SUW II - 18

16.4K 211 2
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Badtrip na umuwi si Jude ng mansyon kasama si Bodie. Pinagbuksan sila ni Yaya Lourdes ng gate at pinto, then bumalik na ito sa pagluluto sa kusina. Sa living room, napansin ni Jude ang nakapatong na sobre sa lamesita. He felt weird kasi hindi niya maalala na may sobre doon yesterday. He picked it up, naki-usyoso lang si Bodie.

Flappable ang sobre, so he flipped it up kaya bumungad na ang wedding invitation para sa kanya.

A wedding invitation para sa kasal nina Stella at Daniel.

“Ya!” tawag ni Jude dito. Sumulpot ang katulong na may hawak pa na sandok.

“Yes, sir?”

“Kailan pa nandito ang invitation na ito?” taas niya sa sobre, then inabot ito kay Bodie. Bodie curiously read the invitation.

“Ah, iyan, Sir? Kahapon pa po iyan. Mga alas-tres na yata ng hapon. May dumating na lalaki, Marco daw, pinaabot iyan, eh wala naman po si Ma’am Ellen kaya ako na ang kumuha.”

He nodded. “Sige, salamat.”

Ini-on na ni Jude ang TV at nanood habang abala naman sa pagbabasa ng invitation si Bodie.

“Bods,” siko niya dito, “may bago na naman ang Benz.” Nakatitig lang ito sa commercial habang si Bodie ay nagbabasa lang. Just like the old times— Bodie, the geeky book worm and Jude, the TV-addicted video gamer.

“Jude,” lapit ni Bodie dito. “Tingnan mo ito, kasama kayo ni Ellen sa entourage.”

Ellen? That one magical name at nasa iyo na ang buong atensiyon ni Jude Gomez Castillo.

“Si Ellen?” tingin nito sa invitation.

“Ikaw at si Ellen, abay kayong dalawa.”

Shit, he thought. Me, the prominent Jude Castillo, ginawang abay ng mga ito sa kasal nila? Seriously? I always get to be the honorable guest or something more.

But then, Ellen is my wife and we are technically a family. They don’t find my status a matter to their decision about this entourage.

This isn’t healthy though. Pagtatawanan ako ng mga nasa business world. Shit.

But then, I get to partner up the aisle walk with Ellen?

Ngumisi ito. A very magical grin with hidden agendas.

------

“Sigurado ka ba na ikaw mismo ang magbibigay kay Jude ng annulment papers na iyan?” pamemewang ni Stella habang pinapanood ang pagsusukat kay Ellen sa boutique na iyon.

Inikot si Ellen ng taga-sukat paharap kay Stella.

“Just to show him that I can face him,” taas-noo niyang sagot sa pinsan.

“Bukas ba mga lalaki naman ang susukatan ko?” tanong ng nagsusukat kay Stella nang tumagal-tagal ang katahimikan sa pagitan ng magpinsan dahil sa hindi pagrespond ni Stella.

“Oo, Baila,” sagot niya, then napatitig siya kay Ellen. “Hindi mo na nabasa yung invitation na pinadala ko sa’yo?”

“Nagpadala ka ng invitation?”

Napailing-iling si Stella. “Pinadala ko iyon kay Marco the other night, since sa iisang subdivision lang naman kayo nakatira. The case is, wala ka raw doon the next day, by afternoon, nung iwan niya sa maid niyo yung invitation. Kaya nga nadiscover din niya na pinuntahan mo ako, right?”

The Set-Up Wedding [PUBLISHED BY PINK AND PURPLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon