Chapter 1

4 0 0
                                    

CHAPTER 1

BAKASYON NA!!!

Pero bago yon. . . 

MAY ECOTOUR KAMI NGAYON!!! (^.^)v

Yehey! Yehey! Yehey!!! XD

Kahit may pagkabwisit yung prof namin sa Ecology, na sangkaterba lagi magpa quiz.

Masaya kami ngayon dahil nagpa-tour siya! Dagdag na sa grade, ENJOY pa!!!

Ako nga pala si Cristaline Joy Cagasan, 18 yrs old.BS Entrep Management ang kurso at 3rd year na sa pasukan. X)

Nakaupo ngayon sa tindahan sa tapat ng school naghihintay. . . Mag-iisang taon na rin pala mula noon. :(

Akala ko true love ko na siya...

*FLASHBACK*

"Cristaline!" salubong sakin ng mga classmate ko.

"Kelan mo ba sasagutin si Henry? Mag-iisang buwan na mula nung ligawan ka niya ah?" tanong ni Lovely.

Isa sa mga una kong naging kabigan ng mag first year college ako.

"Oo ngah! Abeh lagi ka niyang sinusundo o hinahatid ah? Lagi ko kasi siyang nakikita nag-aantay sayo dun sa may tindahan sa labas!" sabat ni Merilyn

Classmate at kaibigan ko din.

"Ah! Hehe! Malapit na. (^///^)"sagot ko nalang sa kanila.

Oo nga nuh? Mag-iisang buwan na mula nung magsimula siyang manligaw sakin.

Dati simpleng patingin-tingin lang kame sa isat-isa habang nagpapraktis kame ng sayaw kasama ang kanya-kanya naming classmates.

Para sa gaganaping acquaintance party.

Nalungkot ako nung nalaman ko na nagdrop siya.

Pero nagulat naman ako nung nagpatulong siya sa kaklase ko para magkatext kame at doon na siya nagsimulang manligaw. :)

Ilang araw pa, napagdesisyonan ko na sagutin siya.

Um.attend kami sa isang youth jam na ginanap sa dati niyang school kung saan siya naghykul.

Matagal pa bago nagstart at konti palang ang tao. Napaaga yata kame? Hehe.

Habang nag-aantay kame, binigyan niya ko ng bracelet! (0///0)

Simple lang yon, pero sobrang saya ko!!! :D

Nung nagsimula na preaching, kantahan at mga games, talagang nagENJOY kame! 

Pagkatapos hahatid na niya ko pauwi at nang paglabas namin......

"Ahm...May isang buwan ka na rin nanliligaw sakin kaya naman.....Ahm."panimula ko. Pero di ko matuloy! (>.<)

"Ok lang naman kung di....." hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at tinuloy ko na ang sasabihin ko sa kanya!

"Kaya naman-SINASAGOT na kita! :)"

"A-Ano? Sinasagot mo na ko? T-Tayo na?? (0.0)" paglilinaw niya.

"Hehe! O-Oo Tayo na!" (^.^)

"YESSS! Hehehe!" at masaya kaming umuwi ng magkahawak ang aming kamay...

Patuloy pa rin niya akong hinahatid-sundo sa school. Minsan nga kahit tanghali at walang pasok nagkikita pa rin kame.

Nakakapunta siya sa bahay namin at ganoon din ako sa kanila. Tumulong din ako sa pag-gamot sa alergy niya at buti gumaling siya agad!

Magaling kasi ako mag-alaga! Haha! Joke lang. :)

Umabot kami ng isang buwan at kalahati ng di ko inaasahan......

Bigla siyang nakipag-break sakin...

Hindi naging malinaw sakin ang dahilan.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang makipaghiwalay sakin...

Sa isang iglap

para akong isang ligaw sa kung saan.

*END OF FLASHBACK*

"HOY! TOYO!!! Tulala ka jan???"

"AHY! SYETE KAH!!!!" 

(0.o)

BREAKEVEN&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon