Chapter 09: Game of Chance

156K 5.7K 2.8K
                                    


HARRIET

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HARRIET

"THE NUMBER you have dialled is out of coverage area. Please try again later."

Ugh! Bakit kung kailangan ko siya, doon siya hindi available?! I have a lot of questions for him and I needed his answers as soon as I could! Nakabenteng tawag na ako sa kanya, ngunit hindi pa rin niya pini-pick-up! Kaunting-kaunti na lang, mababato ko na ang phone ko kay Morrie.

"Hoy, Rie! Pumasok ka na sa loob! Baka maiwan ka na!" Dumungaw sa bintana ng van si Sherry para paalalahanan ako. Halos kakarating ko lang sa tapat ng Baker Building kung saan naka-park ang van na sasakyan namin. Remember the assignment given by SPO1 Cosmiano? Ngayong araw naka-schedule ang pagpunta namin sa crime scene. Actual crime scene.

Dahil mukhang busy pa ang taong 'yon para sagutin ang mga tawag ko, ibinulsa ko muna ang phone ko at pumasok sa loob ng sasakyan. I hope that person pick up my call the next time I dial his number.

Oh, my golly—

Ako na lang pala ang hinihintay ng mga classmate ko. Ang kaso, iisang seat na lang ang bakante sa twelve-passenger van. And guess who did not have a seatmate yet?

Morrie? No.

Aiden? Yes.

Kapag nakikita ko ang blonde niyang buhok na gusto kong sabunutan, naalala ko ang pambabaliktad na ginawa niya sa akin sa harap ng student regent. Ako pa talaga ang pinagmukhang masama. Nang magkasalubong ang tingin namin, he flashed a bright smile at me. Kung ibang babae ang nginitian niya, nahimatay na siguro sila. Pero ako? Aba, nangilabot pa nga ako e!

Mas gugustuhin ko pang sumabit sa bubong ng van kaysa makatabi ang mapaglinlang na lalaking 'to. Teka, bakit ba ako ang umuurong e may atraso ang Aiden na 'to sa 'kin? Dapat nga siya pa ang mahiya dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling.

"Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana," sabi niya bago pa ako tuluyang makaupo. Hindi pa rin nawawala ang killer smile niya kaya ang sarap niyang bigwasan. "Noong una, sa gymnasium. Sunod, sa office of the student regent. At ngayon, magkatabi tayo sa van. Coincidence?"

I rolled my eyes and averted my gaze to my Holmesian classmates who were seated in front. Sherry formed a heart by her hands while Aiden wasn't looking. Locke had no taste for nonsense so he might be sitting quietly with his earphones on, listening to his favorite music.

I glared at Sherry to stop her from pushing a ridiculous idea. She may be my friend, but the next time she does that heart-shape thing, I would pull her short hair until she begs for mercy. Simula nang sabay kaming pumasok sa klase nitong blonde na 'to, sinimulan na nila kaming i-ship dalawa. Halos masuka nga ako nang sabihin nilang bagay "daw" kami.

Sumilip ako sa rearview mirror at napansing nakatingin sa akin si Morrie na nakaupo sa pang-anim na row sa pinakadulo. Our eyes briefly met before we looked to opposite directions. Either may gusto siya sa akin kaya siya nakatingin o inoobserbahan niya ako. It might be the latter, I guess.

QED UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon