Kabanata 12

60.6K 822 16
                                    


Mindy pov

Habang nagsasaya sila ako naman ay nagmumukmok sa isang tabi. At nakilala ko na yung soon to be mommy ko daw.

Siya ay si Angel Lim. Maganda,matangkad,matangos ang ilong at walang-wala ako pero hindi ko siya gusto kasi peke lang ang ngiting ibinibigay niya sakin

Athindi bagay sa kanya ang pangalang Angel dahil masama ang ugali niya. Kanina kasi nung iwan kami ni daddy ay may sinabi siya na ikinagalit ko.

"Ikaw pala ang inampon ni Tyler pero maghanda kana dahil once na mabuntis ako paaalisin na kita sa bahay at alam ko na susundin ako ni Tyler dahil mahal niya ako at ikaw ibabalik ka nalang sa pinanggalingan mo na isang pipitsuging bahay-ampunan." nakangiting sabi nito at umalis.

Kaya nangangamba na ako dahil baka isang araw paalisin nalang ako ni daddy,mas masakit siguro yun.

Dapat hindi nalang niya ako inampon, yan tuloy umasa lang ako pero kasalan ko rin naman. Ang sakit pero kailangan kong tanggapin.

Habang umiinom ako ng juice ay nagpasya na akong umuwi buti nalang alam ni Sandro kung nasaan ako kaya masusundo niya ako...

"Hoy girl. Ayos kalang ba?" nag-aalalang tanong ni Sandro sa akin pero nanatili parin akong tulala habang umiiyak.

"Sana sandro hindi ko nalang siya nakilala yan tuloy nasasaktan ako. At kaasar magmamahal na ngalang ako sa taong malabo pa akong mahalin at ang turing pa sa akin ay isang anak.Sandro ayoko ko na gusto ko ng umalis sa bahay ni daddy." umiiyak na sabi ko.

"Tumahan kana Mindy. Wag kang sumuko marami namang lalaki diyan sa tabi tabi saka kung gusto mo sa condo ka muna matulog." alok na sabi nito sa akin kaya tumango nalang ako.

Nang makarating kami sa condo ni Sandro ay agad ako nitong dinala sa guest room para makapagpahinga.

"Matulog kana Mindy. Good Night." sabi nito at umalis na.

Habang natutulog ako ay nagising ako dahil sa malakas na ring ng cellphone ko. Kaya agad ko itong sinagot.

"Nasaan ka mindy? Bakit bigla ka nalang umalis?" galit na galit na tanong nito pero hindi ako natakot sa boses niya.

"Sorry daddy sinundo kasi ako ng boyfriend ko eh! At mamaya ka nalang tumawag daddy nakakaistorbo ka samin." galit na sagot ko at kaagad pinatay ang cellphone.

Tsk! Bahala na kung magalit siya. Paaalisin naman din niya ako sa bahay niya.

Authors note.

Maikli talaga per chapter wag magrereklamo hehe. Salamat❤️

MY SECRET LOVER IS MY DAD?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon