Chapter 17: Revelation

114 2 0
                                    

"Ms. Morallo, your son has a rare case of amnesia."

Nandito kami sa main clinic ng school doctor namin sa school. Mas malaki pala ang clinic niya dito kaysa sa school namin. Inferness, gwapo ang mga staff and maram--- ano daw?!!

AMNESIA?!!

"P-Paano nangyari iyon doc?" tanong ni mom. Makikita mo sa mukha niya na nag-aalala siya sa akin.

"Naaksidente ba siya noong bata pa siya?" tanong ni doc.

Naaksidente? Hindi pa naman ako naaksidente. Oo, naaksidente na ako noon, pero hindi naman malala na pwedeng humantong sa "amnesia".

Ano ba to, ang cliché naman. Meteor Garden ang peg? May amnesia pang nalalalaman. Hay nako..

"Misis, naaksidente po na ang anak ninyo noon?"

Natameme si mom. Tumingin siya sa sahig sabay tumingin sa akin. Dumaan ang ilang segundo at lingon ulit siya kay doc.

"Oo. Na aksidente kaming dalawa sa sinasakyan naming kotse. Malubha ang kalagayan niya. Malalim ang sugat niya sa ulo. Lahat ng test ginawa sa kanya. Noong nagising siya, binanggit niya agad ang pangalan ko kaya inisip ko at ng doctor na hindi siya nagka-amnesia.

Kaya imposible itong sinasabi niyo doc. " sabi ni mom na teary eyes na.

"Based sa tests na binigay ko, ikaw lang ang naaalala niya. Nawala lahat ng alaala niya noong bata pa siya. Kahit mga kamag-anak at kaibigan, wala din siyang maalala. Naalala niya lang yung mga nangyari sa kanya Pagkatapos ng accident. It turns out that 97% of his memory was literally wiped out. Its alarming that his pre-accident memory hasn't come back. Take note na ilang taon na ang nakalipas, rare ang mga kasong ito. Pero possible pang bumalik ang alaala ng anak m----" tumigil si doc ng biglang nagsalita si mom.

"Mas mabuti nang wala na siyang maalala." sabi ni mom sabay tumayo.

Nag-iba ang aura ni mom. Kanina eh parang teary eyes na siya dahil sa pag-alala sa akin. Ngayon na naman eh parang nilalamon siya ng galit.

"Thank you Dr. Perez but I think my son is perfectly fine. Aalis na kami." sabi ni mom habang hinihila ako paalis ng clinic.

Mahigpit ang pagkakahawak niya saakin. Medyo nasasaktan na ako pero mas focused ang utak ko sa nangyari kanina.

Bakit bigla siyang nagalit? May sinabi bang mali si Dr. Perez? Wala naman diba?

Nakalabas na kami ng building.

Awkward silence.

Naghihintay kami ng taxi pauwi. Tinignan ko si mama. Makikita mo sa mukha niya na malalim ang iniisip niya. May dapat ba siyang sabihin sa akin?

Nahihiya naman akong magsalita kasi parang galit pa siya.

Naging tahimik ang byahe sa taxi. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana.

Bigla kong naalala yung sinabi niya kanina sa clinic.

"Mas mabuti nang wala na siyang maalala."

Mas mabuti nang wala akong maalala?

Bakit?

May dapat ba akong hindi maalala?

May dapat ba akong hindi malaman?

Nakababa na kami ng taxi at pumasok na kami sa bahay.

"Bono, mag bihis kana. Magluluto lang ako. Tatawagin na lang kita kapag kakain na." sabi niya.

I nodded and I dashed to my room.

Hinulog ko ang sarili ko sa kama.

Bakit ganun? Bakit parang may ayaw siyang sabihin saakin?

Ano ba kasi ang nangyari noon?

Ano na ang nangyari bago ako na aksidente?

Bakit kami naaksidente?

Marami akong tanong na gusto kong masagot.

At alam kong si mom lang ang makakasagot nun.

***

Author's note:

Guys! Sorry po kung super short chapter ito na may cliffhanger sa huli. Peace!

:)

Please VOTE for this chapter!

Abangan sa mga susunod na chapter!

Ano kaya ang secret ng mom ni Bono?

Ano na ang mangyayari kina Bono and Jake?

Ano ang gagawin ni Rob?

Till next time! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gay Teen Learns How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon