It's been a year since I graduated college pero parang kahapon lang lahat nangyari. I really missed him.Tumingala ako at dinama ang lamig ng hangin dito sa dalampasigan. Ako lang mag isa dito dahil nagkakasiya sila sa loob ng cottage habang ako ay mag isa dito para sana mag stargazing ang kaso nga lang makulimlim ang kalangitan.
Habang nakatingala ako may naramdaman akong patak ng tubig. Sa una ay mahina pero ng tumagal ay lumakas ito. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko at ngumiti ng mapakla kasabay noon ang mainit na luha na dumaloy sa aking pisngi. Napapikit nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Bakit kailangan nating masaktan?
Bakit sa tuwing uulan ay maalala ko siya?
Napatigil ako sa pagiyak nang hindi ko na maramdaman ang patak ng ulan sa mukha. Minulat ko ang mukha ko, nakita ko siya na may dalang payong at mataman na nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin at inalis ko ang luha sa aking mukha kahit wala itong silbi dahil nabasa ako ng ulan.
"Umiiyak ka na naman," aniya sa mahinang boses. Hindi ako kumibo dahil nasasaktan ako. Nakikita nilang masaya ako pero hindi nila alam na unti-unti akong pinapatay ng sakit na nararamdaman ko.
"Halika na, sumilong kana baka magkasakit ka," sabi niya sa akin ng marahan.
Hindi ko na napigilan ang luha ko at umiyak ako kasabay non ang pagtayo ko at paglapat ng palad ko sa kaliwang pisngi niya. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya habang ako napupuyos sa galit at sakit.
"Bakit? Bakit mo ginagawa sa akin to? Bakit kailangan mong magpakita sa akin ng concern? Bakit ba ang paasa mo? Sumagot ka," sigaw ko sa kanya.
Tinitigan niya ako sa mata at hinawakan ang magkabilang balikat ko kasabay rin non ang paglalag ng payong. Nakita ko sa chokolateng mata niya ang galit at sakit?
Napailing ako, hindi. Hindi maari yun. Guni-guni ko lang iyon panigurado. Wag kang marupok, Shan.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya. Nasasaktan ako ng kaunti pero tiniis ko iyon dahil gusto kong malaman ang sagot niya.
"Mahal kita, Shan."
"Liar! You don't love me, George," sabi ko sa kanya at kinuyom ko ang kamao ko. Imposibleng magyari ang sinasabi niya. I even saw him saying 'i love you' to that girl. Napaka-paasa mo talagang hayop ka.
"I always love you, Shan. Hindi mo alam kung gaano kasakit na kailangan kitang layuan," sabi niya at napayuko. Nalito ako sa sinabi niya. Hah! Siya nasasaktan?
"Linoloko mo lang ako, George. Puwede ba, please. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko kung paano kita maalis sa lintek kong puso."
Pagkatapos kong sabihin yun tinanggal ko pag kakahawak niya sa akin at nagsimula na akong maglakad. Bawat hakbang ng paa ko ay sobrang bigat. Gusto kong bumalik sa kanya para yakapin at sabihing mahal ko siya pero iba ngayon ang sitwasyon. Iba na ang mahal niya at ako? Ako ang babaeng patuloy pa ring nasasaktan dahil sa isang George Fernandez na dati niyang mahal pero hindi na ngayon.
Tinakpan ko ang bibig ko para walang kumawalang hikbi. Masyadong masakit, hindi na ata ako makakaahon sa pagmamahal na ito. Pero nagulat ako ng may bisig na bumalot sa akin.
"Iiyak mo lang, nandito lang ako at ang tropa para sayo," sabi ni Lia. Nakita ko ang tropa sa likod, nakikita ang pag-aalala sa mukha nila. Diko napigilang umiyak sa harap nila, linabas ko lahat ng sama ng loob ko.
"Crybaby," sabi ni T sa akin sabay abot ng tissue. "Tara na, upakan na natin," dagdag niya at sinang ayunan naman ng iba.
"Oo nga! Sako na natin tapos tapon sa dagat," gatong ni Ella. Napangiti naman ako, somehow gumaan loob ko ngayong nakapag-labas ako ng sama ng loob.
"Wag na, hayaan niyo na siya," sabi ko ng mahina. Nagkatinginan sila at napa-buntong hininga na lang.
Siguro hanggang dito nalang talaga...
"Sa susunod na magkikita kami, walang luha o sakit akong mararamdaman. This is the new beginning, the new me, " at sa huling pagkakataon sinulyapan ko sa malayo ang lalakeng mahal ko ngayon pero hindi sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
Raindrop
RomanceWhat is a raindrop for you? Because for me... Those raindrops can bring back thousand of memories. Could it be possible? A/N: This is just work of fiction. Name, characters, some places and incidents are products of my imagination. Any resemblance t...