Sa pagsisimula

18 0 0
                                    

Ako nga pala si Mark. Isang normal na estudyante sa isang mataas na paraalan sa agham dito sa Pilipinas.Wala naman akong maipagmamalaki, hindi ako gwapo o matalino, wala akong kakaibang karisma at wala ako gaanong talento. Minsan nga naitatanong ko na lang sa sarili ko kung ano ba ang nakikita ng mga tao sakin para kilalanin ako bilang isang taong dapat respetuhin, siguro dahil sa ugali ko, siguro.

May itinatago akong kakaibang bait. Ni minsan hindi ko pa kinayang tumanggi sa isang taong nangangailangan kahit may mga bagay akong kailangang isakripisyo sa proseso ng pagtulong. Hindi rin ako marunong magalit, walang limitasyon ang pasensya ko kahit ilang ulit mo pa kong asarin sa kahit anong paraan. Yun din marahil ang dahilan kung bakit pakiramdam ko inaabuso na ako ng mga taong nakapaligid sa akin.

May kakaiba ding kasangguni ang aking ugali. Hindi ako marunong sumuko sa anumang bagay na nasimulan ko na. Mula sa paglikha hanggang sa pakikipagdebate. Hindi ako nagpapatalo kahit saan, nakatatak sa isip ko na hindi ko ipaglalaban ang isang bagay kung wala naman akong katwiran. Minsan may mga pagkakataong nagiging masama at may pagkakataon din namang nagiging mabuti ang nagiging takbo ng buhay ko dahil dito.

Namulat ako sa aking highschool sa life sa loob ng paaralang pinangarap ko mula pagkabata. Naipangako ko na rin sa mga kapamilya ko na dito ako mag-aaral at magtatapos at hinding-hindi ko ito bibitawan hangga't hindi ko ito natutupad.Dumaan ako sa isang prosesong ni hindi ko man lang naramdaman, nagulat na lang ako na natupad ko na pala ang aking pangarap. At hindi ko inisip na kailanman magpanggap sa loob ng paaralang ito, sinabi ko na magpapakatotoo ako, sinabi ko...

Dito nagsimula ang aking paggising sa isang mundo na hindi mo mawari kung tama o mali. Sa isang daigdig na puno ng katanungan at pagtuklas, sa isang mundong may itinatagong madilim na bahago na lubos na nakakasindak na sa pakiwari'y hindi nakakatakot ngunit sa katotohana'y kagimbal-gimbal.Nangako ako na hindi magbabago. Paano ko ito panghahawakan? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, may paninindigan ako.

PagmulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon