u n c n s r d 35

57.1K 2.4K 3.1K
                                    

u n c n s r d 35

"Ngayon mo pa sasabihing uwi na tayo kung kailan nasa gitna na?"


Madilim. Sobrang dilim. Tanging headlights lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa buong paligid. Mabagal din ang pagpapatakbo ni Unica sa FX ni Deus. Mula sa pagkakaupo sa gitna, ramdam na ramdam ko ang kaba ni Unica sa pagda-drive sa tinatawag na Old Zigzag Road ng Quezon; galing Pagbilao, papunta na sa Atimonan

May naaninag kaming malaking karatula: WELCOME TO ZIGZAG ROAD. Kung hindi madilim, malamang maaaninag din namin ang QUEZON NATIONAL FOREST PARK.

Hindi masaya si Unica sa madilim.

"Ang sabi nila," panimula ni Pja sa kwento niya. "May nanghi-hitchhike daw na multo pagpasok ng Zigzag Road. Nakikiupo. Mostly. . ." humina ang boses niya. Tiningnan niya si Unica na nasa driver's seat, at kay Deus na tulog na tulog sa shot gun seat. ". . . nasa tabi ng driver."

"Unica," nangingiting tawag ni Jax mula sa likod, katabi si Herq. "Ingat ka sa tabi mo."

Biglang bumusina si Unica nang sobrang lakas.

Bigla ring nagising si Deus na na-eskandalo. "Anong nangyari?! Bakit? Nics?!"

"Wala."

"Ingat-ingat naman," sabi ni Deus nang humikab.

Tiningnan ko lang si Unica sa rear-view mirror. Hindi mapakali ang mata niya. Titingin sa kanan. Sa kaliwa. Diretso. Minsan titingin siya sa likod pero mabilis na iiwas. Sa amin. Tapos nagkatinginan kami. Tumagal nang ilang segundo.

Sila Bob at Jax sa likod, tumatawa nang mahina.

Tumuloy sa kwento si Pja.

"May kwento pa nga noong pwede pa dumaan dito yung mga bus, may isang babaeng nagpahinto. Iihi raw muna. Tapos 30 minutes na, wala pa rin kaya hinanap na siya ng mga mga tao. Tapos. . .tapos. . ."

"Then?" tanong ni Amari, nasa tabi ni K – sa kabilang bintana sa gitna.

". . .tapos nakakita na lang sila ng pool of blood. Ilang months pa bago nakita yung bangkay ng babae, nasa loob ng isang ahas."

Kinilabutan ako roon, hindi ko lang pinahalata. O hindi lang din halata dahil wala namang tataas na balahibo sa akin. Pag hinimas, may kaunti. Sobrang kaunti lang.

"Ah, teka," biglang putol ni Jax. "Yan ba yung white lady na nakikita minsan na biglang tatawid dito tapos kapag hindi pinansin, hahabulin yung kotse—AH!"

Nakng.

Biglang tinigil ni Unica 'yong kotse!

Halos lahat kami napasubsob. Si Amari ang pinaka sumigaw habang si Deus naman, nanlalaki ang matang tiningnan si Unica na katabi.

"Anong nangyari?!"

"Putangina!" biglang sigaw ni Unica. Hinampas ang manibela. "Ayoko na mag-drive!"

Natahimik kaming lahat sa FX.

Nagtanggal ng seatbelt si Deus. "Itabi mo tong sasakyan tas baba na. Palit tayo."

Umiling si Unica. "Ayoko. Ikaw bumaba, lilipat ako dyan."

Napailing si Deus at bumaba sa FX. Umikot siya para makapasok sa driver's seat samantalang si Unica naman, lumipat lang at humakbang sa kambyo para maupo sa shot gun seat. Nang utusan ni Deus na mag-seat belt si Unica, lumingon si Unica sa amin sa gitna. Sumilip sa likod.

"Dito na lang ako sa gitna."

"Wait, di ka na kasya—"

Pero sumingit pa rin si Unica sa tabi ko. Nagsumiksik siya sa gitna namin ni K.

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon