Pagmulat

35 0 0
                                    

"Kaibigan."

 

Ang sabi ng nakararami: "no man is an island". Ibig sabihin, walang taong makatatagal na mag-isa kailangan niya ng kasama at kaagapay sa buhay na ito. Kahit ang bibliya mismo, nagpapatunay sa katagang ito. 

 

Masayang magkaroon ng kaibigan, may kasama ka na sa mga bagay na kinahihiligan mo, may kaagapay ka sa mga mabababang punto ng buhay mo, may iiyakan ka kapag kailangan at may maaasahan kang tulong kapag walang-wala na talaga.

 

Siguro nga hindi natin kakayin na mabuhay ng walang kaibigan.Siguro...

 

Ngunit, paano kung hindi ka na magkaroon ng kaibigan? Magkaroon ka man ay mawawala rin kaagad dahil sa mga paniniwalang pinaglalaban mo. Paano kung umabot sa puntong ayawan ka na ng buong mundo? Ano ang gagawin mo?

PagmulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon