Uwian na!
Tambak na naman ang mga research works ko tapos may part-time job pa? Takteng buhay to. Ang hirap talaga ng “ARAL MO, GASTOS MO” lifestyle.
Pag-uwi ko sa tinutuluyan kong dorm, dumiretso ako sa kwarto kaso napahinto ako sa harap ng pinto. May pamilyar na ingay kasi na galing sa loob. Pagpihit ko ng doorknob, nakalock. Ayan tayo eh!
“Master!” Kinalampag ko kaagad yung pinto. “Buksan mo ‘to! May importante pa akong lalakarin kaya pwede bang pause muna yan?! Hindi naman ako magtatagal!”
Nakarinig ako ng mga kalabog. Positive. May inuwi na namang babae ang kumag kong dormmate na si Ryan.
Hindi naman mahigpit dito sa dorm namin. Basta hindi kayo nakakaabala sa ibang tao, sige lang! Mga limang minuto muna ang lumipas bago ako pinagbuksan ng hinayupak na si Ryan.
“Bingi ka ba Master?! Sinabi ng pause muna saglit ‘di ba?! Sige ka ng sige!”
Pumasok na ako sa loob. Napatingin pa ako saglit sa mahabang suman na nakabalot ng kumot sa ibaba ng double deck. Doon ang pwesto ni Ryan. Ako sa itaas.
“Nasa kalagitnaan kasi kami ng excitement tapos bigla eepal ka? Anong klaseng kaibigan ka Master? Intindihin mo naman ang mga pangangailangan ko!”
Paglingon ko sa kanya, nakaupo na siya sa gilid ng kama habang hinihimas-himas yung suman sa tabi niya. KABASTUSAN.
“Pangangailangan mong mukha mo. Sino ba yang suman na ‘yan?” Initsa ko sa itaas ng double deck yung bag ko.
“Sikretong malupit Master!” Tumawa pa siya ng malakas. “Aalis ka ulit ‘di ba?”
Kararating ko lang, pinapalayas na niya ko kaagad?! LINTEK! Kumuha ako ng damit na pamalit ko sa kabinet.
“Ulul! Maliligo pa ako kaya mamaya na kayo mag-round ten kapag nakaalis na ako. Pahi-pahinga rin kapag may time!”
Lumabas na ako ng kwarto para maligo. Hindi naman ako natagalan dahil walang nakapila sa CR. MABUTI NAMAN.
Pagbalik ko sa kwarto, nandoon pa rin yung suman sa tabi ni Ryan na naglalaptop. Nakakahinga pa kaya yan sa loob? Tago siya nang tago, hindi ko naman ipagkakalat kung sino siya.
Pagkatapos kong mag-deodorantat mag-ayos ng buhok kong blonde, kinuha ko yung wallet at cellphone ko sa bag.
“Kenneth, off mo di ba? Magtatagal ka ba sa sementeryo? Bar tayo pag-uwi mo!”
“ULUL! Nakikita mo ba yang mga paperworks ko?!” Itinuro ko yung mga papel sa study table ko. “Uupuan ko ‘yan mamaya kaya tapusin niyo na ‘yang session niyo! Siya, una na ko! Hinihintay na ako ng Tatay ko.”
Palabas na ako ng pinto nang bumanat pa siya. “KJ naman nito! Sige na nga! Magsosolo na lang ako. Kamusta mo ko sa Papa mo ha!”