Kabanata 3

75K 959 17
                                    

Mindy pov

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari kumbaga parang wala parin ako sa sarili.

At kasalukuyang papunta kami sa bahay ni Daddy Tyler .

Oo tama kayo ng nababasa. Daddy ang tawag ko sa kanya kasi pagkatapos akong kausapin ni sister ay kinausap naman ako ni Tyler.

Flashback

"Siguro na guguluhan ka kung bakit ikaw ang inampon ko? "Tanong nito sa akin kaya tumango ako.

"Pangarap ko kasi magkaroon ako ng anak na babae kaso hinihintay ko pa yung taong karapat-dapat na maging ina ng mga anak ko kaya nagdesisyon ako na ampunin ka. "paliwanag nito sa akin pero nanatili parin akong tulala dahil hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. 

"Kaya simula ngayon Daddy Tyler na ang itawag mo sa akin. 10 years lang naman ang age gap natin kaya parang magkuya tayo pero mas gusto ko na daddy ang itawag mo ok?" sabi nito sa akim kaya tumango nalang ako.

End of flashback

Nang makarating kami sa malaki at mukhang palasyo nitong bahay ay agad na itong umalis dahil may gagawin pa daw ito sa opisina niya.

Kaya ang naghatid sa akin ay isang babaeng may edad na ang pangalan niya ay Aling Cora.

"Hija dito na ang magiging kwarto mo, at saka wag kang mag-alala mabait si Tyler."nakangiting sabi nito at iniwan na ako.

Nang malibot ko ang aking kwarto ay hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Siguro dapat maging masaya ako dahil may matatawag na akong daddy at higit sa lahat kayang ibigay ang lahat ng kailangan ko.

Pero alam kong hindi lahat dahil hindi naman niya kayang mahalin  tulad nang isang tunay na babae siguro kaya niya akong mahalin bilang isang anak.

At saka nagdesisyon naman ako na ibabaling ko nalang sa iba ang pagmamahal ko kay Tyler este kay Daddy Tyler.

Mamahalin ko rin naman si daddy tyler bilang isang ama hindi bilang isang lalaki na makakasama ko sa hirap at ginhawa. Mahirap man gawin pero kailangan.

Author's pov

Maikli lang po ang chapter na ito. Salamat❤️

MY SECRET LOVER IS MY DAD?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon