INGGIT is not Healthy

8.1K 117 1
                                    

KAPAG LANGIT ANG INAGAW
by:Yeshameen Brejente

CHAPTER ONE

SOLONG anak si Michelle ng isang kilalang tao sa bayan ng San Fernando.Siya'y anak nina Señor Edwardo at Señora Almira. Bagamat anak mayaman ay di siya suwail at lalong hindi nakakitaan ng masamang pag-uugali.

Simula pagka-panganak sa kanya ni Señora Almira ay si Aling Thrudes na ang nag-alaga sa kanya.Ito ang kanilang kasambahay at siya ring pinagkakatiwalaan ng mga magulang ni Michelle kapag nasa trabaho sila,at kahit ang lumuwas sila ng ibang bansa.

Kasama ni Michelle na lumalaki ang panganay na anak nina Aling Thrudes na si Vera.

"Michelle,ako naman ang magba-bike!"Sabi ni Vera at pilit na inaagaw ang manibela ng bike ni Michelle.

"Vera,sandali..tumabi ka muna baka matumba ako."Sabi ni Michelle at pilit na kinu-control ang brake ng kanyang bisikleta.
At dahil nakahawak pa rin doon si Vera ay tuluyan na ngang nagpaliku-liko ang bike,hanggang sa matumba na ang sakay nito.

Diretso sa may daan ang bike at si Michelle.

"Michelle!"Nag-aalalang tawag ni Vera na nagulantang din,nang makita niyang may sasakyang matulin sa pagtakbo."Michelle,tumayo ka!"

Napapikit ng mga mata si Michelle dahil sa tulin ng pagtakbo ng kotseng iyon.Kaya naman si Vera ay agad na napatakbo sa kinaroroonan ni Michelle saka ito hinilang patayo.At sa gilid ng daan sila'y kapwa tumilapon.

Gasgas ang mga tuhod ni Michelle at nang maramdaman niyang humahapdi ang mga sugat niya'y bigla na lamang siyang napaluha.
Si Vera naman ay nagasgasan lamang ng siko,at wala naman siyang iniindang ano.

Nang makalabas si Aling Thrudes sa labas ng tarangkahan upang magtapon ng mga basura,ay nagulat pa siya nang makitang umiiyak si Michelle.

"Naku,Diyos ko! Ano'ng nangyari saiyo?Vera,ano ba'ng ginawa mo sa kanya?"Nag-aalalang sabi ni Aling Thrudes.

"Inay,ano naman po ang gagawin ko sa kanya?Syempre iniligtas ko lang ang buhay niya!"Tugon ni Vera sa ina.

Tinulungang itayo ni Aling Thrudes si Michelle at ipinasok sa loob ng mansion.Sumunod na rin si Vera sa kanila.

Iniupo siya ni Aling Thrudes sa couch habang kinukuha nito ang ilang bagay na panlinis sa sugat ni Michelle sa tuhod.
Lumuluha pa rin siya,dahil talagang mahapdi iyon.Si Vera naman ay naghugas na lamang ng kanyang sugat sa siko.

Naiinis si Vera nang makita niyang ginagamot ng Nanay niya ang sugat ni Michelle.

"Ako ang anak,'Nay.Ako ang dapat na inuuna mo.Ako ang dapat mong ginagamot at di si Michelle!"Sabi ni Vera sa kanyang sarili.

Agad nang tumuloy si Vera sa loob ng kanilang silid sa may Maid's quarter at doon ay nagmukmok.

"Salamat po,yaya Thrudes."Sabi ni Michelle nang matapos gamutin ng matanda ang kanyang mga tuhod.

"Walang anuman,hija.Sana sa susunod ay di ka na maglalaro pa sa labas ng bakuran.Dito na lang sa loob ng bahay o kaya'y sa may hardin."Sabi nito sa bata.

"Pangako po,yaya."Sabi ni Michelle at yumakap dito.
Sinamahan na ni Aling Thrudes si Michelle tungo sa kwarto nito.At nang makarating doon ay binihisan niya na ang bata,upang makapagpahinga na.

Nang makatulog si Michelle ay saka siya iniwan ni Aling Thrudes.

***

Si Vera naman ay nakatulog na sa sama ng loob sa kanyang ina.At nang makarating si Aling Thrudes sa kanilang silid ay nahiga na rin ito sa tabi ng anak.Hindi niya lubos maisip kung ano'ng mangyayari oras na may masamang nangyari kay Michelle kanina,lalo na nang makita niyang lurak-lurak ang bagong bike nito. Sobrang dami niya kasing nilinis kanina at di na niya namalayang nakalabas na ang mga bata sa bakuran.

KAPAG LANGIT ANG INAGAWWhere stories live. Discover now