Prologue

47 0 0
                                    

(Lieshia is pronounced as /le-shi-ya/ while Lieshie is pronounced as /le-shi/)

(Yierandre is pronounced as /yan-drey/ while Yier is pronounced as /yer/ *insert maarteng pronunciation*)

Third Person's POV

Summer 2008

"Mama! Lalaro daw po kami sabi ni Deri."

Masiglang paalam ng pitong taong gulang na batang si Lieshia.

"O sige. Basta wag kang lalayo ha?"

Paalala ni Leah sa anak niya. Tumango lang si Lieshia at mabilis na tumakbo papunta sa kaibigan niyang si Desiree. Sa sobrang bilis eh muntikan pa siyang mabangga ng bisikletang mabilis ding pinapaandar ng labingdalawang taong gulang na lalaking si Yierandre. Mabuti na lamang at nakapagpreno ang lalaki kaya't di niya nabangga ang babae--na hindi man lang siya nilingon marahil sa headphone na kaniyang gamit. Sa kasamaang-palad ay napalakas ang preno ng binata kaya't siya ang nasaktan. Masama ang bagsak niya kaya nagkasugat ang kaniyang siko. Mabuti't naka-helmet siya kaya hindi naman tumama ang kaniyang ulo. Wala siyang magawa kundi ang bumalik sa bahay nilang may kalayuan na at mahuli sa pagpunta niya aa bahay ng matalik na kaibigan. Usapan kasi'y 3:00 ngunit dahil sa nangyari, tantya niya'y baka 3:30 na siya makarating.

Sa kabilang banda, si Lieshia nama'y pumasok na sa gate ng kaibigan at kumatok sa pintuan.

"Deri? Deri?!?"

Di naman masyadong nagtagal si Lieshia sa labas ng bahay dahil alam naman ng pamilya ng kaibigan niya na pupunta siya doon.

"Lieshie, iha, pasok ka."

Pag-aya sa kaniya ng isang babaeng nasa kalagitnaan ng tatlumpung taong gulang. Ito ang nanay ng kaibigan niyang si Desiree.

"Naliligo pa si Desiree, gusto mo kain ka muna?"

Bigla namang nakaramdam ng gutom ang bata--naalalang di siya nakahingi ng meryenda sa ina. Tumango naman siya kahit medyo nahihiya pa siya.

"Dream, samahan mo to sa kusina tapos papiliin mo ng pagkain."

(Dream is pronounced as /drey-yam/)

"Halika, Lieshie."

Sumunod ito sa binata na itinuturing niyang kuya dahil wala siyang ibang kapatid.

"Anong gusto mo, Lieshie? May cupcakes dito, biscuits, cake, sandwich or rice, ano?"

Tanong ng labingdalawang taong gulang na lalaking si Dream.

"Pwede po yung cake na lang?"

"Sure. Anong flavor ba? Tatlo lang kasi to eh. Chocolate, Mocha and Caramel la-- Oo nga pala, Chocolate paborito mo. Sorry. Haha."

Hindi man agad naintindihan ng bata ay nakitawa na lang din siya habang inihahain ni Dream ang cake niya. Ipinagtimpla din siya nito ng juice. Habang kumakain ang bata ay nakita niya si Dream na halatang naiinis dahil sa pagkalukot ng mukha nito. Gamit ang cellphone ng binata na isang Nokia 3210 ay may kung anong kinakalikot ito sabay itinapat sa kaniyang tainga na wari'y may kausap.

"Sagutin mo yung phone..!"

Pabulong na sabi ni Dream na halatang nais sumigaw ngunit may ibang tao kaya di magawa. Hindi na lang siya pinagtuunan pa ng pansin ng bata bagkus itinuloy ang pagkain. Nang maubos ay inilagay niya na sa lababo. Dapat ay huhugasan niya na subalit ang Kuya Dream na lang niya ang prisinta. Wala siyang magawa kundi ang hintayin na lamang ang kaibigan. Pagkaraan ng limang minuto ay bumaba na ang kaibigan upang ayaing maglaro sa tinatawag nilang playroom.

Sa kabilang banda, naiinis na may halong pag-aalala ang nararamdaman ni Dream sa matalik na kaibigang si Yierandre dahil ngayon lang ito nahuli nang ganung katagal sa usapan. Magte-trenta minutos na kasing huli si Yierandre. Si Yierandre nama'y nagmamadali na dahil ayaw niya sa lahat ay ang di tumutupad sa napagkasunduan. Binilisan na lamang niya kahit papaano ang pagbibisikleta kahit medyo kumikirot pa ang sugat niya. Sakto namang 3:30 na siya nakarating. Pumasok lang siya sa gate at kumatok.

"Oh. Ang aga mo ha?"

Sarkastikong bati ng kaibigan. Ipinakita naman nito ang kanyang benda sa kaliwang braso dahil naipangsuporta niya ito sa pagbagsak kanina. Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng kaibigan, marahil ay dahil naawa sa kaniyang sinapit.

"Anong nangyari sayo?"

Tanong ng kaibigan. Ipinaliwanag naman ito ni Yierandre. Pagkatapos ay tinawag ni Dream ang dalawang batang babae sa playroom upang maipakilala ang kaibigan at para na rin mabantayan sila dahil papasok sa trabaho ang kanilang ina.

"Desiree, Lieshia, sa baba na lang kayo maglaro, pwede? May ipapakilala ako sa inyo na bestfriend ko atsaka para may nagbabantay sa inyo, diba?"

Tumango naman ang dalawang bata at nagpatulong na kumuha ng laruan.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon