Chapter Five

1.8K 79 12
                                    

NALIGO ng wala sa oras si Imran nang pagkalabas niya sa kuwarto niya kung saan si Angel White ang umuukopa nito.

Dumiretso siya sa master bedroom na dating ginagamit ng kanyang mga magulang. Naligo siya para maibsan ang nag-iinit niyang katawan. Muntik naman sanang may mangyari sa kanila ng dalaga kung hindi lang ito napahiyaw sa sakit dahil sa pagkadagan niya ng isang kamay nito na may dextrose.

"Shit this feeling!" mura niya sa sarili nakababad ang katawan sa bath tub na may laman na malamig na tubig.

"Kailangan kong dumistansya sa kanya dahil sigurado ganito lagi ang mararamdam ko. At ayaw ko samantalahin ang kahinaan niya dahil may druga pa ang katawan nito." Sambit niya sa sarili.

Inaamin niya na sa kanyang sarili na malakas ang epekto ng dalaga sa kanya, hindi naman siya gano'n sa ibang mga babae na kanyang nakakasalamuha pero ang isang ito ay sobrang nagbibigay ng init ng katawan sa kanya. Kaydaling pumiglas ng kanyang alaga na tila isang sundalo na galing sa giyera at gutom na gutom.

Mahigit isang oras din nakabadbad si Imran sa bath tub saka niya napagpasyahan na lumabas na ng bathroom at nagbihis. Hindi siya dapat magpadala sa kanyang nararamdaman.

"Imran, hinahanap ka ng dalaga. Gusto niya makausap ang kanyang pamilya o kahit ang kaibigan man lang daw niya." Salubong sa kanya ng kanyang mayordoma na isang Filipina.

"Okay." maikling sagot niya rito.

Dumiretso siya sa dalaga, kumatok na muna siya bago pumasok.

"What do you need?" bungad na tanong niya rito na nakaupo sa gilid ng kama na tila hinihintay siya.

"Puwede ba akong makitawag?" tanong nito sa kanya. "Siguradong nag-alala na ang Mama ko o ang kapatid ko man lang."

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya, pagkatapos ay itinanong niya rito ang numerong tatawagan nito. He dialed it then handed her the phone.

Nakailang ring na pero hindi pa rin sumasagot ang may-ari ng numero na tinatawagan ng dalaga. Kaya ibinalik na lamang nito sa kanya ang cellphone niya.

"Wala ka bang ibang kontak nila?" tanong niya rito.

"Si Mama Mia, ang kaibigan ko. Baka puwede sa kanya na lang ako tatawag? Ipapasabi ko na lang na tawagan sina Mama,"  sagot nito sa kanya na nagkasigla ang boses. Binigay nito ang numero na tatawagan. Kaya no'n nag-ring na ay agad niyang binigay dito pabalik ang kanyang cellphone.

"Hello," bati ng tinig mula sa kabilang linya.

Nakita niyang napangiti ang dalaga, "Mama Mia? Si Angel Whi..."

"Angel White!" halos sumabog ang eardrum niya sa lakas ng sigaw nito. "Where man ka oy? Nag-worry na ang grupo sa iyo! Bakit kasi kailangan mo pang mag-abroad at mag-sale lady diyan sa Kuala Lumpur, eh, maganda naman ang takbo ng negosyo natin."

"Okay naman ako, Mama Mia. Hindi po ba naipaliwanag ko na sa inyo ang dahilan ko. At isa pa, wala naman ako ambag sa TRE's bar o maging sa TRE's conduminium. Gusto ko lang makatayo sa sariling paa ko kahit na isang taon lang." sagot ng dalaga sa kausap nito.

Samantala ay nakaupo lang siya sa sofa at tigtig na tigtig sa  mga labi ng dalaga habang nagsasalita ito. Kanina lamang niyang nasabi sa sarili na kailangan n'yang iwasan na ito upang masikil ang kakaibang nararamdaman niya para rito sa tuwing nasa malapit siya sa dalaga.

"Ikaw na bahala magsabi sa kanila riyan na okay lang ako, at please pakitawagan si Mama, sabihin mo lang na okay ako rito kaya 'wag siya kamo mag-alala." She ended the call. Hindi na nito pinakinggan pa ang sasabihin ng nasa kabilang linya.

Hunk Series; Imran (Stay With Me)Where stories live. Discover now