Chapter Eight

1.7K 70 8
                                    

NAPAGOD si Angel White sa byahe nila ni Imran, hindi na sila bumalik pa sa bahay ng binata sa Selangor, Gombak. Pinakuha na pala nito ang kanyang mga gamit sa driver nito at dumiretso na sila sa LCCT airport, Kuala Lumpur.

Ilang oras din ang kanilang biniyahe. Naalala n’ya kung paano niya nakitaan ng pag-alala ang mukha ni Imran nang bigla siyang nanginig at muntik nang mag-break down. Bigla na lamang bumalik sa alala niya ang nakaraang nangyari sa kanya sa airport kung saan siya dinukot ng hindi nakikilalang mga lalaki, kasabwat marahil ang Filipina na sumundo sa kanya at nagdala sa kanya sa Macdonalds.

"Nasaan na tayo?" tanong niya kay Imran nasa kanyang tabi. Lulan sila ng kotse na sumundo sa kanila sa NAIA terminal 3.

"Sa bahay," matipid nitong sagot sa kanya.

"Saan bahay? Ang dami mong bahay? Pati pala rito, meron din?"

Natawa ito sa kanya, “Ayaw mo ‘yon. marami tayong mapupugadan?”
inirapan niya ito.

Pagkalabas nila ng kotse ay agad niyang sinuyod ng tingin ang malaking bahay nasa kanyang harapan, at ang malawak na bakuran nito.

Ang ganda at ang laki! Malaki rin ang bahay nila sa Cebu. Pero hindi kasing laki nito at kaganda. Kakaiba rin ito sa Villa Abbas nasa Sabah, maging ang bahay ni Imran nasa Selangor, Gombak. Ang galing ng nagdesinyo nito. Angel thought herself.

"Imran!’

Magkasabay silang lumingon ni Imran sa babaeng nagsalita. Sophisticated, may kataasan at tila isang modelo na binihisan.

"Mama." Niyakap ni Imran ang babae.

Napatitig si Angel sa tinawag ng binata na Mama. Kung ganoon, ito pala ang ina nito… subalit napakabata pa! Kaya palipat-lipat niyang tinitigan ang dalawa.

"May kasama ka, hindi mo ba ipapakilala sa’kin? Bakit biglahan na lang ang dating mo rito? Gabi na! Nabalitaan ko na noong nakaraan buwan ay nandito ka sa Pilipinas, hindi ka man lang napasyal." Wika ng ina ni Imran.

"Ito po si Angel White," pagpapakilala sa kanya ng binata. "Angel, si Mama. Sa kanyang bahay ito." Dugtong pa ng binata.

"Mama mo? As in, mother?" Hinding makapaniwalang tanong niya.

"Bakit Hija, may pagdududa ba sa mukha namin? Para hindi kapani-paniwala na mag-ina kami?" sarcastic na tanong ng ina ni Imran na may kasama pang nakataas ang isang kilay.

"K-kasi po… n-apakabata ninyong tignan p-para maging ina niya." Nauutal na sagot niya.

Tumawa ang ina ni Imran, “Magkakasundo tayo, Hija! Salamat sa compliment. Pasok na muna kayo, magpapahanda ako ng makakain n'yo.”

Nang nakapasok na sila sa loob ng bahay ay lalong napamangha si Angel na napansin naman ni Imran, “Magaling na interior designer si Mama, building, event, o maging sa pagde-design ng mga damit. Kaya sila nagkahiwalay ni Papa dahil sa hindi nito maiwan ang kanyang hilig na trabaho.”

"Talaga? Ang galing niya, means, siya ang nag-design nitong bahay ninyo."

Tango lamang ang tinugon ni Imran, at agad niyang napansin ang malungkot nitong mga mata. Mahirap basahin ang kalooban ng binata, bigla na lang nakikitaan ng kalungkutan sa mga mata nito.

"Are you tired, Angel without wings?"

'H-ha?” nagulat siya sa tanong nito. Nababaanagan ang lungkot sa mga mata nito. Pero nagagawa nito ngayon na magbiro.

Tumango siya. Pagod nga siya at inaantok pa rin kahit na sa ilang lamang oras ang kanilang biniyahe.

Iginiya siya nito patungo sa silid na ilaan nito para sa kanya. “This is your room,” Imran said when they reach the second floor. "You still have time to rest before we eat.”

Hunk Series; Imran (Stay With Me)Where stories live. Discover now