Marahan kong pinatay ang makina ng makarating ako sa lugar na binagay sakin ni Marco , kanina pa din ako tinatawagan nina Mommy pero minabuti kong patayin ang cellphone ko .
Dahan dahan akong bumaba ng sasakyan ng bigla akong may narinig na mga yabag ng paa kaya madali akong nag tago sa likod ng isang lumang drum .
"Sh!t ! Nandito nga sya . Andito ang sasakyan nya . Wag kayong titigil hanggat di nyo nakikita ang asawa ko ! Humati kayo sa dalawang grupo , ang isa sasama sakin at yung natira hanapin nyo ang asawa ko . " mahinang sambit ni Edward pero alam ko na galit na galit sya ngayon . Patawad mahal ko . Para sainyo kaya ko to ginagawa
Nang masiguro kong wala ng tao sa paligid unti unti akong lumabas sa pinag tataguan ko at kinuha yunh spare phone ko at idinial ko ang numero ni Marco .
"Amore.. Nasaan kana . Inip na inip na kami ng anak mo . Ang akala ko nga di mo nako sisiputin eh . Nakakasa na tong baril ko hahaha" tumawa ito ng mala demonyo
"M-Marco please wag mong sasaktan si Lauren please . A-andito na ako , a-andito ako sa ilalim ng puno ng mangga na may kubo sa gilid "
"Madali ka naman pala kausap eh . Sige pumasok ka ng kubo at hilahin mo yung tali sa sahig may hagdan dyan , pagbaba mo makikita mo na kami . Hear that Lauren ? Mommy is here . Babalik na tayong italy hahaha!" narinig ko ang paimpit na iyak ng anak ko .
"M-Marco please wag mo na takutin ang a-anak ko please"
"Vaffanculo ! Bilisan mo naiinip nako ! " pinatay nito ang tawag
Dahan dahan akong nag lakad papasok sa kubo . Nakakita nga ako ng tali . Akmang hihilahin ko na to ng biglang may tumakip sa bibig ko at hinila ako palabas ng kubo pilit akong nagpumiglas pero sadyang malakas ito
"Sh!t baby It's me "
Paglingon ko dito ay agad kong niyakap si Edward tumulo ang luha ko . Naramdaman ko ang pagyakap nito sakin ng mahigpit
"What were you thinking ?! Baby alam mong delikado bat pumunta kapa dito !"
"Edwars kailangan kong gawin to . Sasama ako sakanya . Yun lang ang solusyon dito . Ikaw na bahala kay Lauren lagi nyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo "
"N-No ! Ano bang pinag sasasabi mo ha ?! Uuwi tayo ng kumpleto at ligtas naiintindihan mo ba ako ?! " tumulo ang luha nito at niyakap ko
CLAP ! CLAP ! CLAP !
"Putangina ang sweet naman ! Kinikilabutan ako sainyo ! Haha hanggang ngayon wala kapa din isang salitang babae ka "
Biglang lumabas si Marco kasunod ng madami nyang tauhan na nakatutok ang baril samin . Naalarma naman ang mga kasama namin at agad din tinutukan ang mga tauhan ni Marco.
"Ibaba nyo yan ! " sigaw ni Marco sa mga kasama namin sundalo
"Ano kami tanga ?! Ang mabuti pa sumuko kana hanggat di pa huli ang lahat !" sigaw ni Edward
"Ahh ayaw kong ibaba ha ! Akina ang bata !" mula sa likod ay may hinila ito . Halos himatayin ako ng makita ang hitsura ng anak ko wala itong malay at naka busal ang bibig at nakatali ang paa at kamay binuhat ito ng isang lalaki at tinutukan ng baril sa ulo
"LAURENNN !!! NOOOO ! my baby ! N-no please ! "
"Ibaba nyo ang mga baril nyo ! Marco please nag mamakaawa ako wag mong sasaktan si Lauren " sigaw ni Edward . Lumingon si Marco dito at mahinang tumawa
YOU ARE READING
Kirsten's Diary (KISSWARD)
FanfictionAng original title nito ay Pregnant at 17 but i decided na Kirsten's Diary Kirsten Danielle "Kisses" Delavin and Edward John Barber fanmade story !