rings and vows: this i promise you 8

5.8K 265 54
                                    

Chapter 36 (Lerroy Alfonso Madrigal)

Zeechant's pov

Halos di pamakapaniwala ang mga mokong sa sinabi ko.

"Seryoso ako guys ikakasal na ako." Nakangiti kong saad.

"Ok ka lang ba bro? I mean pano naman nangyari yun? Wala ka pa ngang pinakilala sa aming babae eh." Saad ni raph.

Nginitian ko lang sya.

"Si yummi ba yan?" Tanong ni mik.

"Nope never." Sagot ko.

"Eh kung hindi si yummi, don't tell me si jenna?" Si mik naman.

"Hell no!" ako.

"Eh sino nga yan? Bat ayaw mong sabihin agad?" Si cad naman.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Isa lang ibig sabihin nito. Pumayag ka sa pinagkasundo sayo ni tita diana tama ba? Yun yung sabi nya sa akin kahapon eh." Si trip. Oo nga pala sinabihan pala sya ni mama about sa arrange marriage.

Tumango akong nakatingin sa kanya habang nakangiti.

"Holy cow! Nainlove ka sa inarrange ni tita na papakasalan mo? Ano yun? Love at first sight?" Naguguluhang tanong ni raph.

Tumango ulit akong parang tanga.

"Gago! Bro lokohin mo lelang mo. You can never be in love in just a short period of time. We've seen you inlove with lee and though creepy but it was pure. You can never set that feelings aside in just one day. So i'm very much sure na hindi mo mahal ang babaeng yan." Conclude ni cad.

Ngumiti lang akong umiiling sa kanila. Alam kong magegets rin nila ito. Kilala na ako ng mga mokong na toh eh.

"Unless!" Ayan nah hahaga si mik naman na tila nakaisip ng bright idea.

"Unless what?" Sabay ng tatlo habang nakangiti lang ako.

"Unless kung ang minahal nya ng totoo at ang taong pakakasalan nya ay iisa!" Napangiti ako ng malaki kay mik na syang kina tanga nya.

"Weh!" -raph

"Lul! Impossible!" -trip

"In his dreams!"-cad

At sabay sabay silang tumingin sa akin habang malawak ang pagkakangiti ko sa kanila.

"Mik you are such a genius." Ngiti kong saad kay mik. "Tinalo mo pa si mr. Scientist, si math wizard at si mr. nightingale eh ikaw talaga ang pinakamatalino sa ating lima." Natatawa kong saad habang kunot noo ang tatlo.

"I'm marrying leeroy alfonso guys." Ayun laglag panga ang apat hahaha nakakatawa mga itsura nila.

Buong gabi kami nagiinom at puro about sa akin at kay lee ang pinaguusapan namin. At isang problema pang kinakaharap ko ay walang gustong magpatalo lahat gusto maging best man ko. Hai mapipilitan akong magkaroon ng tatlong best man kasi willing naman daw maging bestman ni lee si raph. Natawa nalang ako pero syempre di ko pa muna ito pinaplano bakadi matuloy.

Gaya ng pinangako ko kay claire eh tinapos na namin ang inuman bago pa tumungtong ang alas diyes. Dahil ayokong sumira sa napagusapan na. Pinagkakatiwalaan kaming apat ng asawa ng kaibigan namin kaya dapat pahalagahan namin ang tiwalang iyon.

Ganon naman talaga sa lahat ng bagay kung biniyayaan ka ng pagtitiwala ng iba ay wag mo itong balewalain imbes ay pahalagahan at palaguin ito.

Nauna nang umuwi ang tatlo gamit ang kanya kanyang sasakyan. Sadyang nagpa-iwan talaga si trip dahil may sasabihin pa nga daw sya sa akin.

rings and vows (Completed) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon