Chapter Seven

1.2K 38 4
                                    





EDWARD



FLASHBACK



Matapos ko makausap ang daddy Kisses ay agad akong pumunta ng airport . Sinubukan kong hanapin si Kisses wala akong pakelam kahit ilang beses akong hinarang ng mga staff doon hanggang sa nakaalis na pala ang eroplanong sinasakyan nya papunta sa bansang hindi ko alam .



Araw araw pumupunta ako sa bahay nila at araw araw akong nakakatanggap ng masasakit na salita mula sa kanyang ama pero tiniis ko lahat ng iyon . Ilang private investigators ang hinire ko pero bigo padin akong mahanap sya . Hanggang sa lumapit ako sa pinaka matalik nya kaibigan .



" Yong I beg you sabihin mo saakin kung nasan si Kisses . Please "


Hindi nako nagulat ng bigla akong suntukin nito



" Para yan sa pang gagago mo sa best friend ko " at sinuntok nya ulit ako ng isa pa " at yan para sa anak nyo na pinatay mo " itinayo ako nito





"Pag sinaktan mo uli sya sa susunod na magkita kayo papatayin na kita . Hindi ko alam kung nasaan sya pero handa akong tulungan ka " ngumiti ito sakin



"Thankyou so much bro "





Maraming beses akong sumubok na hanapin sya pero talaga hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpa hanap . Napagod ako at tumigil pansamantala pero di ako sumuko ..






At ngayon matapos ang dalawang taon ay may nahanap kami na account na maaring sya ang may ari . Hindi ako nag aksaya pa ng panahon nag book ako ng ticket at pumunta agad papuntang Milan .




Ang buong akala ko dun na matatapos ang paghahanap ko sakanya . Napag alaman kong lumipat na sya ng tirahan na para bang alam nya na natunton ko na sya .




Umabot ako ng isang taon sa italy sa paghahanap sakanya at halos halughugin ko na ang buong italya pero nabigo ako .. Nabigo akong mahanap sya . Siguro nga hindi kami para isat isa .



Panginoon kung maipaparating mo ito kay Kisses gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sakanya at lahat ng yon ay pinag sisihan ko lalong lalo na ang pagkawala ng anak namin . Mahal na mahal ko sila at alam nyo po ang lahat ng dahilan kung bakit ko nagawa ang lahat ng iyon . Pero humihingi po ako ng senyales dahil sa palagay ko ay buhay ang anak namin . Sana po panginoon ay mabigyan nyo ako ng pagkakataon na maayos pa ang lahat .




FLASHBACK ENDS





--


AFTER 3 YEARS






Tatlong taon pa ang lumipas pero hindi ko na sya nakita pa . Alam ko na sa panahon na to maaring kasal at may masaya na syang pamilya . Pero di ko padin maiwasan na hilingin na sana wala pa .. Sana pwede pa ..





Naputol ang pag iisip ko ng may kumatok .




"Come In" sagot ko dito . Pumasok ang aking secretary "Sir Mr.Yong is here" napaisip ako ano kayang sadya nya




Kirsten's Diary  (KISSWARD)Where stories live. Discover now