Believe Me, Please? : Alex

69 2 3
                                    

Lalalalalalalalalalala....

Kilala niyo ba kung sino ang nag-iingay??? Di siyempre ako!!! Ako, ang nag-iisang AMBER ROLISE DE LEON... ang pinakmasayahing tao sa mundo na makikilala mo... (Sige lang, buhatin ang sariling bangkuan)

Speaking of my Lalalalala.... ang aga ko ba naman kasing pumasok eh. Ang start ng class 7. Dadating ako, 6. Minsan pa nga quarter to six... Kaya ayan, puwede akong mag-ingay sa buong building! Alam ko naman na kapag 630 na, marami ng estudyante mang-aasar sa akin. 'Ang ingay mo! Uulan na naman..." Lagi na lang uulan, puwede dumilim muna?? 

Umaakyat ako hanggang 4th flooor... ilagay ba naman kasi ang 2nd year sa 4th flooor! pero kahit hinihingal akong dumating sa room, oks lang , keri pa naman ng voice ko eh.

Lalalalalalalalalala....

"Aray!"

Clumsy! Last step na nga lang eh matitisod pa... 

ANG DILIM!

AHHHHH!!!!

*BOOOOOOM*

"Sorrry!!" Bumangga ako. Naku naman!

"Ambs, ok ka lang??"

(sandali nga.... bakit nga ba ako tumakbo??? Dapat kasi sanay na ako sa madilim... ay! Nanonood kasi ata ako ng horror kagabi! Kaya pala..)

Lift your chin Amber!

A-Alex?

"Oo,-"

"Natakot ka ba??"

"Not really! Hindi ako matatakutin noh!"  talaga lang ha!

"Ay!" Walang .... kang pusa ka!

"Tara na sa taas... sabay na tayo sa room"

Nakapasok na kami sa room... at natatanging kami pa lang ang tao sa floor na iyon!

Let's talk about... ALEX!

Alex... Alex... Alex... siguro siya na ang dream guy ng lahat ng may pusong babae sa mundo. I say pusong babae kasi pati mga bading, na-iinlove sa kanya.

Looks: Check! (5'6", maputi, clean cut lagi!, fit (di ko lang alam kung may abs)

Attitude: Check na check! (Mabait, Matalino, Mapagkakatiwalaan, Masayahin, lahat ng MA nakuha niya na!)

Charisma: Check na aabot ng langit (Blue eyes, Red lips, Matangos ang ilong)

SIYA NA TALAGA!

Ang kaso...

.

.

.

.

.

Lahat na ata ng girls walang pag-asa sa kanya... (correction: di lang pala girls!) kasi, may...

,

,

,

Queen na siya... Name: Crystal Lines Pofera

Sayang talaga ang lahat ng nababaliw sa kanya.

Ang hindi ko lang maintindihan...

,

,

,

Bakit parang ako lang ang naiba sa lahat ng babae, at binabae, sa campus???

WALA AKONG GUSTO KAY ALEX!

Lahat na ata ng autograph book na nasisignan ng mga kakilala ko, siya ang nilalagay (crush sa babae, love pa ra sa mga bakla! Cute!) Ako lang talaga...

AKO LANG.

AT SIYA ang nasa classroom...

nasa 4th Floor!

DEDMAHAN! 

1...

2...

5...

10..

15...

"Amber, may extra ballpen ka? Naiwan ko yung pen case ko eh."

After 15 SECONDS, kinausap niya agad ako???????????

"uh-uh... m-meron!" 

"May I borrow?"

"O-OKAY L-LANG!" Bakit ba ako sumisigaw? 

"Thank you." Inabot ko na sa kanya ung pen.

"Are you okay?" huh? mukha bang hindi ako okay?

"Nanginginig ka kasi eh" Weh!!!!! Nanginginig ako!!!! Bakit?

"Ah- Wala 'to"

Sandali nga...

.

.

.

.

Baka naman nagulat lang ako ng makipag-usap siya sa akin...

ALEX?? Bakit ako nanginginig?

Believe Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon