Uno

5 0 0
                                    

"Jander telepono!"

Pambihira. Ang aga naman nitong caller ko.

Dali dali akong lumabas ng kwarto para lang kausapin ang kung sino man ang nasa kabilang linya na umistorbo ng napakahimbing kong tulog.

"Hello." Walang gana kong bati habang humihikab pa.

Pakshet. Mamaya pang ala-una ang pasok ko at gusto ko pang humaba ng ilang oras ang tulog ko dahil sa puyat. Tinapos ko pa kasi yung presentation para sa production mamaya.

(Uy Jander kamusta!? May reunion tayo next month!)

Napakunot ang noo ko sa narinig. Reunion? E kakareunion lang namin ng mga kakalase ko nung highschool ah.

(Hindi ka na umimik! Si Doreen 'to! Elementary classmate and forever seatmate. Hahahaha)

Pucha.

Pagkarinig ko pa lang ng elementary ay agad na kumabog ng pagkabilis bilis itong dibdib ko.

Argh!

"Saan at kailan?" Natanong ko na lang kahit na parang sasabog sa kaba itong dibdib ko.

(Magpopost na lang ako sa page natin sa fb kung kailan at saan. Si Trina kasi  nakatoka maghanap ng venue. So, aasahan ka ba namin na sasama sa reunion?)

Napatigil ako. Nag-iisip kung sasama ba ako o hindi. Isa lang kasi ang bumabagabag sa akin.q

(Ay naku! Ilang reunion na ang naganap pero ni isa sa mga iyon ay hindi mo pinuntahan! Nagtatampo na nga kami nila Naika!)

Naika..

Siya. Si Naika. 'Yung babaeng bumabagabag sa akin. Pucha.

"Pasensiya na. Masyado lang talaga akong busy. Alam niyo naman na Hapon yung manager ko sa production kaya hindi ako basta basta makakapag-leave sa trabaho." Litanya ko. Tsaka totoo naman. Isa yan sa mga dahilan ko kaya hindi din ako nakakasipot ng reunion.

Pero ang pinakadahilan talaga ay si Naika. Gustong gusto ko siyang makita, pero dahil sa takot, ay mas pinipili kong huwag pumunta.

Dahil natatakot akong masaktan kapag nakita ko siya na kasama ang kanyang kasintahan.

(Sus! Isang beses lang Jander! Gusto lang namin nila Lana at Froi na makumpleto tayong magkakaklase!)

Si Froi. Bestfriend ko. At alam ko na hanggang ngayon ay may tampo pa siya sa akin. Naman oh!

"Oo na. Sige na. I-post mo na lang ng maaga para makapagsabi agad ako sa manager ko. Tss."

('Yun oh! Thank you Jander! Sabihan ko lang 'yung iba. Bye!)

Ibinaba na niya.

Bumalik ako sa kwarto para sana ituloy ang naudlot kong tulog pero hindi ko na magawa. Iniisip ko si Naika.

Si Naika na first crush ko noon, first sweetheart, first love at first heartbreak ko.

Tangina, nakakabakla.

Hindi naman naging kami noon ni Naika dahil sa madaming rason. Pero sa dami nu'n, dalawa lang ang tumatak sa akin. 'Yung pagiging attractive niya na halos lahat sa mga kaklase namin ay gusto siyang maging ka-close. At 'yung pagiging torpe ko kaya ayun, hanggang tingin na lang ako sa kanya.

Tangina talaga.

Unang beses ko pa lang kasi siya makita para akong na-starstruck. Given na 'yung maganda siya. Pero sa galing niya sumayaw noong program sa school, dun ako nag-umpisa.

Ang galing niya. Sobra.

Grade 4 na nang maging kaklase ko siya. At sa buong taon ng elementary ay hindi ko man lang siya nakausap ng personal o naging ka-close man lang.

At dahil doon kaya hindi na ako umasa na mapapansin pa niya ako. Mag-uusap lang kami kapag may assignment na nagawa o kapag groupwork lang.

Saklap dude.

Nung highschool naman e nagkahiwalay kami ng section. Nasa top section ako at siya ay nasa pangalawang section. Pero gano'n pa din, patingin tingin pa rin ako at hindi ko siya magawang lapitan. Nahihiya ako.

Oo mahiyain ako. Ang bakla ba? Wala e. Hindi naman kasi ako gaya ng iba na puro yabang ang meron sa katawan.

Pucha naalala ko na naman siya. Dapat siguro ay pilitin ko ng matulog.

xxx

"That's all Sir, thank you." saad ko nang matapos ko ipresinta ang pinagpuyatan ko at ng team namin na presentation para sa marketing ng production. 

Kinakabahan akong tumingin sa General Manager namin pati sa mga kasama ko. 

Agad naman nila akong nginitian na parang sinasabing ayos lang kahit hindi swak ang presentation.

Pucha.

"Well, what can we say?" bigla akong napalingon kay Mr. Tamako, General Manager. Tinignan din nito si Mr. Hayashi at Ms. Ueda at tumango.

"Great job Mr. Jander Andrada. You and your team had a great great mind in concepting this project." agad akong kinamayan ni Mr. Tamako na at tinapik sa balikat.

"Thank you so much Sir!" sabi ko habang nakatungo.

"No, thank you for joing this team." sagot ni Mr. Tamako sa akin.

"Alright, let's have a dinner tonight! My treat!" Wow! Si Mr. Hayashi na kuripot e, biglang manlilibre!

Lahat kami na nasa team ay nagsisigaw sa tuwa!

Yes! A toast of success!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ReunionWhere stories live. Discover now