ⓣⓦⓞ

159 8 3
                                    


Cora's POV

Padilim nanaman. Mag dadalawang araw na yata ako dito sa gubat ng Eirene pero 'di ko parin makita ang wakas ng gubat na'to.

Sumandal na lang ako sa isang puno at tangkang pumukit nang marinig ko nanaman ang mga putok na nagpatayo sa aking mga balahibo.

Sila nanaman ba?

Tumakbo ako papalayo pero ang pagtakbong 'yon ay isang malaking pagkakamali. Bumaon ang isang malamig na metal sa aking binti na sanhi ng aking pagkabagsak sa lupa. Parang kinukuryente ako habang nakahiga sa lupa pero pinilit ko parin magtago sa isang puno. Sh!t mabubuhay pa kaya ako nito?

Ilang sandali lang ay nasabi ko sa sarili ko na nasagot ko na ang tanong ko. Unti unting dumidilim ang aking paningin at hindi na naramdaman ang sakit na nararamdaman ko.

*************

"1...2...3...1...2...3"

Mga mabibigat na yapak. Ano yun? Ito na ba ang kabilang buhay?

Minulat ko ang mga mata ko. Bughaw na kisame na ang sarap titigan, Malabot na kamang hinihigaan, preskong hangin.

Teka, kabilang buhay na ngaba 'to?

Napaupo ako at pinagmasdan ang paligid. Nasaan ako?

"You're in the City of Machete." Sabi ng lalaking nakatayo sa tabi ng pintuan. Sa posisyon nyang  'yon mukhang kanina pa siya nandiyan.

"I think you're ok. Stand up and get dressed. The traing will start after 30 minutes." Walang emosyong sabi nya at binato sakin ang itim na damit tsaka na sya umalis.

Teka... training? hindi ba't patay na'ko? anong nangyayari?

Kahit ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko, nagbihis na'ko tsaka lumabas.

Ang tama ko sa binti.

Nang tignan ko'y 'to, naghilom na. Wala na rin akong sakit na nadarama.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko ang mga asynhytes na may parehong damit tulad ng akin. Katulad ko rin ba sila?

Ang sakit na sa ulo ang mga tanong na hindi naman masagot sagot. Ahhhhh!

Kailangan ko ng sagot. Sinundan ko lang sila hanggang sa makarating sa isang bulwagan na may mataas na entablado.

Umakyat ang isang lalaki doon at may sinabi, "You are all gathered here to become the next generation of protectors and we are all destined to protect Eirene. Welcome to the annual training of the next Protectors." at biglang naghiyawan ang mga madla.

Pinapunya kami sa sinasabi nilang battlefield at doon may nakita kaming tatlong lalake. Ang isa sa kanila ay namumukhaan ko dahil siya yung nagbigay ng damit sa akin.

"You are the trainees and we are your trainers. Each of you should pass the three level of training. The physical level,  metal level and the hardest among the three,  the emotional level. " hindi ko alam kung bakit ako nandito tapos sasali pa ako sa isang training. Ahhh! Sasabog na talaga ang utak ko sa mga nangyayare sa'kin.

"The first level of traing is the physical level. And I am Levi, your trainer for this level. " sabi nung lalaking nagbigay ng damit sa'kin..

Pagkasabi nya non, sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kuweba.

Anong gagawin namin dito? Akala ko bang physical training 'to?

In-explain nya sa amin ang gagawin. Kailangan daw naming makalabas ng kuwabang 'to ng buhay.

Tinignan ko ang kuweba at napalunok na lang sa nakita. Madilim, may kung anong tunog na nagmumula sa loob, bako bakong daan. Makakalabas pa ba ako nito?

Nagsimula ng magsipasok ang kasama ko kaya kumilos na rin ako.

Unang tapak ko palang sa loob ng kuweba, parang gusto ng lumabas ng puso ko sa takot. Paano akong makakalabas ng buhay dito?

Sumonod lang ako sa mga kasama kong may kaniya kaniya ng paraan kung paano lalabas dito. May nag labas ng apoy sa kanilang palad, may gumamit ng kanikang bilis para agad makalabas, ang ilan ay ginamit naman ang lupa para sila'y makalas. Ako? Nakikisunod lang. Wala akong alam gawin kundi sumunod.

Lumakad lang kami ng kumakad hanggang sa mapansin namin na parang may sumusunod sa amin. Nagsimula nanamang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng magsigawan ang mga kasama ko.

Ahas. Isang malaking malaking ahas. Kaya nyang lamunin ng buo ang isang asynhytes.

Nagsiwagan na ang mga kasana ko ang iba ay sinubukang laban ito. Kahit apoy na ang ibinabato s akanya, wala pa'rin.

Tapos na kame. Tumakbo na ako papalayo sa kanila. Wala naman aking magagawa kung mananatili pa ako doon. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mapansin kong diretso lang ang dinadaan ko. Hindi ko na mahawakan ang pader ng kweba at hindi ko maramdaman ang bako bakong daan nito. Anong nangyayare?

Kahit na alam kong may mali na, tumaokbo parin ako ng tumak hanggang hindi ko na makayanan ang pagod. Napaupo ako sa pagod at pumikit.

Sa pagpikit ko, may narinig ako. Huni ng ibon, pagaspas ng hangin sa mga puno at halamat at ang mga nagtatawanang asynhytes. Binuksan ko ang nga mata ko at biglang nawala ang mga narinig ko kanina. Sinubukan ko ulit pumikit at pinakinggang ang mga tunig na narinig ko. Tumayo ako at sinundan ang tunog habang ako'y nakapikit. Sa paglakad ko, naramdaman ko na ulit ang bako bakong daan ng kuweba at ang magaspang nitong pader.

Papalas na ng papalakas ang tunig hangang sa maramdaman ko ng dumampi ang sikat ng araw sa aking mukha.

Nakalabas ako.

Napangiti nalang ako sa nangyare. Nakalabas ako sa isang kuweba. Ang isang walang kapangyarihang tulad ko ay nakalabas sa nakakatakot na kuweba.

Napatigil nalang sa pag mumuni muni nang may magsakita sa likod ko, "You're the first " sabi nung trainer naming si Levi.

Lumapit siya sa'kin at binigay ang mansanas na kakakagat niya lang.

"You understand the task don't you?" Tanong niya. Understand? Yung pagpasok ba ng kweba yung tinutukoy niya? Anong kinalaman ng kwebang yan eh hindi ko man magamit ang mata ko.

"That's the cave full of illusion. All the things that happen to you inside is only illusion. " yung ahas na malake ilusyon lang 'yon?

"Yes. You all see illusions because your eyes are open.  But when you close your eyes, you start using the other senses." Nababasa niya ang nasa isipan ko?

"Yes. " tsaka siya himiga sa ilalim nh isang puno.

Pano nya nagagawa 'yon? Tanong ko sa isip ko.

"You'll learn it in the next level. " sabi niya habang siya'y nakapikit.

"Will you stop reading my mind?" Naiinis na saad ko sakanya. Wala akong privacy sa taong to.

Ngumisi lang ito at tinakpan ang mukha at mukhang matutulog.

"Why am I here? " biglang natanong ko. Naghintay ako ng sagot pero wala akong nakuha sa kaniya.

Pipikit narin sana ako ng bigla siyang sunagot, "because you're a Machete. "

"Isa akong Do–"

"I said you are a Machete." Malamig na sabi niya. Yung tingin niya parang gusto na niyang pumatay. Anong ibig niyang sabihin don?

I Am CoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon