CHAPTER 8

10 4 0
                                    

Pagdating sa aming kaharian, agad akong nagtungo sa aking silid. Hindi parin ako nakaka recover sa nangyari kanina. I can't believe nagawa ko yun, Hahaha. I am about to enter my room, nang biglang nagsalita si Arthur.

"Masakit parin ba Ke?" Tanong niyang may nakaka lokong ngiti.

"Wag ka ngang mang-gulat Arthur!" Pagsu-sungit ko sa kanya.

"Pasensya na Princessa." Sabi niyang hindi parin nawawala ang nakaka lokong ngiti sa labi.

"Umalis ka na nga, Arthur!" Naasar talaga ako,eh!

"Magpapahinga pa ako. Sige na." Dagdag ko pa.

"Sige po Prince---."

Hindi ko na siya hinintay pang matapos , sinirado ko na ang pinto at diretsong pumunta sa aking kama, kinuha ko ang unan saka ko ito binugbog.

"Urgh! Nakakahiya lang talaga eh!" Pumula ang aking pisngi sa tuwing naaalala ko ang pinag-gagawa ko kanina habang nageensayo kami.

Ngayon lang talaga ako tinablahan ng hiya. Pero ang ganda talaga kasi nang katawan niya. 'Yung tuwing lalandas ang pawis niya patungo sa kanyang tiyan, ang sarap punasan. At ang braso niya tuwing nag pu-push-up siya, ang sarap hawakan. Ang landi-landi ko na tuloy!Hahaha.

Tumayo ako at dumiretso na sa banyo. Ngayon ko lang na realize, hindi pa pala ako naka linis sa aking katawan.

Pagkatapos kung maligo, sumalpak na ako sa kama at humiga. Nakaka- pagod na araw ito. Tuluyan na akong natulog.

Naalimpungatan ako sa tinig ng dalawang nagta-talo sa labas ng pintoan.

"Hindi pa kasi handa ang Princessa! Ilang ulit ko pabang sasabihin sayo yan Chris!" Mariing sambit ng kaboses ni Arthur.

Hindi ako siguro kung sino yung nagsalita. Pero nabo-bosesan ko na, parang si Arthur. Hindi ko lang kilala sino si Chris.

"Hanggang kailan Arthur!?! Hanggang sa tuloyan nang salakayin ang buong village? Naghahanda na sila!" Sigaw nang Chris.

"Hinaan mo ang boses mo!baka magising ang Princessa. Malakas siya, alam ko! Nakasama ko siya kanina sa pageensayo! Kaya niyang tapatan ang lakas ni Maximo. Sigurado yan!" Ani ni Arthur. At dahil dun tuloyan na akong lumabas sa kwarto.

"Anong pinagsasabi niyo?" Naguguluhan kung tanong sa dalaw-- tatlo pala.

"Princessa?" Gulat na sambit nang tatlo. At parang kinakabahan sa pag sali ko sa usapan.

When Two Worlds CollideWhere stories live. Discover now