u n c n s r d 26

52.2K 2.1K 1.7K
                                    

u n c n s r d 26

"Uy, may love story palang nagaganap dito."


Sanay na ako kay Gio sa mga kahalayan niya sa buhay. Ilang taon na rin kaming magkasama. Halos siya na nga ang nagmulat sa akin sa mundo - pinakilala ang dapat ipakilala sa internet, ipinapanood ang mga hindi naman dapat ipapanood. Sanay na rin ako sa mga babaeng inuuwi niya, sa ingay habang nasa kwarto ako at sila, nagmimilagro nung babae sa kung saan, at sa itsurang after-sex kapag iinom ako ng tubig tapos aabutan ko rin yung babaeng umiinom ng tubig.

Pero nitong mga nakaraan, noong sinabi niyang parang in love raw siya sa babaeng cannot be reached, nawala yong mga babae. Nawala yong mga ingay sa gabi o madaling araw. Nawala yung pagkagulat kong makakita ng babaeng pagala gala sa apartment namin.

Hindi na ako nagulat na nanonood pa rin siya ng paborito niyang si Rola Takizawa sa biglaan kong pag-uwi ng Manila. Ang kinagulat ko?

Kilala ni Unica ang paboritong porn star ni Gio.

"Si Rola 'yan?"

"Oo."

Tumango-tango si Unica sa sagot ni Gio na nakatutok pa rin sa monitor niya.

"Siya yong tumigil na sa pagpo-porn, di ba?" tanong ni Unica.

"Oo." Sumimangot si Gio. "Naiyak nga ako nung binalitang titigil na siya."

Mahinang pinalo-palo ni Unica ang hubad na likod ni Gio. "Ikaw ba naman, bayaran ng million dollars para maging personal assistant."

"Kaya ko rin naman siya bayaran!"

"Ng?"

"Pagmamahal ko."

Umiling-iling si Unica. "Mag ipon ka muna ng million dollars tsaka mo sabihin 'yan."

"Mahal ko si Rola!"

"Mapapakain mo ba si Rola ng pagmamahal?"

"Hindi! Pero magaling akong kumain! Malaki rin yung ti—"

"Nakngtokwa naman, Gio!" pagputol ko sa sasabihin niya.

Maling-mali, Chino. Maling-mali na inuwi mo si Unica sa apartment at nandito si Gio! Pero malay ko bang magkakasundo ang dalawang 'to sa pornstar?

"Inaano kit—tangina, 'No naman! Nasa peak na, oh! Anong problema mo?!" Halos sugurin na ako ni Gio nang tanggalin ko sa plug ang computer niya at binato sa kanya ang isang twalyang nakasabit malapit sa pintuan.

Na maling gawin.

Dahil nakng. "Pinagpunasan mo 'tong twalya?! Anong kababuyan na naman ginagawa mo sa apartment nang wala ako?" Pinahid ko sa likuran niya ang kung anong kumapit sa kamay ko. Tinitigan lang ako ni Unica tapos bigla siyang tumawa. Malakas.

"Sabi ko naman sa 'yo, natitigang ako, eh!"

"Maghanap ka ng babae d'yan hindi yong nagkakalat ka dito."

"Stick to one nga ako sabi ngayon, eh!"

"Eh di yung bagong babae mo na lang yong—"

"Hindi lang siya bagong babae, 'No!" sigaw ni Gio at napatayo. Napakunot noo ako sa bakat sa boxers niya. Wala na bang mas ikabababoy nito? Kitang may bisita rin kaming babae. "She's my angel!"

Nagkumento naman si Unica na natatawa. "Aw, one true love ang peg."

Napakamot ako ng noo sa kunsumisyon. Unang-una, hindi ko naman dapat isasama sa apartment si Unica pero naawa na ako dahil kating-kati na siya sa gown niya. Tapos ayaw naman niyang makitulog kanila Deus dahil baka mahanap siya agad ng Nanay niya. Pangalawa, hindi na kami makauwing Bulacan dahil malayo pa 'yon, at baka balikan daw 'yong Bulacan, guluhin doon sila Mama. Pangatlo, naabutan ko – namin – si Gio na mukhang kulang na sa tulog na nanonood ng porn sa malaki niyang monitor. Pang-apat, nagkasundo sila ni Unica? Sa pag-uusap tungkol sa. . .porn star? At panglima. . .

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon