Dedicated po sa unang taong nag message sa message board ko at walang sawang sumasagot ng comments ko…(kahit kadalasan puro kadayaan lang pinag uusapan namin XD)..Kung ayaw mo po ng taho eh dedication na lang...
kay @trulymadlycrazy na nagsasabing…
“Bat ka pa magrereview kung nagreview naman katabi mo :D”
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
******Riiiiiiinnggggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Tumayo ako agad pagka ring ng bell at nagmamadaling lumabas ng pinto.
“Fiona yung-----“
Narinig kong sabi ni Jezreel pero di ko na liningon. Mas importante ang taong pupuntahan ko kesa sa anumang sasabihin niya.
Tinungo ko yung building na hindi pinupuntahan ng mga estudyante.
Mali pala. Kinakatakutan palang puntahan.
Pano ba naman kase. Kahit andun ang pinakasikat na crush ko eh kasama naman niya ang pinakaterror na instructor sa balat ng university na to.
Hindi rin naman ako pupunta dito kung di lang ako tinext ni crush!
Tama ang basa niyo! Hindi yun typo! Tinext ako ni crush! Whaaaaa!!!! >.<
Di ko alam kung pano niya nakuha number ko. Siguro sa mga kasama namin dati. Pero yung thought pa lang na nag effort siyang kunin yung number ko eh natutuwa na ko!
Kaya eto. Kahit gutom na gutom na ko eh todo pa rin sa paghihintay. 12:45 daw kami magkita pero 12:30 pa lang kaya kahit sabi niya na sa tapat kami ng building magkita eh pumasok na ko.
Excited much lang ang lola niyo!
Sumilip ako sa research room pero walang tao. Parang wala rin tao sa buong building. Creepy sana kung di maaraw sa labas at di ganito kalinis. Ikot ikot lang ako hanggang makabalik sa entrance at matanaw ko na siyang naghihintay sa labas.
May dalang isang green rose na mahaba ang stem at malalaki ang petals. Bakit green? Aba malay ko! Siya naman may dala. Para sakin kaya? Oh kupido? Bat ang bait mo?
Habang binubuksan ko yung glass door eh nakita ko si Jezreel sa di kalayuan na palapit. Maninira pa ata ng moment!
“Hi Yana” bati ni Kyle. Ang cute ng name ni crush diba. Parang bata lang. May pagka tsinita siya, singket eh. At oo, tsinita, babae siya at babae ako. Ano naman? Crush lang naman ah. Wala naman akong balak magkagirlfriend. Cute lang talaga siya.
YOU ARE READING
Undefined Mayhem (girlxgirl)
RomanceHayy buhayy... Ang hirap naman ilakad ni crush...('-_-) Pwede bang.... .... buhatin ko na lang siya?\(^_^)/