Chapter 2: Tsokolate at Tae

237 6 0
                                    

Update bago sumabak sa maduguang review!

Dedicated sa una at nag iisang follower ko...haha...

kay @chr0mE...

Next time na yung English...Epistaxis eh..haha...=)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Goooood Morniiiing Sunshine!!!!!” Sobrang energetic na bati ni Raffy. Ewan ko din ba dito sa baklitang to. Parang siya naman ata nagnakaw nung tesseract sa Avengers. Pano parang may pinagkukunang source ng unlimited energy!

“Rafael Bernardo Crisostomo ang aga aga ang ingay ingay mo!”  Saway ko.

“Hala. Bat may naligaw na tanders dito. Pakitakbo etech sa hospital, high blood si madir!!” pang-aasar naman niya. Tumawa naman si Hanna na kanina pa nauna samin dito sa classroom.

“Ewan ko sayo. Umupo ka na nga lang” Umupo naman siya sa tabi ko.

Oo. Tama ang hinala niyo. Ganto ko dahil sa nangyari kahapon. Sino naman kasing di maiinis pag nagpatulong magpalakad sayo yung CRUSH mo?? At ang matindi pa eh sa BESTFRIEND mo pa?? T_T

Magtatanong pa sana sila nung sakto namang pumasok na yung instructor namin at nagsimula agad magdiscuss. Napapaisip pa rin ako kung ano nga bang gagawin ko. Bat pa kasi ako nagkacrush. Eesh lang.

Di ko naman hobby mangulekta ng crush noh.

May mas malalim din namang  pinaghugutan!

Akala niyo ba eh basta ko na lang siyang nakita sa tabi tabi at napahanga sa charm niya? Siguro..haha..

Pero mas may rason pa naman. Lalo na’t babae siya. Tutal ang boring ni sir eh ikwento ko na nga lang sa inyo!

***************************************FLASHBACK****************************************

“Opo ma. ..Apat na araw lang naman po kami dito hindi po isang taon….Sige po…Ingat din..Love you!” Ang kulit ng nanay ko. Para namang sa gyera ako pupunta kung makatawag minu minuto.

“Fionna lika na. Pakilala muna daw lahat ng volunteers”  sabi ni Gabrielle. Tumayo naman ako at sumunod papasok ng tent. Nakacircle na din yung iba naming kasama para sa meeting.

Bumagyo kasi tapos dun pa sa probinsiya ng yumao <WHOOO!!BIG WORD!!YUMAOHHH!!!> kong lola. Kaya heto, volunteer volunteer din pag may time ang ate niyo.

“Hello guys! Bago natin simulan tumulong eh wala naman sigurong masamang magpakilala kayo noh? Sige start na natin sayo Len” turo nung head dun sa babaeng katabi niya.

Nasa dulong left side part ko yung unang nagpakilala. Tapos sunod sunod na kaso nabagot ako kasi di naman ako magaling magmemorize ng names. Kaya tinignan ko na lang yung mga tao sa paligid ko nang bigla kong natigilan sa taong katapat ko.

Ang tangkad kasi niya pero ang cute cute ng mukha. Parang ang amo amo lang. Parang tutang hindi nangangagat. Haha.

Tapos nung siya na yung magpapakilala eh nakinig talaga ko.

“Hi. I’m Karlyle Zedrick Servantes.” Ang ikli naman ng pakilala niya! Pero infairness sa smile niya. Nakakatunaw!

Pagkatapos nun di na rin ulit ako nakinig at pasimpleng tinititigan na lang siya. Tapos medyo nagulat na lang ako nung pati siya nakatitig. Hala, anung meron?

“Uy bhez kaw na”  siniko ako ni Gabby. Aish, Kaya naman pala.

“Ah—Hi. I’m Alyana Fionna Angeles.” Pfft.. Nakakahawa naman yung kaiklian ng greeting niya.

Undefined Mayhem (girlxgirl)Where stories live. Discover now