Chapter:23

2.1K 54 0
                                    

Dahil sa galit,takot at inis ni Kenjie ay nagpasya sya na makipag Gangfight dahil nais nyang ilabas ang kanyang nararamdaman, matapos silang mag usap usap ng kanyang gang ay sabay sabay silang nagtungo sa Underground Kung saan ginagawa ang mga gangfight.

Nang makarating sila doon ay nakaharap nila ang isang gang na pinamumunuan ni Dave isa sa mga rival ni Kenjie at ng Gang nya ang gang nila Dave Ang WildThug. Nagkatinginan sina Dave at Kenjie na tila nagpapatayan sa pamamagitan ng titigan.

Malaki ang galit ni Kenjie sa grupo nina Dave Dahil isa ang WildThug sa naging sanhi ng pagkamatay ng babaeng pinakamamahal nya si Sue.

Hindi man inaasahan ni Kenjie na ang Grupo ni Dave ang makakaharap nila ngunit natuwa na rin sya dahil sa nararamdaman nyang samot saring emosyon eh sigurado na magiging maganda ang laban nila lalo na ngayon na sobra sobra ang galit at pagkainis na nararamdaman nya at nadagdagan pa ito ng makita si Dave At grupo nya.

Nais nyang ibuhos ang lahat ng galit, at pagkainis na nararamdaman nya ngayon sa grupo ni Dave.

"Long time No see Kenjie the Devil" nakangising pagbati nito naikinangisi din naman ni Kenjie.

"Nice to see again fucking Bastard sa wagas nagkita rin tayo...Matagal na kitang gusto makalaban dahil gigil na gigil na akong burahin ka sa mundo."ngingisi ngisi nitong banta kay Dave.

"Well lets see kung sino ang mabubura sa atin dito sa mundo...and ill make sure na ikaw yun Kenjie...sisiguraduhin ko na magsasama na kayo ng syota mo sa langit....ops! wrong hindi ka pala sa langit mapupunta kundi sa impyerno doon ka nanabagay.."Wika nito na tila iniinis pa si kenjie.

"Wag mong madamay damay si Sue dito wala syang kinalaman dito,.Tignan nalang natin mamaya kung sino ang hararap kay satanas pagtapos ng laban natin at sisiguraduhin ko sayo na hindi ako yun kundi ikaw hayop ka matagal ka ng hinihintay ni satanas matutuwa yun pag nagkita kayo."nagpalitan nalang sila ng mga nakakakolong singi.


Ilang sandali bago mag umpisa ang laban ay narinig nyang tumatawag si Sue pero hindi nya ito sinagot bagkus ay pinatay pa nya ang kanyang cellphone para hindi sya nito matawagan dahil mainit pa ang ulo nya ayaw nya muna makausap ang dalag baka mapag balingan pa nya it ng init ng ulo.



Nagumpisa na ang laban dalawa kada isang grupo muna at nauna sina Jared and Aira ,.Mabilis naman nila natalo ang kalaban dahil sa mga perfect combination na pag ataki nila.

Sunod naman sina Peter at Miguel at katulad nina Jared at Aira mabilis din nila natalo ang kalaban. Sunod ng sasalang sina Dave at Kenjie ang parehong leader ng bawat gang.


Pag akyat ng dalawa sa ring ay nagkatitigan muli sila parehas na makikitaan ng galit ang at madilim na aura ang dalawa.


"Ihanda mo na ang sarili mo malapit na kayo magkita ni satanas,,."ngingisi ngising wika ni Dave.

"Tignan nalang natin."maiksing kumento ni Kenjie bago sugurin si Dave.



Nagkakapalitan na sila ng suntok at Sipa,.Pares na ayaw magpatalo, Ng suntukin ni Kenjie si Dave nakailag ito at sinuntok si kenjie sa sikmura sabay sipa. Napahiga naman si kenjie.


"Yan lang b kaya mo huh?"pagyayabang ni Dave


Mabilis na tumayo si kenjie pinaulanan ng suntok si Dave tinamaan nya ang kanang labi nito na naging sanhi nag pag dugo nito.Pinunasan naman agad ito ni Dave gamit ang likod ng kanyang palad at ngingisi ngisi lang ito na animoy hinihimok si kenjie na sumugod.













Sa kabilang dako nag aalala naman si Sue dahil hindi na nya makontak ang number ni Kenji. Nakaramdam sya ng kaba, palakad lakad ito sa loob ng kanyang silid at hindi mapakali alam nyang hindi maganda ang naging pag uusap nila bago ito umalis at alam nyang galit ito. Biglang pumasok a isip nya si Aira naisip nya na baka kasama nila ito kaya mabilis nyang tinawagan ang number nito ilang ring din bago ito nasagot ni Aira.


"Hello Sue"wika nito sa kabilang linya narinig ni Sue na tila maingay sa kabilang linya.


"Aira nasan ka bakit ang ingay jan,."tanong ni Sue

"Ah-Ano Sue nasa ano kase ako-Sa-bar tama sa bar bakit ka ba napatawag?"pagsisinungaling nito inutos kase ni kenjie na wag sasabihin kay Sue kung nasaan sila oras na mag tanong ito.

"Huh? E bakit walang music ang ingay jan parang may nag aaway?"


"Wa-wala Ano ka ba mga lasing na kase tao dito bakit ka ba kase napatawag?"pagsisinungaling ulit ni Aira.

"Itatanong ko sana kung kasama nyo ba si Kenjie kase nakaoff phone nya e, alam mo ba kung nasan sya.?"alalang tanong ng dalaga.

"Hindi e sorry Sue"ngunit may biglang narinig si Sue sa kabilang linya.


"Kaya mo yan kenjie, tumayo ka!!"sigawan sa kabilang linya napamura nalang si Air dahil sigurado nadinig iyon ni Sue.


"Aira sabihin mo ng yung totoo nasan ba kayo!! Huh?!!"galit na wika ni Sue


"Sue kase inutus ni kenjie na wag sabihin sa iyo e."


"Sabihin mo na sakin Aira please kailangan ko syang makausap."pag mamakaawa ni Sue



"Dilikado dito Sue Sorry magagalit sakin si kenjie kapag sinabi ko sayo kung nasaan kame ngayon."


"Please Aira sabihin mo na."pagmamakaawa nito at tila nahabag naman si aira.


"Sige na nga nandito kame sa ************* sabihin mo sakin kapag nandito ka na at para mapuntahan kita agad ok."nagpasalamat naman si Sue bago ibaba ang tawag.









VOTE!!!

Gangster Prince/Mafia Boss/ and ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon