Kakauwi ko palang sa bahay. Naguguluhan talaga ako sa sinabi ng school doctor namin.
Ganito kasi yun..
FLASHBACK
"Good morning po"sabi ko.
"Good morning, what can I help you?" tanong ni doc.
"Kanina po kasi, bigla akong nanghina at biglang sumakit ng ulo ko."
"Ok, anything else?" - doctor
"Well, I had these weird flashback while my head is aching."sabi ko.
"Naaalala mo pa ba yung flashback na yun?" - tanong ni doc.
"Uhm, No. My mind was kind of pre-occupied that time, and the pain given by the headache is also a factor why I can't remember it." sabi ko.
"I see." sabi ni doc.
Pagkatapos niyang magsulat doon sa patient's information paper, nagsalita siya ulit.
"Mr. Morallo, it seems that you have a rare kind of amnesia- - - - - - - - - - -"
Hindi ko na naintindihan yung iba niyang sinasabi. Amnesia daw? Rare kind? Ano? Imposible naman yata. As far as I know, nagkaka-amnesia lang ang isang tao kapag nagkaroon ng tama sa ulo tulad nung mga napapanood natin sa pelikula.
"- - - - - - - - but you're case isnt over yet. Pag-aaralan ko pa ang condition mo. For the meantime, umuwi ka na at magpahinga. By the way, give this to your parents."
He handed me a paper.
"This will inform them that you need to have an apppointment with me everyday for further examination. "
END OF FLASHBACK
Amnesia....Ako?......Paano?
Diba nagkakaroon lang ng amnesia kapag nagkaroon ng severe damage sa ulo?
Wala naman akong natatandaan na naaksidente ako, imposible, imposible naman itong mangyari. Baka naman pinagtitripan lang ako ni Doc? Ugh, Haynaku, bahala na nga.
Bigla ko naman natandaan yung tanong sakin ni doc.
"Naaalala mo pa ba yung flashback na yun?"
Sa totoo lang, hindi ko talaga matandaan. Sobra kasing sakit ng ulo ko nung mga oras na yun. Dumagdag pa yung panghihina ko.
Teka,
May naaalala ako..
Boses..
Bata...
Boses ng dalawang bata..
Naglalaro sila..
Dalawang bata na naglalaro..
Yun lang, yun lang ang naaalala ko.
Sino yung mga batang yun?
Bakit ko sila naaalala?
Anong kinalaman nila sa buhay ko?
Naguguluhan na ako at natatakot. Ngayon ko lang kasi ito na-eexperience. Yung biglang sasakit yung ulo tapos may matatandaan.
Kailangan itong malaman ni mom.
Speaking of mom, wala pa dito sa bahay si mom. Kung tawagan ko kaya?
Hmm, wag na lang. Baka busy pa siya sa trabaho. Ayoko naman siyang maistorbo. Mamaya ko na lang ibibigay yung form na binigay sakin ni doc.
Oo, tama.
Kailangan ko siyang tanungin kung naaksidente ba ako nung bata pa ako. Kasi ganito yun. Wala akong natatandaan simula nung batang bata pa ako. Nung tinangon naman ako ni mom, sabi niya wag ko na daw alamin kasi nakalipas na yun at sadyang makakalimutin lang daw ako.
Ayy basta, marami akong itatanong sa kanya mamaya.
*GROOOWL
Gutom na ako. -____-
***
*munch munch
Mmmm..sarap...
*munch
Nandito ako sa sala, wala naman akong kasama kaya nagmo-movie marathon na lang ako habang kumakain ng dinner. Nasaan na kaya si mom? Baka nandoon pa siya kina tita Dianne. Inaasikaso yata nila yung mga papeles nila kasi magkakaroon sila ng business trip. Sasabihin ko ba kay mom itong amnesia thing? Nasaan na ba kasi siy- - - -
*Ring Ring
Biglang may nagtext.
I reached for my phone and a smile creeped on my face when I saw who texted me.
It was Rob.
Namiss ko na rin itong loko na to. Matagal na rin kaing hindi nag-uusap.
Binasa ko na yung text niya.
Rob: Bono? Ok ka lang ba? Nabalitaan ko kasi sa mga classmates natin na nahimatay ka daw.Totoo Ba yun? Bakit? Anong nangyari? :(
The smile on my face grew as I read his message. It warms my heart knowing that there are people like Rob who actually cares for me. It makes me happy to know that someone will get worried when something bad happens to me. I'm so grateful that I met him. He's such a great friend.
Wow, english, nose is the bleed...
Hoy konsensiya, umalis ka dito, nag sesenti-mode ako.
Stop english ok? It's so hard to understandings ok?
HAHAHAHAHAA!!! . XDD
Pagkatapos kong kausapin si konsensiya, tumingin ulit ako sa cellphone ko.
Ang bait ni Rob noh? Hindi ko akalain na magiging magkaibigan kami.
Nagreply naman ako.
Bono: Ok lang ako.Pagod lang yata ako. Thank you kuya. Good night po. Matutulog na ako. :)
Nagreply siya ulit.
Rob: Sige,magpahinga ka na. Sleep tight. :*
Oo, matutulog na ako. Pagod na rin kasi ako. Kailangan ko na rin matulog. Bago ako tumaas sa kwarto ko, nilock ko muna yung front door ng bahay kasi may duplicate key naman si mom. Sinara ko na rin lahat ng ilaw kasi sayang sa kuryente. Pero kumuha muna ako ng pagkain. :)
Tataas na sana ako ng.....
*knock knock
Biglang may kumatok sa pinto. Si mom na yata ito. Ang aga naman niya ngayon.
Binuksan ang pinto at.....
End Of Chapter
A/N:
Sorry po kung short chapter lang ito. Mahaba kasi ang next chapter and I'm trying to make "quality chapters". Ayaw ko naman nung minamadali ang chapters pero pangit sa huli.
I hope you guys understand. I'll upload the next chapter ASAP. :))))