ⓞⓝⓔ

239 7 2
                                    


Her POV

"Hoy Aaron! Ibalik mo nga yan!" sigaw ko sa nakababata kong kapatid. Bwisit nato nag aaral ako ng leksyon ginugulo nya ko.

"Cora! Pagbigyan mona kapatid mo. Papel lang yan!" sigaw naman ni mama mula sa kusina.

Ganito yata talaga kapag ate ka. Palagi mo nalang pinagbibigyan ang nakababata mong  kapatid. Kahit sya ang mali, ikaw ang sisihin.

"Oo na— *insert police sound with a twist*"

Ano yun? Lumabas ako ng kwarto tsaka pinuntahan sina mama. Sa hula ko'y hindi rin nila alam ang nagyayari base sa kanilang ekspresyon nang makita ko sila.

Patuloy lang ang nakakatakot na ungol ng kung anong sasakyan. Meron naring sumisigaw na mga tao salabas. Tila humihingi ng tulong at nagmamakaawa.

Lumapit lang sa pintuan si Papa, pero bago panya mahawakan ang pinto ay may biglang nagbukas nito at biglang  nagsipasok ang mga armadong lalake. Tinutukan nila kami ng kanilang mga armas. Ako naman ay tila nabuhusan ng malamig na tubig sa takot. Kahit gusto kong tumakbo ayaw gumana ng mga paa ko.

"Takbo!!!" Tila isang haring nagutos sa kanyang utusan ang boses ni Papa. Agad akong tumakbo kasama sina Mama pero bago paman makalabas sa likod ng bahay sina Mama at Aaron, bigla na lamang silang bumagsak sa sahig.

"A-alis na." yan na lamang ang huling salita ang narinig ko kay mama. Tumakbo ako palayo. Umiiyak na pumasok sa kagubatan na hindi alam ang lalabasan.

*****

Tumatakbo ako na tila isang leon sa bilis, parang drum ang aking dibdib dahil sa lahat ng pagpintig ng aking puso.

Wala akong pakealam sa mga iyan gusto ko lang makalayo sa lugar na iyon.

Tumigil nalang ako sa pagtakbo noong hindi kona marinig ang putok ng mga armas at ang nagmamakaawang sigaw, ungol at iyak ng mga Dotes.

Sino sila? Bakit nila pinapatay ang mga Dotes? Nasan ang mga Machete? Akala ko ba sila'y tagapagligtas ng Eirene?

Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko kahit alam kong wala naman akong makukuhang sagot patuloy parin ang utak ko sa pagtatanong hanggang sa maalala ko sina Mama at Papa, si Aaron. Ang pamilya ko. Wala na sila

I Am CoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon