Sa Pagkakamali

7 0 0
                                        

Hatinggabi, isang normal na araw na naman ang nag-aabang sa akin bukas. Ngunit kahit ganun, hindi ko pa rin makalkula ang mga pangyayaring maaring dumating. Kahit isipin ko na halos paulit-ulit na lang ang mga pangyayari hindi pa rin nawawala ang posibilidad ng mga kakaibang pangyayaring hindi mo inaasahan.Oo, mga pangyayaring hindi mo inasahan. Kadalasan na yang mga yan ang bigla na lang magpapabago sa iyong buhay.

 

Nagulat na lamang ako ng biglang tumunog ang aking telepono, tatlong segundo rin akong napatitig sa makinilyang iyon na tumulong magpagaan ng ruta para sa komunikasyon. Halo-halo ang naglaro sa aking isip. "hatinggabi na sino kaya 'to?", "sana naman mahalaga ang pakay nitong taong to","aba panira ng gabi to ah, gabi na tatawag-tawag pa". Tumayo ako, dinampot ang nanginginig at tumutunog na device, pinindot ko ang pagsagot at nagsalita. 

 

"hello, sino to?"

"ah magandang gabi, o umaga na ba? pasensya na at napatawag ako ng dis-oras Mark, may problema kasi."

*Diyos ko 'pag may problema talaga sa akin agad ang takbo*

"oh ano ba ang atin?"

"ah yung project kasi natin bukas na nga pala ang pasahan....pasenssya na nakalimutan kong sabihin"

huminga ako ng malalim at mahaba bago sumagot.

"sige pre, susubukan kong tapusin. nasa akin na naman yung mga materyales eh, sana lang hindi kapusin ang oras."

"ah sige salamat"

*CLICK*

Binaba niya. Lagi namang ganito eh, takbuhan ako ng mga nangangailangan. Kung tutuusin kahit tanggalin ko siya sa project na 'to wala siyang magagawa. Wala naman siyang naitulong, naging pabigat lang siya sakin.Pero ayos lang, magkaibigan naman kami eh, ayos lang...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagmulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon