Mitch and Vera

5.3K 96 25
                                    

KAPAG LANGIT ANG INAGAW
by:Yeshameen Brejente









NANG mapansin ni Michelle si Vera sa downstairs ay tinawag niya ito.

"Vera!" tawag niya kaya huminto naman sa paglakad ang kababata niya.

"Bakit?" marahang tanong ni Vera.

"Kumusta ang iyong, sugat?" tanong ni Michelle nang makababa na silang mag-anak."Ma, Pa, she saved me."

"Maayos na, Mitch." Tugon ni Vera.

"Vera, thank's for saving her life." Nakangiting sabi ni Señora Almira.

"Walang anuman po." Nakangiting sabi ni Vera.

"Papa, pwede po bang dalhin na rin natin siya sa Pedia ko? Baka po ma-infect din ang sugat niya."Ani Michelle.

"Sure, hija." Tugon ni Señor Edwardo.Kaya naman ay lalo pang lumapad ang ngiti ni Vera sa mga sandaling iyon.Ramdam na niyang may halaga din siya sa pamilyang ito.

Inakay ni Señora Almira si Vera tungo sa kotse.Magkatabi pa sila ni Michelle sa backseat. Masaya nilang pinag-uusapan ang paborito nilang Cartoon characters na sabay nila kung panoorin. At nang pinatugtog ni Señor Edwardo ang rock music na pareho nilang gusto ay para bang nasa disco club sila kung makasayaw sa loob ng kotse.

"Mama, pwede po bang sa silid ko na lang titira si Vera?" lambing ni Michelle sa ina.
Nagkatinginan naman ang mag-asawa. Vera is silently wishing na sana ay pumayag ang parents ni Michelle.

"Are you sure, Mitch?" tanong ni Señor Edwardo.

"I'm sure about it, Pa. She's like a sister to me." Sabi ni Michelle. At yumakap kay Vera.

"Basta't wag na wag kayong mag-aaway. Maaasahan ko ba iyon?" tanong ni Señor Edwardo.

"Opo, Papa."Tugon ni Michelle at ngumit nang pagkatamis-tamis.

Tumango ang mag-asawa, kaya naman ay nagtitili ang dalawa sa loob.Sobrang ligaya.

Nang sila ay dumating sa Pediatrician ay nag-consult agad sila.Dahil wala namang masyadong pasyente si Doctor Chu ay agad naman silang nasuri nito.

Di naman malaki ang mga sugat nila, ngunit binigyan sila nito ng ointments para hindi maging pilat pag gumaling na ito. Mayroon din silang pain-reliever na mga gamot.

Di sila nagtagal sa Pedia, agad silang dinala nina Señor Edwardo at Señora Almira sa Enchanted Kingdom at doon ay nag-enjoy ang dalawa sa bawat rides na sinakyan nila.Sobrang ligaya nilang pareho.Lalo na si Vera.

"Ang sarap pala ng buhay mayaman." Sambit ni Vera sa loob- loob niya.

Nang makaalis sila sa Enchanted Kingdom ay dumiretso na sila sa Shopping Mall. Ipinamili sila ng mga bagong gamit at mga damit. Bawat item na kunin ni Michelle ay ikinukuha niya rin si Vera.Dahil para kay Michelle, sisters must always share what they have to each other.Kaya naman ay lalo pang naging masaya si Vera.Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakadama ng ganito.She's so thankful in a way.

Kumain din sila sa isang mamahaling restaurant and ordered their most favorite meals. Busog na busog silang lahat. At habang sila'y pauwi na, kapwa nakatulog sina Michelle at Vera.

"Ngayon ko lang nakita na ganyan kasaya ang anak natin." Sabi ni Señora Almira.

"Oo nga eh.Hanga ako sa batang yan dahil hindi siya maramot." Sabi naman ni Señor Edwardo.Parehong ngumiti ang mag-asawa.


Simula noon ay sa Kwarto na ni Michelle si Vera tumutuloy.Inilipat na rin siya ng mag-asawa sa private school na pinapasukan ni Michelle. At ano man ang ibigay nila kay Michelle ay sini-share naman ito ni Michelle kay Vera.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KAPAG LANGIT ANG INAGAWWhere stories live. Discover now