Kabanata 1
Nagising ako dahil sa hapding lumukob sa aking kaibuturan.
Aray! Ang sakit ng pagitan ko.
May mabigat na kamay na nakapulupot sa aking bewang at marahan pang hinigit palapit sa mainit nitong katawan. Iminulat ko ang mga mata ko. Luminga sa kabuuan ng kwarto. Biglang rumagasa na parang tubig sa isipan ko ang nangyari kagabi.
Napamura ako. Sinubukan kong tumayo at alisin ang braso ng estranghero. Mabilis at maingat ang ginawa kong galaw para hindi siya magising.
Hinanap ko ang nagkalat kung saplot at dali-daling isinuot iyon. Dama ko parin ang naghuhuramentadong pakiramdam sa katawan ko. Bakit dama ko parin yung mga haplos niya? Mga mapanuksong halik na nag-iwan ng mapupulang marka sa bawat dinaanan ng mga labi niya. Namula ako ng makita ko ang napakaraming kiss marks sa dibdib ko at maski sa ibang parte.
Napangiwi ako ng sumakit ang pagitan ko na naman. Tinitigan ko ang hubad niyang bulto na ngayon ay nasa kahimbingan parin. At hindi ko namamalayang sinusuri ko na pala ang perpektong mukha.
His jaw, it is prominent. The eye lashes, ang haba at tatalunin pa sa isang babae sa ganda at pilantik niyon. And his nose, oh! It is too perfect to be true — pointed, walang lubak sa kalagitnaan, tamang tama ang kabuuan. It was like sculpted sumptuously by Michealangelo.
At masasabi kong sobrang gwapo niya.
Pa'no pa kaya kung gising siya? Nakikinita ko kung paano malusaw ang mga babaeng mapapatitg sa kanya.
Walang isa man ang hindi mapapahanga sa nilalang na 'to.
Tudyo ng utak ko.
At siguro ganoon nalang ang pamumula ko ng huminto ang mata ko sa natural na mapulang labi niya. Thinking how those lips worshiped every part of me. How those lips dug everything, everywhere, wala na akong maitatago pa, lahat na ata ng dapat kong itago sa isang lalaki ay nadiskubre na nang mga labing iyon, nadampian na ng makasalang labi niya.
And how soft they were.
Dinampot ko ang nakabuhol na pera sa bedside table na sinabi sakin ng taong nagpapasok sakin kagabi na nanduon raw ang bayad.
Hindi ko maipaliwanag ang agarang pamimigat ng dibdib ko. Aalis naba ako? Malamang! Tapos na ang trabaho ko! Napayuko ako sa sariling realisasyon.
Pero bago ako lumabas sinigurado kong tatatak ang bawat himaymay ng mukha niya sa aking balintataw. Dahan dahan akong lumapit sa natutulog niyang anyo, at maingat kong idinampi ang aking labi sa nakaawang pang labi niya.
Hindi kita makakalimutan... Ito na siguro ang huli nating pagtatagpo. You make me so happy and woman...
Agap kong isinilid sa aking bra ang nakabalunbon na salapi at walang lingon-likod akong lumabas sa silid na yun.
Humahangos na tumakbo ako sa hospital room ni tatay. Nagtatahip ang hininga ko at pilit iyong hinahabol. Masaya ako dahil sa wakas mapapagamot ko na siya.
Natunton ko sa wakas ang silid ni itay at sa pinto, sumalubong sakin ang kumpulan roon.
"Tiyo ba't nasa labas kayo? Kamusta ang Itay?"
Magalang kong tanong kay Tiyo. Bakas ang lungkot sa mga mata niya ng tumitig sakin, nag-iwas ito ng tingin. Kumunot ang noo ko.
"Ate..." Si Jing. Ang bunsong anak ni Tiyo Ismael. Mugto ang mga mata niya habang nakayakap kay Angelo, kapatid nito at panganay ni Tiyo. Bakas rin sa mukha nito ang lungkot.
"Anong nangyari? Bakit ganyan ang mga hitsura niyo? Tiyo?" Mas lalo pang iniwas nito ang tingin sakin. Nalilito na'ko. Ba't ganito ang inaasta nila?
![](https://img.wattpad.com/cover/67607921-288-k75715.jpg)
BINABASA MO ANG
Tonight, I Gave In [Under Major Revision] Don't Read Yet
General FictionTonight, all she did was to gave in... WARNING! Contains GRAPHIC SEX SCENE WHICH NOT SUITABLE FOR below 18 individuals.