Si Batman at Si Darna (One Shot)
All Rights Reserved 2013
---
Habang naglalaro kami ng bato-bato-pik, biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Darna, nandyan na yung doktor mo." sabi ng isang batang lalaki na kasing edad ko.
Nandyan nanaman ang mga doktor at nurse na sasaktan ako. Lagi na lang nila akong tinutusok.
"Batman, ayoko! Paalisin mo sila!" sigaw ko. Ilang araw, ilang buwan na ako nagtitiis sa lagi nilang pananakit sa akin. Nasusuka na ako sa mga gamot.
Lumapit siya at nilagay ang maliliit at mapapayat niyang kamay sa kamay kong mataba.
"Wag kang mag-alala. Reresbakan ko na lang sila mamaya. Tahan na, Darna."
At unti-unti akong kinain ng dilim.
-
Napanaginipan ko nanaman siya. Di ko na nga halos matandaan yung itsura niya pero gabi-gabi ko siyang napapanaginipan. Memorize ko na nga ang mga pangyayari e. Siya kasi... ang batman ko.
Sakitin akong bata noon. Madalas ako nasa ospital na naka-confine. Mataba pa nga ako noon e. Ilang weeks at months ako doon. Parang second home ko na nga yun noon. At siya, si Batman, ang knight in a shining hospital dress ko. Siya lang kasi ang ka-age ko doon. Nasaan na kaya siya? Buhay pa kaya yun? Bad thought.
"Hoy Marian! Bilisan mo at late ka na!" sigaw ng nanay ko. Napatayo agad ako nang makita ko na 9:35 na pala. 9:30 ang pasok ko. Late na nga talaga ako.
Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili. Di na nga ako kumain e. Siguro sa may Mcdo na lang malapit sa university na pinapasukan ko.
Patakbo na akong pumara ng jeep at sa katangahang palad, nadapa pa ako. Kung mamalasin ka nga naman talaga oh!
Ang dumi ko na tuloy! Ang hirap maging nursing student dahil puti ang uniform. Nakakaasar naman. May putik na tuloy yung palda ko, mukhang may sugat pa ako.
Pinagpag ko na lang yung damit ako pati tuhod ko dahil nga late na late na ako. Naramdaman ko na medyo mahapdi yung tuhod ko. At voila! May gasgas nga. At dahil wala na ngang oras, tumakbo na ako at sumakay ng jeep.
"Miss, ayos ka lang ba? Dumudugo yung tuhod mo." sabi ng katabi ko. Di naman puno yung jeep kaya lumipat siya sa tapat ko.
'Ayos lang ako? Dumudugo nga yung tuhod ko oh' yan yung gusto kong sabihin. Pero dahil concern siya, mabait ako. "Ayos lang, kuya. Betadine lang katapat niyan." at nginitian ko siya.
Pero di siya natinag, Kinuha niya pa yung panyo niya at nilagay sa tuhod ko.
"Wag kang mag-alala. Malinis yan. Mula pa sa gwapong katulad ko." Nag pogi-pose pa siya. Kapal ha. Pero gwapo nga naman talaga. Kung pumorma, parang may photoshoot e naka-jeep lang naman. Landi!
BINABASA MO ANG
Si Batman at si Darna (One Shot)
Teen FictionThere's an untold story of Batman and Darna which is now unfolded. || PurpleMindedGirl © 2013