A/N
Ayana na, seryoso. Sana magustuhan niyo!!
Quincy's POV
"What?!! Jules naman bakit boyfriend mo na yun eh kaka-kilala nyo pa lang ah?"
nag ngingitngit talaga ang kalooban ko dito kay Julia.
Rumors pa lang kasi na nagde'date sila nung lalaki na yun at nagulat na lang ako nang malaman na sila na pala.
"Why Quiel? May problem ba dun? Zeke's a good guy and I love him. Bakit ba ayaw mo siya para sa akin?" padabog na umupo ito sa couch niya. Kasalukuyan silang nasa bahay niya.
"It's not that I'm against him pero Jules he's a notorious playboy! Masasaktan ka lang."
"Quiel I know! Relax ka lang, okay? Nakilala ko na si Zeke sa konting panahon na magkasama kami and I doubt na lolokohin nya ako. Matitikman nya kung gaano ako kalupit! Bwahahaha! Lol" nag-close fist pa ito habang tumatawa.
Hayyy baliw talaga.
By the way, I am Quincy Penielle Vallejo, 24 at kasalukuyang head marketing manager ng Vallejo Food Co. at ang baliw na babaeng kasama ko ngayon ay walang iba kundi ang bestfriend ko na si Julianna Sol Perston.
She is my bestfriend since immemorial. Fetus pa lang siguro sila eh nag-chichikahan na sila about likes and dislikes nila.
Anyway, Jules is a model-slash-fashion stylist-slash-designer she's been admired by so many people in and out of the country. United Nations ang peg niyan!. Pero para sa akin isa pa rin siyang siyang sira-ulo at loka-lokang kaibigan ko.
Lately ay nauugnay ito kay Zeke Rouen Reynaldi na isang sikat na water sports champion. Okay na sana na champion sa sports pero champion din ata sa kalokohan. Chick magnate,womanizer,playboy,Casanova, give it all, sya yun.
"Hey I know what you're thinking." She flips her hair and crosses her legs. "Madame, mag-boyfriend ka na kasi at di yung ako yung lovelife ko ang inii-scrutinize mo. Sige ka kukulubot yang balat mo." Inabot nya lang ito at bahagyang sinabunutan ang buhok. "Ewan ko sayo basta pag na-BH ka, wag kang lumapit sa akin na ngumangawa." She smiled. A horrific expression registered on her best's beautiful face. "NGUMANGAWA!! I DON'T DO THAT! GOODNESS!" nag face-palm pa ito. "Anyway, ba't naka pantulog ka na? Early pa naman ah, matutulog ka na?"
" No. my irereview lang ako then matutulog na afterwards."
Siya ang panganay kaya hindi nakapagtatakang sa kanya napunta ang pamamahala ng kanilang kompanya though nasa Sales and Marketing siya, malaki pa rin ang tungkulin niya bilang anak ng may-ari.
She worked hard just to get in the position at aminado siyang hindi madali katulad ng iniisip ng karamihan sa kaniya. Por que anak eh hindi na maghihirap para makarating sa mataas na postition. They are never like that. Her parents raised them properly. Kung ano ang passion nilang magkakapatid ay sinusuportahan naman ng kanilang mga magulang at itinuro ri sa kanila kung paano lumaban ng patas.
"Work again? Gala time ngayon girl, it's Saturday! Hello."
"'Tamad ako."
"Ano ba!"
"Hey what are you doing?!" binuksan kasi nito ang walk-in closet nya at naghalughog.
"Look Quiel, you are a fashionable woman, why not at least try your new outfits now?
Samahan mo ko."
" May deadline ako—"
" Yes, at kung di ka sasama sa akin malamang maeextinct na yang night life mo. Let's go!"