Chapter One: She's the One

31 0 0
                                    

Yierandre's POV

Ang ganda ng bahay nila Dream. Halatang matagal nang nakatira dito. Samantalang kami, madalang na lang dito sa Sta. Rosa. Kumbaga tuwing summer lang dahil lumipat na kami sa San Pedro. Pero magkaklase pa rin naman kami ni Dream. Habang inililibot ang aking tingin sa kabuuan ng bahay ay di namalayang naipangtukod ko ang kaliwang braso ko kaya't tahimik kong tiniis ang hapdi. Di ko pa rin nakakalimutan ang batang dahilan nito.

Flashback

Alas-tres na ako nakaalis sa bahay kaya mabilis akong nagbisikleta. Katwiran ko'y subdivision ito kaya't kakaunti lang ang batang nasa daanan. May kalayuan na ako sa bahay namin at malapit na sa pupuntahan ko nang may nakita akong batang babaeng tumatakbo at may posibilidad na mabangga ko kung di ko ipepreno ang bisikleta ko. Ngunit dahil mabilis ang pagpapaandar ko dito ay napalakas ang preno ko't dumausdos ako. Naikabig ko siya sa kanan kaya't nahulog ako sa kaliwa. At dahil sa mabilis na reaksyon ng katawan ko ay naipangsuporta ko ang kaliwang braso ko. Sa kasamaang-palad ay namali ang pagkahulog ko kaya't mukhang napilayan ako. Sinulyapan ko ang babaeng muntik ko nang mabangga at nagulat ako nang di man lang niya ako tinapunan ng tingin. Bagkus kumakanta pa siya habang tumatalon-talon papunta sa kung saan. Nakita ko rin na may suot siyang itim na headphone. Kaya siguro di ako napansin. Nagdalawang-isip pa ako kung tutuloy pa ba o babalik muna sa bahay upang maipatingin ito sa house doctor namin, ang half-sister ko.

End of Flashback

Bumalik ako sa realidad nang mapansin si Dream kasama ang dalawang batang babae.

Sandali.....

"She's the one!"

Malakas na sigaw ko kaya't napatingin sila sa akin. Nakita ko kasi ang batang babae na muntik ko nang mabangga.

"I mean, that kid is the reason why I'm late."

Turo ko sa batang babae na wari ko'y nasa pito hanggang siyam na taon ang edad. Nakitang kong medyo naguguluhan siya at parang paiyak na kaya't medyo kinabahan ako.

"Uwaaaaaaah! Mamaaaaaa!"

Patay! Umiyak yung bata.

Dream's POV

Binuhat ko si Lieshia upang patahanin. Binigyan ko naman ng masamang tingin si Yier dahil natakot ang bata.

"Sshhh. Wag na umiyak. Tahan na. Jino-joke ka lang nun."

Pagpapatahan ko. Medyo nahimasmasan na naman siya kahit papaano. Nang um-okay na siya ay nakipaglaro na siya kay Desiree.

"Loko ka, tinakot mo."

Biro ko kay Yier.

"Ehh nabigla lang naman ako eh."

Sinapak ko siya nang mahina sa kanang braso niya. Tumawa lang siya.

"Oo nga pala, girls, eto si Kuya Yierandre. Say 'hi' to him."

"Hi Kuya Yierandre."

Bati ng kapatid ko.

"Hello Kuya Yarey."

Ehh?

"Uhmm, Yierandre po."

Lumapit siya sa bata at lumuhod.

"Sabihin mo nga, Kuya Yierandre."

"Kuya Yarey."

Nakalimutan ko nga pala, bulol si Lieshia, kaya nga Deri tawag niya kay Desiree ehh.

"Oh sige, para madali, you can call me Kuya Dre."

"Kuya Dre."

Pag-uulit nung bata. Tinap lang ni Yier ang buhok ni Lieshia pagkatapos ay lumapit sakin.

Lieshia's POV

Ang pogi ni Kuya Dre. Tapos ang bait pa and ang bango. Haha. Kras ko ata siya. Kanina ko pa kasi siya tinitignan at pag titingin siya ay tumitingin ako sa iba para di halata. Hihi.

Third Person's POV

Ang bakasyon ay kanilang sinulit. Lalo na si Yierandre at Lieshia dahil madalas ay lumalabas sila at nagpupuntang playground, minsan nama'y sabay silang nagbibisikleta. Lalo naman umigting ang nararamdamang 'puppy love' ni Lieshia kay Yierandre. Dumadating na sa puntong nalalagyan niya ng malisya ang ginagawa at sinasabi ng binata gayong kapatid lang ang turing nito sa bata. Dumating ang nalalapit na pasukan at magpapaalam na si Yierandre sa mga kaibigan. Madali lang ang pagpapaalam niya sa magkapatid ngunit nahirapan siya kay Lieshia.

"Kuya Dre, wag mo ko iwan. *sobs* Sa-Sabi m-mo, di mo ko i-iiwan ehh. *sobs*"

"Sige na, iho. Umuwi ka na't baka ikaw na lang ang hinihintay ng pamilya mo."

Sabat ng ina habang kinukuha si Lieshia sa binti ni Yierandre.

"Ako na nga lang po."

"Ganun ba? Oh sige, ako na ang bahala dito. Sige na, umuwi ka na't mag-ingat."

At tuluyan nang umalis si Yierandre at bumalik sa San Pedro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon