihintay pa ata ng pasko -_-"
"Dahan dahan nga Shar. Tsaka kakakain lang natin diba?"
Tumawa nalang ako tapos nagdahan dahan sa paglalakad.
Nang makarating kaming 2nd floor, nakasalubong namin si Kuya Marco.
Si Ate Miles ayun! Tulala. Hello, ngayon lang nagkita? Letse. Kailangan ko na sigurong umexit sa eksena nila.
"Ehem. Excuse me. If you dont mind, mauuna na 'ko sainyo. Sige bye!!" tumakbo ako agad para di na sila makapag react.
Pag pasok ko sa room, nagkakaguluhan sila. Ang ingay!
May nagbabatuhan ng papel, may mga nagkukwentuhan, may mga nagchichismisan na akala monasa palengke kung makakalat ng chismis, may mga nagliligawan, may nerd sa isang sulok na binabato pero walang pake.
Hay, people now a days.
Teka nga, lalapitan ko na. Kawawa naman yung nerd.
"Uy, itigil niyo na nga yan. Hindi ba kayo naaawa?" sinamaan ko silang lahat ng tingin.
"Eh bakit ba? Hindi pwede ang nerd dito sa room! Diba mga pre?" Um-oo naman yung mga kasama niyang bakulaw tas nagtawanan sila dun.
"SHUT UP! Tao din naman siya ah? Oo, nerd siya. Pero hindi yun dahilan para itrato niya siyang parang basura! Hindi siya iba saatin! Ano bang ginawa niya sainyo? Wala naman diba?!"
tumawa sila. nakakatawa ba? Nakakatawa ba yung nang aabuso, nang bubully, at nananakit ng ibang tao? Tss.
"Eh salot yan e! Kaya walang kaibigan! Mas masahol pa sa daga!" sagot nung isa. Di ko sila kilala e.
"Sa ginagawa niyong yan, tingin niyo di kayo salot? Wala namang ginagawa sainyo diba?! Wala ba kayong utang na loob? Makunsensya naman kayo!"
Di na sila sumagot. Umalis sila don ng parang walang nangyare.
Yung iba naming kaklase walang pakialam.
Linapitan ko yung babaeng naka thick glasses at brace. Nerd nga. Umiiyak siya ngayon.
BINABASA MO ANG
One Shot Compilations [COMPLETED]
Short StoryOneShotCompilations Iba't ibang klase ng one shot. May malungkot, may masaya. May fictions at iba pa. COPYRIGHTS © 2014 One Shot Compilations ALL RIGHTS RESERVED.